Geylang Adventure

Occurred: March 2009
Written: May 14, 2011

Isa sa mga idolo ko sa blogging world ay si unkyel batjay. Isa syang OFW at nagtrabaho ng ilang taon sa Singapore (SG). Sa kanya ko nalaman ang tungkol sa Geylang. Geylang, my friends, is the red light district of Singapore. Hindi ito sikreto sa madaming tao lalo sa mga nakabisita na sa SG. Isa sa mga tumatak na post ni unkyel sa akin ay noong sinabi nyang food and sex always come together.  At yan ang aking pinatunayan nung ako ay mapadala sa SG ng aking pinapasukan.

Apollo : Pre! Ma-assign ako jan sa SG! Sa Feb15 ang alis ko. Wuhooo! Malapit ka ba sa Geylang? Ha? Ha? Masarap daw mga pagkain dun? Saka madaming aahm, prosti? Tara! Tara! Wuhooo!
Derek: Hu u!? *sabay sign out*
Syempre joke lang yan.  Pero excited talaga ako.

Sila ang mga taong nagprisintang ipasyal ako sa Gomorrah Geylang:
Derek: IT consultant. Dati kong officemate at kateam. Mapera. Galante.  Okay kasama. Mabait.Gwapo. Makisig.  Kailangan kong sabihin ito para ampunin nya ako pagbalik ko sa SG. Lols!
Blue: Kasama sa condo ni Derek. Nagtatrabaho bilang waiter sa hotel. Pinsang buo ng isang sikat na singer dito sa Pinas. May dugong artista kaya gwapo ang hayup.

Game! MADAMING.prosti.sa.Geylang. I tell you, well represented ang ASEAN dito. Bawat kalsada, may kanya kanyang nationality. Lorong ang pangalan ng mga kalye (i.e. Lorong 12, Lorong 13, etc). Sa sidewalk nakadisplay ang mga paninda. Nasa likod rin ang mga mumurahing motel/hotel. Convenient di ba?
Una naming pinuntahan ang lugar ng mga Chinese. Ang gaganda nila! Talo pa nila ang mga artista dito sa Pinas. Seryoso. Lapit agad kami.

Blue: How much?
Chinese:  50SGD for one hour (or isang putok, whichever comes first as explained later to me).
Derek: For one hour? This is blasphemy! It’s expensive!
Chinese: But I’ll make you happy!
Blue: *Pabulong sa Chinese* Listen, how about we talk this thing out. How about YOU will pay me 20, I’ll make you happy. 20 only. *Kung minsan, sinasamahan nya ng kindat*
Apollo at Derek: NYAHAHAHA!
Chinese: *puzzled look*
Derek: Seriously, I think that’s a good offer.
Apollo: Look at him. He’s good looking. 20 SGD only. If I were you, I’d take him.
Blue: You think so? *kagat labi*
All three: NYAHAHAHAHA!
Chinese: *puzzled look*

Repeat steps above sa LAHAT ng Chinese na andun. Hirap silang umintindi ng English kaya delayed ang reaction nila. Pag nagets na may nagagalit, may nagtataka pero mas madami ang natatawa. Pero ganun pa rin, hindi sila kumagat sa brilliant proposal ni Blue. Walang binatbat ang kagwapuhan niya. Mas matimbang ang SGD. LOLS. Biglang may lumapit sa aming Malay.

Malay: Hey you!
All of us: Hey!
Malay:*pabulong at may diin ang pagsasalita* Listen guys. This is serious business we’re talking about. Don’t play jokes here.

Uh oh! Natakot ako much. Mukhang sindikato na ang kausap namin. Naisip ko ang salitang “salvage”. Tahimik si Derek. Si Blue, nakangisi lang. Cool pa ring makipag-usap. Nakalimutan ko kung sino ang nagsuggest na puntahan na namin ang mga Thais. Kung maalala ko, ihahug ko sya. Pramis!

Geylang Area

Iba naman ang istilo ng mga Thais. Wala sila sa kalsada. Nakalungga sila sa mga pangkaraniwang bahay. Paano malalaman kung may mga prosti doon? May ilaw na pula sa labas. Suki Magagaling talaga mga kasama ko. Hehe! Sinalubong kami ng receptionist bugaw at pinaupo sa sala.

Blue: Thais? Thais?
Bugaw: Yes laah! Beautiful Thais! Wait here, I’ll call them.

Pumasok sya sa isang kwarto. Paglabas nya, kasunod na nya ang mga babae. Less beautiful kumpara sa mga Chinese pornstars sa labas. Mukhang mga Pilipina. Crush ng isa yung isang chubby na malaki ang boobs at puwet. Gusto ng isa yung sexy. Di ako namili dahil wala akong balak mamili. Sabi ng bugaw, 40 SGD. Sounds fair. Sabi namin babalik na lang kami. The night was young at madami pang pupuntahan.

Pinuntahan din namin ang lugar ng mga Indonesians. Katulad ng mga Chinese, nasa sidewalk lang sila. May ibang may edad na, may bata pa. Bahala ka sa preference mo. 30 SGD naman. Nagulat kami kasi bigla silang nagsialisan ng sabay sabay. Yun pala, may mga pulis na dumating. Kala namin magkakaroon ng raid. Walang raid. Baka nangotong lang sila. Lols! Pag-alis ng pulis, balikan uli sila.

Vietnamese, Cambodians. Basically walang pagkakaiba. Ganun pa rin. Medyo nabagot na kami. Mahirap kasi makipag-usap. Hindi enjoy magjoke kung sa umpisa pa lang hirap nang makaintindi ng English ang kausap mo. Biglang may naalala ang mga kasama ko. Comedy daw. Game! Dinala nila ako sa isang madilim na kalye. Sa bungad pa lang, alam ko na ang naghihintay na tanawin. Mga prosti na anap! Nashock ako kasi alam kong VERY conservative ang kanilang kultura. Meron din palang mga ganun sa lahi nila. Madilim ang kalye. Nakakatakot.  Para sa akin, hindi magaganda ang mga andun. Mukhang mga nanay, maiitim. Sa amoy, no comment. Sabihin mong mapanlait o mapanghusga ako pero ganun talaga ang nakita namin. Magkano? 20-25 SGD. Enough said.

Pagkatapos nun, naghanap na kami ng makakainan. Madaming mga kainan sa Geylang. Mura at mapapamura ka sa sarap. Kumain kami ng chili crab, kangkong, char kway teow, etc.  *Thanks Derek sa pagpapaalala ng mga pangalan.*

Pagbalik namin may nakilala kaming mga OFWs. May nakuha daw silang Chinese for 40SGD. 20% off pagpatak ng madaling-araw. Hehe!

We’ve come this far at alam kong may tanong kayo. Asan ang mga Pinay sa Geylang? Hindi rin namin alam. Nagtanong tanong kami pero wala sila doon. Deep inside natuwa ako nung nalaman ko yun. Pero agad ding nawala nung sabihin nilang may sariling lugar ang mga Pinay. Hindi sa Geylang. Kung asan sila, sa ibang post ko na lang ikukuwento.

Isa pang tanong: Bakit hindi kami “bumili” ng produkto doon? Hindi. Dahil wala naman kaming balak in the first place. Okay na kaming makipagbolahan at makipagbiruan. Masaya kaming kami naman ang nagbigay ng “panandaliang aliw” sa kanila. It was a learning and humbling experience for me.

On a more serious note, nakakaawa ang mga babaeng andun. Halatang napipilitan silang ngumiti at makipaglandian sa mga dumadaang lalake. Mahirap mang paniwalaan pero hindi ako gaanong nalibugan. Mas nangingibabaw ang awa. Isipin ko lang na may pamilya silang tinataguyod sa kanilang sariling bayan, sapat na yun para lumiit at mahiya ang aking pututoy.

Advertisements

Posted on May 17, 2011, in Uncategorized. Bookmark the permalink. 18 Comments.

  1. make me happy too! hahaha! comedian pala yang mga chiching ng Geylang eh. nakaka-curious yung mga itsura ng chinese! gusto ko makita yung kaledad.

    nevermind sa mga pana. pass ako dyan.

  2. medyo mahirap makipag-usap sa kanila kasi hirap sila mag-english. halos sign language na ang usapan namin. picture this: ineexplain nila sa sign language ang mga gagawin nila sau. ganun talaga ang sales talk nila kaya di namin alam kung matatawa o maawa kami. but were salbahe like that so tumawa na lang kami. hindi naman sila pikon kaya ayos. pero wala talagang panama ang madaming artista dito sa ganda nila.

  3. nice post,nakakamulat ng kaisipan tungkol sa mga mgdalena ng sg,

  4. natutuwa ako sa pangwakas mong mensahe…so true.. sana lahat ganyan ang maiisip…

    at salamat.. me dumagdag sa aking kaalaman…geylang..geylang..haha

    • informative ba ang post ko? haha! seriously, nakakalungkot lang isipin yun di ba? oh well…
      salamat sa pagbisita dito sa aking munting blog. 🙂

  5. mabuti naman kung ganon hindi ka nakuha sa ganda haha…

    nakakaawa nga sila… ang galing ng post may natutunan ako.. yung blue asan na yun??? hahaha penge number bwahaha

    • Mas maganda kasi ako sa kanila. Ahihihi! Seriously, takot ako at nakakaawa sila kaya wag na lang. Ask ko si Derek kung binata pa si Blue ngayon. I’ll inform you. Remember, 20SGD lang sya. Murang mura. He’ll make you happy. Lols!

  6. kaya siguro may discount pag madaling araw kasi marami nang nauna sayo for the night hahaha

    yaiksss….

    pero tama ung last paragraph mo… nakakaawa nga sila, kung meron lang sana silang ibang alam na pagkakakitaan…

    • yun exactly ang dahilan ng discount pre. hehe…

      gaya ng rason ng mga makabagong bayani natin, posibleng salat din sila sa oportunidad sa kanilang sariling mga bansa.

  7. pre, taken na si blue engage ayun sa kanyang peysbook account.. hehehee. pero ganun pa rin ang geylang, walang pagbabago maliban sa mga mas dumami ang anaps.. yaaaaaaaargh!

    asan na yung geylang round 2?? bwahahahahahahahahahahaha!!

  8. Abangan mo ang iba pa nating adventures jan pre. Nyahaha!

  9. corny. walang nangyari? i was waiting for the climax of the story. bwahahaha, joke lang.

  10. sorry, wala eh. mababait kasi kami. lols!

  11. sabagay pre, yan talaga ang mafifeel mo talaga sa kanila kung ang tingin mo sa kanila ay tao din tulad natin, which is yun ang tama naman. at pag yun ang naisip natin, nakakaawa talaga. yun ang mangingibabaw usually. i feel the same most of the time for them, seriously speaking. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: