Washer Gang

Occurred: One summer class during college days
Written: May 19, 2011

Ang kwento ko ngayon ay tungkol sa aming kalokohan during college days. Sino bang Cardinal ang hindi maloko? Lols! I mean it in a good way. Cardinals! gow! gow!

Washer Gang members:
Nookie: Kaupo ko siya sa lahat ng klase namin. Iisang block kasi kami. Naging matalik na kaibigan dahil sa click ang ugali at parehas na maloko ang takbo ng isip namin. Halimbawa: Matutulog ako sa klase, sya ang taga siko gising pag nakakahalata ang teacher. Hehe! Valedictorian pala sya from Apalit, Pampanga.
Apollo: Promdi. Antukin sa klase. Period.
Jomar: Balikbayan from Hawaii, USA. Umuwi para mag-aral sa Intramuros. Nangingilag kaming makipag-englisan sa kanya. Valedictorian din.
Archieval: Valedictorian from Catanduanes. Promdi ring kagaya ko.
Alvin: You’re wrong! Salutatorian sya from Sta. Ana, Manila Citeey! Pinakabata sa amin dahil sa under-age sya nung nagsimulang mag-aral.

Araw araw pagkagaling sa school diretso kami ni Nookie sa kung saan saang mall para maglaro ng arcade. Hindi naman talaga ako mahilig mag arcade. Gusto ko lang ng mapaglilibangan dahil lagi akong nangungulila sa aking pamilya sa probinsya. Masaya na akong manood sa mga naggagandahang graphics at makabasag tengang ingay na dulot nila. Ang nilalaro ko lang noon ay yong basketball (magshoshoot ng bola sa platform na may ring) at Area51 (may babarilin kang mga aliens sa monitor).

Isa sa madalas naming puntahan ay ang Isetann sa Recto Avenue (University belt). Noong panahon na yun, puro arcade shops ang laman ng third floor. Nirvana ito sa mga katulad ni Nookie na gamer at ako na laging homesick. Dahil sa mga hamak na palamunin estudyante pa kami noon, di maiiwasang nagkukulang ang budget namin sa arcade. Nakaisip kami ngayon ng isang napakaganda at makabagbagdamdaming plano.

Nookie: Malapit na namang maubos allowance ko. Pamasahe na lang natira. (Nasabi ko bang uwian sya araw araw? From Brgy Capalangan, Apalit, Pampanga to any point of Luzon Intramuros and vice versa ang byahe nya.)
Apollo: Ang mahal naman kasi ng token. Tapos sandali lang ang laro. Kung pwede nga lang na piso na lang ang gawin nating token eh… *nag-eemo habang nilalaro ang token*
Nookie: Teka patingin ng token mo.
Apollo: Bakit?
Nookie: *isinukat sa piso* Hindi eh.
Both: Lightbulb!

Sabi nya, try daw namin ung washer. Sa isip isip ko, mukhang pwede ang “buli”.  It turned out, washer ang tawag nun dito sa Maynila. Malay ko ba, buli sa amin eh. Bago kami umuwi, bumili kami ng token sa lahat ng arcade shops doon. Kinabukasan pagtapos ng klase, nagrecruit kami ng makakasama.

Apollo: Pre sama ka sa amin. Arcade tayo.
Jomar: May report pa tayong ipapasa bukas eh. Tapos na kayo?
Nookie: Bukas na ba ipapasa yun? Wala pa akong nagagawa eh.
Apollo: Hala! Ako rin. Tsk… nakakainis naman. tara arcade na lang tayo.
Nookie: Oo nga. tara.
Jomar: Lintek talaga kayong dalawa! Sige sama na ako!
All: NYAHAHAHA!
Nookie: Daan muna tayo sa Avenida. May bibilhin lang tayo.
Jomar: Ano bibilhin nyo?
Apollo: Bibili sya ng bold na baraha. Samahan natin.

Pagdating sa Avenida, naghanap kami ng hardware store. May nakita naman kami malapit sa Raon. (Nakakatawang isipin ngayon na wala kaming takot pumasok sa mga eskinita noon para lang makahanap ng washer.) Ayos at may binebenta silang washer. Used nga lang. Tipong kakahugot lang sa yero. Isinukat namin ang washer sa mga token. Oooops! May kasukat. Bili kami ng kalahating kilo. Magkano? 14 pesos. Ilang piraso? Nasa bente. Ayus!

Jomar: Aha! Kaya pala andito tayo.
nookie: Ano? aatras ka?
Jomar: Ulol! Gawin mo ng isang kilo.

token, este... washer pala

 

Hinati namin sa tatlo ang nabili naming washer. Inilagay sa plastic at ibinulsa. Pagdating sa Arcade shop, kinakabahan kaming tatlo. Bumili muna kami ng token para di halata. Bumili ako ng dalawa. Ang mga kasama ko, tig-isa lang. Garapal ang mga walanghiya!

Moment of truth! Kumuha ako ng isang washer, hinalo ko sa mga token. Tahimik kaming tatlo. Halata ang takot at pananabik. Pasimpleng nilaglag ang washer. Ting! Ting! Ting! We hit the jackpot! Di ko na nakita ang reaction ng dalawa. Tumakbo agad sa mga lalaruan nila.

ENJOY na enjoy kami. Although mas nag-enjoy ang dalawa dahil sa marami silang larong alam. Nalaman ko yan noong bumalik ang dalawa para humingi ng washer ko. Naubos agad ang parte nila. Isa lang ang reklamo namin. Puro kalawang ang aming kamay, bulsa at gilid ng damit. Okay lang naman. A little sacrifice for the greater good.

Natapos ang laro namin na may ngiti sa aming mga labi. Ngisi pala. Hindi bagay ang dalisay na salitang ngiti. Lols! Pinangalanan namin ang aming grupo bilang The Gwapings! Washer Gang. Nangarap din kami noon ate charo.

Apollo: Ituturo natin sa ibang tao to pre. Lalaki ang gang natin.
Nookie: Bakit pa ituturo sa iba?
Apollo: Diversify the risk. Para mas mahirap silang magpinpoint ng suspek.
Nookie: Tama. Dapat tayo ang lider. Pero saka na. Magsawa muna tayo. Nakinikinita ko na, sisikat ang gang natin.
Apollo: Lulugihin natin lahat ng arcade shops sa buong Pilipinas pre. From gang, magiging sindikato tayo.
Jomar: ….
Nookie: Oo tapos magiging public enemies tayo. Public enemy number 1 ako.
Apollo: Okay na ako sa number 2 pre. Ayaw ko sa limelight.
Nookie: Magkano kaya magiging patong sa ulo natin? Milyon kaya?
Apollo: Di ko alam, pwedeng isang milyon, pwede ring limang token lang.
Apollo at Nookie: NYAHAHAHA!
Jomar: ….
Apollo: Paano yan, hahabulin tayo ng mga pulis?
Nookie: Di tayo susuko! Di tayo pahuhuli ng buhay!
Apollo: Sige. Patay kung patay.
Apollo at Nookie: NYAHAHAHA!
Jomar: ….
Nookie: Tara, uwi na tayo. Hahabulin ko pa ang byahe ng Rabbit (bus terminal sa Avenida)
Apollo: Tara, gawa pa ako ng report.

Kinabukasan sa klase namin.

Jomar: Mga pre, isinama nila ako kahapon mag arcade sa Isettan. Anlaki ng natipid namin! Wuhoo!
Archieval: Ano na namang kalokohan ang ginawa ng dalawang yan?
Jomar: Bumili kami ng washer sa Avenida. Tapos………..
Lahat: *nagets agad ang logic* Sama kami!
Apollo to Nookie: *pabulong* di na kakasya ang isang kilo sa atin pre…

Nung maglaon, nakahalata na ang mga crew sa arcade shop. May mga tao sila na pasimplemg lumilibot para mahuli ang mga salarin. Syempre halata kung lalayuan mo ang bantay. Tipong nang-aasar pa kami na sa malapit kami ng bantay naglalaro. Bwahaha!

Good things never last. Sad to say, Mga dalawang linggo lang ang itinagal ng aming gang. Kusa rin naming itinigil sa mga kadahilanang:
1. Di namin kayang isugal ang aming kinabukasan (naks!) kapalit ng ilang token lang.
2. Naawa kami sa may-ari ng shop. Mabuti sana kung lahat ng shops nabiktima namin. Sila at sila lang dahil walang kasukat na washer ang token ng ibang shops.
3. Ayaw naming sumikat. At higit sa lahat…
4. May iniingatan kaming reputasyon. Mahirap maglaba ng kinakalawang na damit at pantalon.

Cardinals gow! gow!

Advertisements

Posted on May 20, 2011, in GML, school stories. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. hayip! hindi ko naisipan gamitan ng washer ang mga arcade ah. naisip ko pa dati bili ako token tapos puluputan ko ng sinulid para paghulog, pwede ko iangat ulit. turo yan ng tatay ko. hahahaha!

  2. ayos! puro kalokohan talaga kayo ni nookie! at nirecruit nyo pa si jomar hehe..

    ano na update sa mga members ng gang ngayon? ano nang modus operandi nyo?

    • Willing accomplice si jomar. Mahilig din syang maglaro eh. Hindi ka ba namin kasamang nagsummer noon? Physics 3 ang subject. Nayaya ka rin sana namin. hehehe
      Noong sinusulat ko to kagabi, saktong nag online si nookie kaya nakakwentuhan ko sya. Sya rin ang nagdagdag ng ibang details na nakalimutan ko. Freelancer daw sya ngayon. Sa ibang members, wala akong balita.
      Salamat pala sa pagbisita.

      • hindi ako nag-s-summer dati… nung last year lang para mabawasan ang load… masisipag kasi kayo hehe.

        • mga batang inip kasi kami. haha! saka preparation ang summer na yun para kay bernardino sa calculus. tae lang di ba? anlaking takot ang ibinigay nya samin.

  3. ahahaha…… pareho tayo buli din tawag samen nyan hahaha… ang galing naman!

    pwede kaya sa videoke yan?? hmmm tingin ko malaki ang matitipid ko haha

    kaloloko eh… uso pa ba token sa arcade ngayon?? card na yata gamit eh diba???

  4. apollo, alam mo bang pwede pang istreamline ang inyong processo para mas makatipid pa? narinig ko lng dati to sa mga ibang washer gang din samin hehe – pwede mo pang talian ang washer dun sa butas nya ng nylon o ng floss, para pagkatpos mong ihulog at matrigger nya ung parang switch ay hihilahin mo n ngaun, reuse and recycle heheheh

    • ganyan din ang suggestion ni gasti pre. ayon sa aming “pagsasaliksik” noon, nakadepende sya kung saan nalalaglag ang token. karamihan noon, parang alkansya ang sumasalo. maliit ang opening nya kaya mahirap na syang hilahin pabalik. obvious na sya masyado dahil maiiwan ang tali sa token slot. washer gang alert! haha!
      salamat pala sa pagbisita at sa comment. 😀

  5. Tawa ko ng tawa dito! Ahahahaha

  6. huwaw! nagcomment ang isang sikat na blogger dito sa aking hamak na blog. tats ako kasi napatawa ka. im sure nakarelate ka kasi cardinal ka din. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: