Monthly Archives: June 2011

Student Fare Outfit

Occurred: June 23, 2011
Written: June 23, 2011

Meron akong tinatawag na student fare outfit. Isa itong white polo barong. Kaninang umaga pagsakay ko ng jeep, abot agad ako ng sampung piso. Agad na nagsukli ang secretary, asawa, kabit, gelpren, kasamang babae ng driver ng tatlong piso! Natawa ako kasi yan ang laging nangyayari basta suot ko ang damit kong yun. Kung iba ang suot ko, 8 pesos naman ang bayad ko.

Isinoli ko agad yung piso sa babae. Ang ginawa ng babae? Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Siya pa ang nagduda! Hahaha! Mukha siguro akong estudyante kapag yun ang suot ko.

To all the jeepney drivers out there, alam kong baby face, payatut at pandakekok ako pero wag nyo namang ipangalandakan. Kaya ko namang magbayad ng 8 petots! It’s so unfair! Nakakainis!

A Day in the Life…

Occurred: 21 June 2011
Written: 21 June 2011

May training ulit ako ngayon. So far so good. Hindi na ako madalas inaantok. Dahil siguro sa interesado ako sa topic ngayon. Among the key points / observations in the said training:  Read the rest of this entry

Sleep Study

Will occur: May 13, 2011
Written: May 10, 2011

For the whole duration of my professional life, ngayon lang ako gagamit ng three days sick leave (SL). Today, dahil sa trangkaso at ubo. May sakit talaga ako ngayon pramis.

SL pa rin ako next mon at tue. May polysomnography (PSG o sleep study) kasi ako sa st. luke’s monday night. Laboratory test ito which includes diagnostic and therapeutic procedures. Ang sabi ng sleep doctor (may sleep doctor palang profession), kailangan ko to para malaman ang estado ng katawan ko sa pagtulog at para na rin maagapan ang paghihirap ng puso ko. Physical aspect ng puso ha? Saka hindi ito emo post. Read the rest of this entry

Notes from the pasts II

This is a collection of previously written random notes in reaction to actual events. I thank you notepad.

capt. barbell, sinagip sa baha!
*bagyong ondoy. ironic noh?

tv reporter: ano po sa tingin nyo ang dahilan at hindi tinangay ng baha ang bangkay ng kamag-anak nyo?
interviewee: sinabihan ko pong kumapit sya sa nitso.
*eto ung baha sa pangasinan dahil sa bagyong pepeng. sarap mapanood ang sarkastikong tawanan ng ini-interview at mga miron habang walang kamuwang muwang sa kabobohan nya ang reporter.

most “brilliant” commentary i ever heard during a boxing match: “ayan na po, nagkakasakitan na sila!”
*of all analysts, si “the dean” ang nagsabi nyan kaya worth mentioning talaga. at opo, pacquiao fight yan.

“miss, hindi ko maipapangakong mabibigyan kita ng magandang buhay, pero mabibigyan kita ng magandang lahi!”
*i swear, yan ang panalong banat ng bunging bus conductor sa natipuhan nyang pasaherong babae. nasa next row lang ako kaya dinig na dinig ko yan. at dinig na dinig din nila ang hindi ko mapigilang halakhak.

“i’m a one-man woman!”
*nagkamali lang si fpj nung sinabi nya yan. but it’s way too late. muntik ng maubos ang dangal nya sa pang-aasar namin.

pag may holiday exemption sa ramadan, ibig bang sabihin kristiyano lang ang walang pasok sa pasko?
*reaction ko nung may news na magkakaroon daw ng holiday exemption. buti, di natuloy.

alam nyo bang tumatalab ang staple wire sa daliri? maging mapanuri, mapagmatyag, mapangahas… matanglawin!
*experiment ko to noon habang walang magawa. kala ko mas malambot ang staple wire kesa sa daliri ko. ang cute nung lintek na twin red marks.

smoke free solano

ang galing ng bayan ko. yun lang. bow.

quick few good news

• umattend kagabi ang brod ko ng SAP roadshow ng sakahan namin. ang roadshow ay para sa mga non-employees na balak nilang ihire. ang resulta: mas interesado na sya mag-apply sa amin. At eto pa: nanalo.sya.ng.IPHONE.4.sa raffle.

shining and shimmering at bagung bagong Iphone 4

• two months ago, nanalo din sya ng cellphone sa isang christian band concert sa ultra.

• mas good news: di ko na kailangang bilhan ng bagong cellphone si bunso. YEY!

• maisama lang: nung supposed-to-be-last-day ko sa sakahan last feb, nanalo rin ako ng waffle maker sa raffle ng capability namin.

pahabol: nagping ang kaibigan ko at sinabi nyang may dividends na daw kami sa stocks na binili namin. yey! mas lalo tuloy ako naengganyo maging isang stock trader (naks!).

polgas: Pre
apollo: pre
polgas: may pumasok na pla na dividends sa CEB
            hehe
            mgkano nga binili mo 100 shares dba
apollo: wow!
            uu 100
            haha
polgas: worth 2.7 per share
            hehehehhe
            270 petots
apollo: huwaaw!
polgas: bigay ko sau pgngkita tyo
apollo: may kita na ang stocks ko
            pwede na ako magresign! lols
polgas: hahahahahaha