quick few good news

• umattend kagabi ang brod ko ng SAP roadshow ng sakahan namin. ang roadshow ay para sa mga non-employees na balak nilang ihire. ang resulta: mas interesado na sya mag-apply sa amin. At eto pa: nanalo.sya.ng.IPHONE.4.sa raffle.

shining and shimmering at bagung bagong Iphone 4

• two months ago, nanalo din sya ng cellphone sa isang christian band concert sa ultra.

• mas good news: di ko na kailangang bilhan ng bagong cellphone si bunso. YEY!

• maisama lang: nung supposed-to-be-last-day ko sa sakahan last feb, nanalo rin ako ng waffle maker sa raffle ng capability namin.

pahabol: nagping ang kaibigan ko at sinabi nyang may dividends na daw kami sa stocks na binili namin. yey! mas lalo tuloy ako naengganyo maging isang stock trader (naks!).

polgas: Pre
apollo: pre
polgas: may pumasok na pla na dividends sa CEB
            hehe
            mgkano nga binili mo 100 shares dba
apollo: wow!
            uu 100
            haha
polgas: worth 2.7 per share
            hehehehhe
            270 petots
apollo: huwaaw!
polgas: bigay ko sau pgngkita tyo
apollo: may kita na ang stocks ko
            pwede na ako magresign! lols
polgas: hahahahahaha

Advertisements

Posted on June 1, 2011, in good news, spur of the moment. Bookmark the permalink. 13 Comments.

  1. Hi! Nice gadget. Swerte naman ng friend mo. Ako walang swerte sa raffles. Anyways salamat sa pagpansin sa Blog ko kahit walang kakwenta kwenta mga pinagsasasabi ko,, may mai-blog lang. Hehe Have a nice day =)

  2. actually kapatid ko yang nanalo ng iphone4. swerte nga sya lately sa mga ganyan. pero baka ganti na lang ng tadhana sa kanya. last year kasi, naging suki naman sya ng mandurukot sa bus. dalawang cellphone lang din naman ang nawala nya. buwan lang pagitan nun. haha!

    walang anuman. now it’s my turn to thank you sa pagbisita dito. 🙂

  3. ah ok I thought barkada mo hehe it goes to show na may good karma pa rin talga.. I knew someone na ganun din twice in a row nawalan ng phone. That person naman may balat sa likod na according sa hilot eh yun daw yung reason bakit lagi sya nadudukutan and worst nahold-up. Ay napaka morbid naman ng topic natin haha sorry naman.. take care =)

  4. sabi nga ng marami balat daw sa puwet. or baka libag lang yun. lols!

    di naman ata totoo yun. i don’t think maiimpluwensyahan ng balat sa likod ang balak ng isang holdaper na kumukulo ang sikmura (o nag-aadik). just my two cents. 😀

  5. hello!

    ang saya ng 270 pesos!

  6. it’s not much pero masaya ako dahil unang kita sa stocks. parang yung unang sahod sa unang trabaho. haha!

    salamat sa pagbisita. 🙂

  7. Ayus ang swerte talaga! 🙂
    @Polgas marunong ka pa ba magCS? hehehe 🙂

  8. kaya try mo ring mag-invest pre. mas okay sau kasi mas bata ka sa amin. ayon sa aking nabasa: invest ka ng 5k monthly sa blue chips for 20 years. after nun, may 20M ka na. yan lang naman ang propesiya ng financial author. pero ayon naman sa propesiya ng mga aztecs, walang patutunguhan yan dahil end of the world na sa 2012. lols!

  9. oo pre try ko ang ganyan. di bale hindi naman ako naniniwala sa end of the world 🙂 end of life..buti pa..salamat sa pageencourage..tatry ko talaga yan…hehehe

  10. glad to be of help pre. si fpj lang talaga ang mahirap matulungang magka-gf. pero dahil kaibigan natin sya, di tayo susuko. nyahahaha! peace tayo fpj! 😀

  11. nyahaha! gusto kasi ni fpj asawa na agad. 🙂

  12. swerte… try mo taya lotto…;)

    • lagi akong tumataya sa lotto kaso di naman nananalo. di ako kasing swerte ng uncle kong nanalo ng jackpot sa lotto. nanay ko naman, suwerte sa huweteng. di ko tuloy sya masermunan sa illegal na sugal na yan. laging panalo eh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: