Sleep Study

Will occur: May 13, 2011
Written: May 10, 2011

For the whole duration of my professional life, ngayon lang ako gagamit ng three days sick leave (SL). Today, dahil sa trangkaso at ubo. May sakit talaga ako ngayon pramis.

SL pa rin ako next mon at tue. May polysomnography (PSG o sleep study) kasi ako sa st. luke’s monday night. Laboratory test ito which includes diagnostic and therapeutic procedures. Ang sabi ng sleep doctor (may sleep doctor palang profession), kailangan ko to para malaman ang estado ng katawan ko sa pagtulog at para na rin maagapan ang paghihirap ng puso ko. Physical aspect ng puso ha? Saka hindi ito emo post.

May mga wires or apparatuses daw na ikakabit sa akin to monitor my body activities while I am sleeping. Madami akong tanong na naiisip ngayon:

  • Makakatulog kaya ako kung may mga nakakabit sa katawan ko? Pwede pa siguro kung may nang-aaswang nanghihipo sa akin. Hihi! Pero ibang sitwasyon to. Tsk..
  • Paano nila yun ikakabit? Baka tutusukin ako. Mas prefer ko ang manusok kesa matusok. FYI, takot ako sa karayom.
  • Makakasagabal kaya ang trangkaso at ubo ko (in case di ako gumaling by monday) sa PSG?
  • May dadalaw kaya sa akin? Oo na, oa ako.
  • Makikita o makakapagpa-otograp kaya ako kay doc mnel?
  • Masarap kaya ang almusal na ibibigay ng hospital?

Kaya ko rin kinuha tung procedure na to dahil sa covered naman sya ng maxicare ng opisina. Sayang naman kung hindi ko gagamitin lalo na’t mahal pala ang bayad.

Katext ko ang dati kong kateam at ano daw ang sleep study. Hindi ko naman masabi ang dahilan kung bakit ako kukuha neto. Di ko rin alam kung concern sya o excited syang maconfine ako. Lols! Peace tayo xxxx.

I guess ang tanging nakakaalam ng dahilan ay ang pamilya ko at mga babaeng nakatabi ko matulog. Ahihihi!

At hindi po ito STD test. Para lang malinaw.

Lastly, I recommend this sleep study:

  • Sa mga taong matataba at overweight. (Nagulat ang sleep doctor sakin kasi payatut naman ako.)
  • Sa mga taong hirap makatulog.
  • Sa mga taong even though nakakatulog pero paggising, pagod ang pakiramdam.
  • Sa mga taong laging inaantok during the day.

Prevention is better than cure kaya wala namang mawawala kung gusto nyong subukan. If you are interested, inform me and I’ll give you the doctor’s contact information. Babay.

Advertisements

Posted on June 10, 2011, in fyi. Bookmark the permalink. 8 Comments.

  1. Gusto ko rin niyan! May insomnia kasi ako minsan! Update mo kami kung anong results ah.

  2. kamusta ang sleep study? helpful ba?

  3. hello skyraven! mamayang gabi pa ang sleep study ko. i’ll give an update here soon.

  4. Hindi ka naman tutusukin apollo. Don’t worry! =P Salamat sa mention and good luck sa sleep study. Nawa’y makatulog ka ng mahimbing. (zzZZzZzz)

  5. ahh yun pala ang sleep study.

    nagawa ko na yan dati eh. yung magrereview ka para sa exam pero nakakatulugan mo lang. lols! iba pala yan.

    akala ko naman paghihilik ang problema mo. ayun oh buti confirmed ni doc mnel na walang tusukan 🙂

  6. Covered ng Maxicare! Pasok sa banga! Gagawin ko yan hahanap ako ng kasabay LOL! Salamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: