A Day in the Life…

Occurred: 21 June 2011
Written: 21 June 2011

May training ulit ako ngayon. So far so good. Hindi na ako madalas inaantok. Dahil siguro sa interesado ako sa topic ngayon. Among the key points / observations in the said training: 

  • Magaling ang instructor. Second time ko na syang naging guro at gusto ko ang style nya ng pagtuturo.
  • Patient at sport sya kahit na may mga participants na napapaidlip. Parang nakikita ko sarili ko sa kanila. Hehe…
  • Natutunan ko gumawa ng ibang eroplanong papel. Marami palang design variations yun. Don’t get me wrong. Activity yan sa klase namin.
  • May classmate kaming parehas ang middle at last name nya. It turned out, first cousins ang parents nya! Pagkasabi nya nun, I instinctively looked for any physiological and/or psychological “mutation” he might have. Inobserbahan ko sya buong klase. I have nothing against him morally or whatnot. Di ako nanghuhusga, scientifically curious lang siguro. It’s just that, bihira ang ganun di ba? I just thought he might be an interesting subject for geneticists.
  • 14 out of 25 ang umattend ng klase. Ibig sabihin, 11 sets of am snack, lunch at pm snack ang sobra. Fiesta! The glutton in me was rejoicing, pero nanaig pa rin somehow ang takot kong tumaba. Haha!

Masyado pang maaga paglabas ko ng Pioneer. Di ako sanay masilayan ng liwanag after work. Nagpunta na lang ako sa Megamall: 

  • May inayos ako sa BDO sa bldg B.
  • Nagpunta ako sa Powerbooks. Nagbasa ng Newsweek at Time magazines. Hehehe… Okay ang article regarding sa triple spy pero medyo late na siya (Dec 30, 2009 pa ito nangyari) napublish. May update lang siguro.
  • May nakita akong sale na book tungkol sa Iraq War. Pulitzer award winner ang author. Natukso akong bilhin pero agad ding nagbago ang isip ko nung mabasa ko ang likod niya. Halos alam ko na or may idea na ako kung ano ang major contents ng libro.
  • May bago na palang sequel ang “The Last Templar”.
  • Sinilip ko uli ang Artemis Fowl books. Makukumpleto rin kita someday!
  • Umattend ako ng misa sa Atrium.
  • After magdasal sa Holy Trinity, nagpunta sa third level at tumambay sa bench sa tapat ng Holy Cow. Memories
  • Malapit na pala ipalabas ang Transformers 3.

Past seven na nung maisipan kong umuwi. Sumakay ng green bus and home I went. Pagdating sa bahay, catch up ng news for the day (wala kaming pc sa training kaya di ako makapag online news) at tinapos ang blog post draft (ito yun) na naumpisahan sa cellphone earlier. 

What’s the point of this post? Di ko rin alam. A typical day of my life, I guess. Maybe boring as hell, but somehow, I am happy. I don’t know why… 

Sleep Study Update: Next Saturday ko pa makukuha ang resulta ng sleep study. Maulan last Saturday kaya tinamad ako lumabas ng bahay. 🙂

Advertisements

Posted on June 21, 2011, in Uncategorized. Bookmark the permalink. 13 Comments.

  1. inaabangan ko ang sleep study na yan, akala ko may update na.. 🙂

  2. kumpleto ko na ang Artemis Fowl…yung ebooks nga lang. haha.

    ang dami ko ring gustong librong bilhin at basahin pero napakarami pang mga libro sa bahay na binili ko at di ko pa nababasa. marami rin akong downloaded ebooks na di ko pa rin nababasa. ang natapos lang sa mga ebooks ko ay ang hunger games trilogy. after that, i have yet to read another book. nakakalungkot much. walang panahon para magbasa palagi dahil sa mommy duties ko. ganun talaga.

    ok rin ang training dito sa amin. ang di ko lang gusto pag may training/seminar ako e yung naiiwan kong tumatambak na trabaho. 😦

  3. pasend naman po ng artemis fowl ebooks! haha! saan po kayo nagdadownload ng ebooks? may site din akong alam dati pero wala na ngayon. inireklamo siguro ng amazon. hehe.. thanks thanks!

    so little time so much to do… im sure naman, mas fulfulling at rewarding ang mommy duties. 🙂

    ganun talaga ang downside ng trainings. konting sacrifices lang naman ang tambak na trabaho para sa professional growth. 🙂

    • The classic bibliophile is one who loves to read, admire and collect books, often amassing a large and specialized collection. By that definition, I can say I’m not, but I love reading. Kahit vandals sa pader, binabasa ko. When I said I want to collect the Artemis Fowl series, it may be in book or in ebooks. I haven’t decided on that yet. I’m considering the environment din kasi. And yeah, Im proud to say Im a green minded person. 🙂

  4. Ang galing ah may time ka pang mamasyalan nyan ah ang sarap talaga ng buhay estudyante naalala ko lang noong nag-aaral pa ako, tambayan ko din sa mga mall pampalipas oras kumbaga pero hindi ako nag cuting clases ha, past time lang po.

    • ahm… ilang araw lang po akong buhay estudyante. additional trainings lang kasi sya sa office namin for professional growth (or para sa libreng pagkain, depende sa priority mo. hehe). gaya ngayon, training uli ako from mon to thu this week. 😀

      naku mukhang di ka nag-enjoy nung estudyante ka. joooke! ako kasi, naranasan ko magcutting class. ikuwento ko na lang some other time ang school experiences/mis-experiences ko.

      salamat po sa pagbisita. 🙂

  5. “…Inobserbahan ko sya buong klase. I have nothing against him morally or whatnot. Di ako nanghuhusga, scientifically curious lang siguro. It’s just that, bihira ang ganun di ba? I just thought he might be an interesting subject for geneticists.”

    Salbahe ka nga talaga, gaya nga ng sabi mo sa header ng blog na ‘to. Naalala ko tuloy yung pagkaka-titig ni ‘Allen’ kay ‘Teddy’ sa The Hangover 2 nung nakasakay sila sa eroplano papuntang Thailand. Hahaha.

    …that’s why I think, magkakasundo tayo, Apollo.

    Kampaii! Salamat sa pagbisita sa bahay ko.

    • hahaha! etong update: classmate ko uli sya ngayon sa isang 4-day training. nakakausap ko na sya at okay sya. smart at may sense kausap. new hire sya ng company at mas mataas posisyon nya kesa sa akin. since ilang years na ako dito, inumpisahan ko na kaninang magbigay ng diskarte at kalokohan tips. bwahahaha!

      nung una kong mabasa blog mo pre, alam ko ng magkakasundo tayo. haha! salamat din sa pagbisita dito. 😀

  6. so hindi ba talaga siya mutant? hahahaha.
    My life is a bore compared to you. ayoko na mag kwento.
    ahhahahaa.
    mahilig din ako sa libro. kaya pagkita natin balang someday, bigyan mo ako ha.lols

    • hindi siya mutant pre. normal. actually, isa sya sa active sumagot sa klase namin. ako, walang kwenta. kung hindi inaantok, nagbabasa ng kung anu ano online. hehe…

      ikaw boring!? weh!? ikaw pa! atsaka, boring ba ang magkaroon ng lablayp!?

      gusto mo yung tuckermax book na kinukuwento ko sau? hahaha! paano yan, di ka naman natuloy. lablayp kasi inuuna eh! tsk.. lols! joooke! luwas ka na bago matapos ang august pre! maglalasingan daw sabi ni gasti at jeck. i wonder kung makatagal kayo sa lasingan. hehehe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: