Student Fare Outfit

Occurred: June 23, 2011
Written: June 23, 2011

Meron akong tinatawag na student fare outfit. Isa itong white polo barong. Kaninang umaga pagsakay ko ng jeep, abot agad ako ng sampung piso. Agad na nagsukli ang secretary, asawa, kabit, gelpren, kasamang babae ng driver ng tatlong piso! Natawa ako kasi yan ang laging nangyayari basta suot ko ang damit kong yun. Kung iba ang suot ko, 8 pesos naman ang bayad ko.

Isinoli ko agad yung piso sa babae. Ang ginawa ng babae? Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Siya pa ang nagduda! Hahaha! Mukha siguro akong estudyante kapag yun ang suot ko.

To all the jeepney drivers out there, alam kong baby face, payatut at pandakekok ako pero wag nyo namang ipangalandakan. Kaya ko namang magbayad ng 8 petots! It’s so unfair! Nakakainis!

Advertisements

Posted on June 29, 2011, in commute stories. Bookmark the permalink. 11 Comments.

  1. ako natutuwa pag sinasabi nilang para lang kaming magkapatid ng panganay ko. haha! yun lang, di na ako napagkakamalang estudyante. haha!

  2. hahahahha…eh di sana nag short ka na blue tapos ng knee high na medyas habang suot mo yang puting polo. Magdala ka na rin ng lunch box para complete get up.lols

  3. kuya malamang yan reklamo mo ay ipagpapasalamat pa ng iba. hehehe. yung iba nga gumagastos pa para lang maging bebe fez. natatawa rin ako minsan pag napagkakamalan ako na ganyan. pero ang nakaka-ano lang napagkakamalan lagi akong UP student. hehehe

  4. hello hitokirihoshi. e di okay un kasi of all schools, sa UP ka naicoconnect. thanks sa pagbisita. 😀

  5. hahaha, ganyang-ganyan din ang nangyayari sakin minsan nakakatuwa minsan naman hindi, kasi nagtatanong na ako sa sarili ko kung mukha ba talaga akong highschool, ok lang kung ang itatanong sayo ay kung bababa ka sa university kaso ang tinatanong ay pangalan ng eskwelahan na pang highschool..

  6. nakakainis di ba? apir! hahaha! 😀

  7. Hehehe. Kakarelate ako dito a. Pag umuuwi ako ng probinsiya palaging estudyante parin ang pamasahe ko kahit sinabi ko ng hindi! Yung konduktor magkakamot ng ulo, tas sabi, kunyari nalang po estudyante kayo pag nagtanong yung collector. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: