Salamin salamin, sabihin kung sino nagtatrabaho sa amin.

Written: July 7, 2011

Ikaw ba’y nababagot at walang magawa sa iyong opisina? Puwes, sundan mo ang steps na to:

1. Right click anywhere on your desktop.
2. Click properties
3. Click the desktop tab
4. On the Background, select (None)
5. Set the color as black.
6. Click Apply
7. Click OK

Congratulations! May isa pang nadagdag na gamit ang iyong monitor. Magagamit mo na syang salamin. Malaking bagay to para mabantayan mo ang iyong likuran lalo na kung puro games, facebook, at chat ang iyong ginagawa. Malaking tulong ito para pag may napansin kang taong nakatayo o papalapit sa iyong likuran, agad mong mapipindot ang “Alt-Tab” o “window-D” sa isang iglap. Pakitandaan lamang, iwasan mo mag-maximize ng screens/browsers/chat windows para magkaroon ng konting espasyo para sa salamin. But wait, there’s more! Aah.. Wala na pala. Lols!

Disclaimers:
1. Most appropriate ang steps sa taas sa Windows XP although similar din ang steps for other windows operating systems.
2. Most applicable ang technique na to sa CRT monitors. Natry ko na din to sa LCD flatscreen although medyo malabo ang reflection.
3. Mahirap lang makita ang taong nasa likod mo kung medyo malapad ang katawan mo. Natatakpan nya kasi ang line of sight. Kaw na bahalang mag-adjust ng monitor mo to attain maximum and/or strategic line of sight. Hehe!
4. Hindi mo to magagamit para macheck kung may muta ka, oily ang mukha mo, etc… For this purpose, tunay na salamin ang gamitin mo.

Β 
…or scrap all that! Pwede namang maglagay ng totoong salamin sa ibabaw ng monitor. Yun nga lang, masyadong obvious.

Kung may reklamo, suhestiyon o kung ano mang reaksiyon, mangyari lamang na ilagay sa mga komento sa baba.

Magpasalamat ka. This might save your job. Amen!

Advertisements

Posted on July 7, 2011, in kalokohan, spur of the moment. Bookmark the permalink. 21 Comments.

  1. maforward nga to sa manager niyo..

  2. huy ang paglalagay ng salamin sa harap ay effective lalo pag nasa call center ka. kasi at least makikita mo ang itsura mo kapag sumasagot ka ng telepono. at dahil laging dapat naka-smile ka para pleasant kapag nakipagusap, tamang tama ang tunay na salamin.

    buti na lang at tago sa madlang people ang cave ko. mas kita ko kung may parating na tao dahil nakaharap ako, haha.

  3. hahaha! para mapagkamalan ding Netgil desktop. Ayus na technique yan…hahaha

  4. mabuti na lang talaga hindi ko ginawa. kundi, nagmuka akong gago rito. lol!

    uma-alt+tab lang ako pag may parating na bossing kaya hindi halatang petiks. dapat kasi magbukas ka ng maraming excel para kunwari AIDS ka – As If Doing Something. XD

  5. meron kasing mga bossing na stealthy lumapit minsan. magugulat ka na lang, nakatayo na sa likod at pinapanood ang ginagawa mo. for alerting purposes lang naman ang steps sa taas. kumbaga, proactive measures. ung alt-tab, reactive na sya. anyways, bottomline is walang mahuhuli ang boss. haha!

  6. ako dalawang monitor nasa harapan ko. yung isa madalas naka standby mode lang kaya parang sidemirror/salamin ko na nga sya. hehe!

  7. hmmmm hindi ko rin ito magagawa, eh eh pero yung iba sa amin may salamin talaga. hehehe

    pero in fairness ha, naisip mo ang ganitong ideya. makapagsalamin na nga lang at baka may something in my face na. hehehe

    mabuhay!

  8. ah baka kasi mabuti kang empleyado. hindi mo na kakailanganin ang ganitong style. haha!

    madami lang talaga akong naiisip minsan. lalong lalo na pag inaantok ako sa opisina. mabuhay indeed! πŸ˜€

  9. Dahil dito sa tip mo, makakaasa ang kumpanya ko na mas magiging aktibo ako sa paglalaro ng mga MMORPG. lol.

  10. ahahaha dapat pala matagal ko na nabasa ito eh.. susubukan ko din yan.. pero may ibubulong ako sayo… may totoo akong salamin sa tabi ng monitor ang tawag ng boss ko dito ay side mirror ko hahaha

  11. o di ba obvious pag totoong salamin ang ilagay? okay lang. spoiled ka naman ata ng boss mo. hehehe…

  12. basta sa ganyang mga bagay tayo ay creative… iba ang pinoy! hahaha

  13. tulad ngayon, nasa blog mu ako imbes nagta trabaho, kaya pag ako natanggal , pakakainin mo ako πŸ˜› …….thank you for calling……ay mali, alt + tab lols!

  14. oo ba. pakakainin kita. hihi!

    if i know, expert ka na sa alt+tab na yan. haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: