Go Negosyo

Occurred: 2010-2011
Written: July 13, 2011

Mga panyero (Don Licandro, Don Mon, Don Polgas, Don FPJ),

Mabuhay! Kamusta na mga panyero? Okay pa ba ang inyong mga hacienda? Sana ay kumikita pa rin kayo ng limpak limpak na salapi.

Nais ko sana kayong balitaan sa aking kambingan. Naalala nyo pa ba nung sinabi ko sa inyong bumili ako ng mga kambing? Kung hindi, may memory gap na kayo hayaan niyo’t ipapaalala ko.

Matagal ko ng naiisip subukan mamuhunan sa agrikulturang pamamaraan. Ilan sa mga naisip ko ay manukan, babuyan, palaisdaan o di kaya’y sakahan. Pero dahil nga nagkukunya kunyarian lang tayong hacienderos mayayaman (at ang totoo’y hamak na maglulupa lamang tayo) ay mahihirapan akong maisakatuparan ito.

Noong nakaraang taon nga ay iminungkahi ng isang manliligaw kaibigan na subukan ko daw mag-alaga ng kambing. Isa siyang beterinarya kung kayat ikinonsidera ko ang kanyang mungkahi.

Sakto namang inalok ako ng aking kaibigang bentahan ng mga kambing nung ako ay umuwi sa probinsya. Sa madaling sabi, bumili ako ng dalawang dalaginding na kambing. Naisip ko sanang ang kaibigan ko na lang ang mambulog sa kanila ngunit di pupuwede sa kadahilanang may asawa na siya. Lols! Napilitan tuloy akong bumili ng isang lalakeng kambing na kapartner nila. Pinaalagaan ko sila sa tatay ng aming kasambahay. Wala siyang sahod pero hati kami sa mga magiging anak nito. Limang libo lang naman ang aking puhunan dahil nga sa ito’y subok lamang.

Eto ang detalye:
babaeng kambing: 1400 (2) = 2800
lalakeng kambing:                  2200
total na puhunan:              = 5000

 

ang mga kambing. bow!

ang mga kambing. bow!

 

Ngayon, ikinagagalak kong ibalita na nanganak na ang dalawang kambing. Isa lang ang anak ng nauna kaya eto ay mapupunta sa nag-aalaga. Kambal naman ang sa pangalawang kambing ngunit namatay ang isa. Sayang. Pero di bale sapagkat eto raw ay mapupunta sa akin. Yey!

Hindi na masama ang ganitong investment. Hahayaan ko na lang silang dumami. Sana nga, maging kasing libog ng mga kambing ko ang tao para mabilis silang dumami. Hehehe!

Libre ang pagkain ng mga kambing. Isuga lang sila sa damuhan ay okay na. Libre din naman ang tubig na kanilang inumin. Okay na okay dahil walang gastos sa pag-aalaga. Naimungkahi ko nga noon sa nag-aalaga na subukan nyang pakawalan ang mga kambing sa palayan sa panahon ng anihan. Naisip ko kasing baka mas mabilis silang tumaba pag palay ang kinain nila. Di siya umimik bagkus tiningnan nya ako ng masama. Masama bang magbiro mga panyero? If he can’t take a joke then fuck him. Pasensya na at napaenglish tuloy ako. Sana maintindihan nyo.

Yun lamang mga panyero ang balita ko sa ngayon. Ano na palang balita sa binabalak nating negosyo? Sana matuloy na to. Nagbibiro lang ako nung sabihin kong subukan natin ang drugs. Nakakatukso talaga ang negosyong ito dahil mabilis ang ROI (return of investment) kaso mukhang mahirap makipagkumpitensya sa mga intsik. Bukod sa Spratlys, kanila na ata ang PNP ngayon. Kanila na rin ang bilibid sa Muntinlupa. Huling balita ko, kanila na rin pala ang Taal Lake. Biro lang pero pwede rin kayong maniwala. Kaya sa legal na lang tayo.

Ang inyong panyerong kunya-kunyarian,
Don Apollo

Advertisements

Posted on July 14, 2011, in money matters. Bookmark the permalink. 31 Comments.

  1. Don Apollo, ang galing nman ng iyong negosyo..parang naeenganyo din ako..pwede ba kaming makiinvest dyan.. next time nyan baka nman, pero matagal tagal ang ROI..

    pero isang hiling lng Don apollo, videohan mo nman mga kambing mo sa aktong nagugulat cla, ung kwentong mong synchronized clang naninigas..cge na isang beses lng haha,

    -Don Polgas

    • ayaw ko pre, baka mamatay ang kambing ko. Pag sa ibang kambing, pwedeng pwede kong subukan yun. nyahaha!

      mabagal lang sa umpisa yun pre. pero habang nanganganak, mas mabilis din ang pagdami. parang population natin. exponential growth. sana nga puro babae ang maging anak ng kambing ko. hehe.

      naisip ko nga rin dati pa ang baka pero tama ka, mabagal nga silang manganak. di ata sila malilibog na hayop. tapos paisa isa lang ang anak. lols!

  2. Panyero, mukhang maganda tong investment na to ah, tiyak na limpak-limpak na salapi na naman ang mapapasa-iyo dito. Teka bakit pati talaga sa pagkakakitaan mo eh sex pa rin ang inaasahan? Mga kambing na bulogan. hehe!

  3. sex kasi ang solusyon para dumami sila pre. haha!

  4. Panyero good investment yan. Yung mga kambing na nabili ko dati ibinenta ko na lang ulit. Naninira kasi sa mga pananim dun sa amin. Laging inirereklamo ung tagaalaga. Laging pinapatawag sa baranggay..hehehe…Painumin mo ng robust ung Potro (tawag sa amin sa lalaking kambing) hehehe..

    • ngye! sayang naman. dapat kasi nakatali sila para di makapanira ng halaman/property ng ibang tao. ano nga kaya nangyari pag pinakawalan sa palayan yung mga kambing ko? hahaha!

  5. Mahusay ka Apollo. Paminsan minsan masarap din isipin na may pinupuntahang maganda ang pera natin.

    P.S.
    Masarap ang gatas ng kambing.

    • sabi nga nila, we are always working for money. why not let our money work for us? tama naman di ba? 😀

      aahm.. ayaw ko ng lasa ng gatas pre. okay na sigurong makatikim lang ako. haha!

  6. don apollo nakakatuwa naman yan negosyo mo may anak na next time baka naman ang bilin mo.. pato ayaw mo mag alaga???

    masarap ang kambing sa kalderata 😉

    • mabagal ata dumami ang baka lambing. saka mahal din ang baka. small time lang ako saka subok pa lang naman yan. malay natin in the future. hehe!

      ayaw ko ng pato. natatak sa isip ko ang sinabi ng tatay ko na dugyot daw ang mga pato kaya hindi ko iniisip na mag-alaga nun. 😀

      actually, kaya ko naisip ang post na to dahil sa usapan natin re: sa negosyo mo. thanks for the idea. 😀

  7. hahaha .libog lang ang puhunan pala pag nag negosyo ka ng kambingan.

    dapat cobra drink lagi ang pinapainom m osa lalaking kambing para ams maging agressive.har!

    wehehe..

    gudlak sa negosyo.

    • salamat pre!

      baka mamatay ang mga kambing sa cobra. haha! isang trivia (daw): mamamatay daw ang kambing pag pinainom ng suka. ewan ko kung totoo yan pero ayaw kong subukan sa kambing ko. sa ibang kambing, interesado ako. hahaha!

  8. akala ko noong una joke time lang na may kambing ka. totoo pala. wala ka talagang gagastusin sa kanila. ultimo basura kinakain eh. lol. nung nagpunta ako ng Davao, nakakita ako ng binentang kambing na tinatalian para isakay sa maliit na bangka. hindi ko nagustuhan yung nasaksihan ko. kung umiyak siya, parang tao na humihingi ng saklolo. naawa ako kasi mukha talaga siyang kawawa. buti at di ako kumakain ng kambing. =P

    • totoo pong may pinapaalaga akong kambing. impak, sila ung nasa picture. picture nila yan nung kakabili ko lang sa kanila.

      naku, masarap ang kambing! lalo pa pag lutong pinapaitan. yum! try it, you will surely like it. may solusyon sa problema mo, kalimutan mo na ung scene na nakita mo. haha!

  9. next time nito beerhouse na ang negosyo mo, specialty yung mga putahe ng kambing. ayos yan ah. gusto ko nga rin ng babuyan kung meron lang pwede mag alaga sa kamag anak namin.

    • okay ang babuyan/piggery pre. nung bata ako, may ganyan kami sa bahay namin sa province. ayos ang kita lalo na kung maganda ang lahi ng baboy. kung makakaipon ako ng puhunan, gagawin ko talaga ang business na to.

      tama ka, kailangan talaga ng maaasahang tao dito. saka dapat marunong ang nag-aalaga. natuto lang ako sa tatay ko dahil kami ang katulong nya sa pag-aalaga.

  10. okey ang mag-alaga ng kambing kung may pastulan na kagaya ng hacienda mo, pre. pero kung dito siguro sa maynila ako mag-aalaga niyan, baka ipulutan pa ng mga sangganong kapitbahay ko. haha!

    ayos! may pulutan na o. beer na lang ang kulang. hahaha! so kelan ka magpapainom don apollo? nomnomnom!

    • tama ka, wala ng espasyo ang gaya nyan dito sa maynila. wala naman akong hacienda, sa bakanteng lote lang sa probinsiya isinusuga ang mga kambing ko. ang nag-aalaga ang bahala sa kanila.

      inom? sige ba? kelan? hehehe

  11. nak ng kambing! haciendero ka na pala ngaun! katayin na yan! Lols. di ako kumakain ng meehh kc nga naiyak pag kinakatay pero come to think of it, cguro nmn kung ikaw ang kakatayin eh iiyak ka din bat kaya la naaawa sa mga baboy pag kinakatay :-s

    pano yung gatas, kanino mapupunta? 🙂

  12. huwaw! si mine nag online na rin sa wakas! mag blog ka na uli. sigeeee naaaaaa!!! haha!

    kunya kunyarian lang yang haciendero terms namin. haha! so hindi ka rin kumakain ng baboy ay baka? i doubt kasi kasasabi mo na hindi ka pahuhuli pag kainan ang pinag-uusapan. lolsjoooke! nakakaawa talaga pero talagang ganun di ba? tanggalin mo na lang sa isip mo ang katayan portion pag kakain ka na. 😛

    yung gatas? sa nag-aalaga na un. hindi naman ako interesado kasi ayaw ko ang lasa ng gatas. kaya nga siguro hindi ako lumaki. lols!

  13. me friend din akong nag ooffer ng ganyan sa akin..sia daw mag aalaga,,kaso medyo nadala ako, kasi dati nag paalaga na ako kaso namatay naman hmp…pero parang gusto ko pa din talaga, ganun lang naman di ba, its all about taking risk..malay mo dumami ng dumami ng dumami ng dumami ang kambing ko…o di ba agn ansaya ..goodluck sa pagkakambing mo 🙂

    • may kaakibat namang risk sa lahat ng bagay, kaya wag padadala sa mga ganyan. gow lang sa pagnegosyo. sana maging successful tayo sa larangang ito. aja! 😀

  14. parang gusto ko rin mag-alaga bigla ng kambing. May lugar naman din kami na puede sila ilagay, mababawasan pa yung problema namin sa mga tamad na maintenance. dun sa subd, tamad magtabas ng damo mga maintenance, kasing taas na ng tao bago nila asikasuhin. hehehe.

  15. Nakaka tuwa ka namn don apollo, masarap talaga ang kambing, masarap nga panoorin habang nag se sex cla yung karne pa kaya nila. Hehhe

  16. Namamatay ang kambing sa suka kasi pag kakatayin un ang pinipilit na ipainom isang bote todas na yan hahaha…pre pwede ba kumain ang kambing ng palay?…meron din ako kambing mag asawa kaya lang bading ata ung lalakeng kambing ko gang porma lang sya di nya naipapasok hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: