SONA

Occurred: July 2001
Written: July 24, 2011

Mainit na topic na naman ngayon ang SONA or state of the nation address ni PNoy. Konting background. Our constitution mandates that the sitting president should deliver his/her yearly report to both seats of congress (Congress and Senate), and to the whole nation. In a nutshell, this report shows the current status of the state and what the current administration’s plans for the near future. The SONA is given on the last Monday of July coinciding with the opening of both houses of Congress.

Tama na ang intro, gusto ko lang ikuwento na once upon a time, naging maliit na bahagi din ako sa paggawa ng isang SONA ng ating pangulo. Isa ito sa na-experience noong madalas akong makasama sa weekly/daily cabinet meeting ng presidente ng republika ng Pilipinas. Nung time na yon, halos araw araw kaming nasa Malacanang dahil nga gusto ng presidente na maging maayos ang kanyang unang SONA mula noong naluklok sya ng EDSA Dos.

Ang SONA gaya ng nasabi ko sa taas ay accomplishment ng presidente sampu ng kanyang gabinete. Ang gabinete ng pangulo ay ang usual departments na naririnig/napapanood natin sa balita like: DPWH, DepEd, DOH, DOTC, DND, etc… Bukod jan, madami pang mga agencies ang directly under the office of the President like MMDA, HLURB, etc.

Yung napapakita sa tv na mahabang lamesa sa Malacanang, doon nagaganap ang cabinet meetings. Ang pinapakita sa tv ay ang kaganapan BAGO ang meeting. Once na mag-umpisa ang pulong, closed door na at wala ng mediang makakaalam ng mga pinag-uusapan. Dito pinag-uusapan ang malalaking plano, sikreto, bangayan, debate ng lahat ng malalaking tao sa executive arm ng gobyerno. Mabuti na lang at hindi ako napagkakamalang bata at itinataboy palabas ng kwartong yun. Mabuti na lamang din at nagkataong maliit din ang boss noon. Lols!

Lahat ng departments ay nagsubmit ng kanya kanyang accomplishment reports, ongoing activities, plans, etc. Eto naman ngayon ay sinala ng buong gabinete sa pangunguna ng pangulo kung alin sa mga to ang dapat isama (big accomplishments) at ano ang dapat tanggalin (non performing agencies) sa kanyang SONA.

Eto ang mga batayan na kanilang ikinonsidera sa paggawa ng SONA:
1. Anong balita ang magbibigay ng pinakamalaking impact sa taumbayan?
2. Pinahalagahan ang sensibilidad ng taumbayan. May maooffend bang pangkat pag ganitong tema ang pagbigkas? Ano ang masasabi ng mga militante pag sinabi nya ang mga salitang ito? Mga ganun.
3.  Bawat pangungusap sa talumpati ay hinimay. Hindi lang grammar ang inayos. Sinigurado na ang eksaktong salita ang ginamit para mas maiparating ang mensahe ng pangulo.
…at marami pang iba.

Nagkaroon din ng reading rehearsals at habang binabasa nya (ng paulit ulit, ng paulit ulit, repeat til fade) ang kanyang talumpati ay di maiiwasang magkaroon ng corrections and/or updates. Madaming beses ding nagkaroon ng revisions noon ang kanyang talumpati.

Dahil nga araw araw kaming nasa Malacanang noon kaya dito ko mas nakilala kung paano magtrabaho ang presidente. “Hands on” lider sya. Lahat ng detalye ng mga report sa kanya, kanyang inaalam. Lagi syang nagtatanong at natatawa ako sa ibang gabinete na natatarantang sumagot sa kanya. (Karamihan din kasi sa mga report ng gabinete ay hindi sila mismo ang gumawa. At kung hindi makasagot sa tanong ng presidente at mahahalatang wala siyang alam sa ginagawa ng departamentong kanyang pinamumunuan. Kilala ko ang madami pero saka ko na lang sila ikukuwento. Hehe…) Dito ko rin nakita ang pagiging moody ng presidente. May oras na okay siya at game pang makipagbiruan at makipagtawanan. May oras din na medyo masama ang timpla nya at dito ko nakita ang “legendary” katarayan niya. Tama nga ang naririnig ko lang sa balita dati.

Sumatotal, naging matagumpay ang kauna unahang SONA ng presidente. Mostly positive ang feedback ng taumbayan noon. Isang paksang tumimo sa media ay ang part na may pinaakyat syang tatlong bata. Ang tatlong batang ito ay sumulat daw ng kanilang wish sa papel. Ginawang bangka ang papel at pinaanod sa Pasig River at nakarating sa Malacanang. Ang maniwala, engot. Lols! Sabihin na lang natin na maraming paraan ang presidente para lumikom ng impormasyon kung kanyang gugustuhin.

Bilang pangwakas, natupad ba ang mga pangako ni pangulo noon? Umangat ba ang Pilipinas? Ikaw ang makakasagot nyan. Hindi ako. These questions are relative sa dahilang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang opinyon. Ayaw kitang pangunahan. Natupad ba ang mga wish ng tatlong bata? Etong nahanap kong update.

Disclaimer: Hindi ako pro-GMA, hindi rin ako pro-PNOY. Pro-Pilipinas ako. Ikinuwento ko lang kung ano ang aking nakita at naexperience at kung ano ang aking pagkakaintindi sa mga ito. Kung may mali akong nasabi, pwedeng dahil sa overwhelmed ako noon dahil kasama ko sa iisang malaking kwarto ang lahat ng malalaking tao sa ehekutibo ng bansa.

Advertisements

Posted on July 26, 2011, in fyi, politics. Bookmark the permalink. 15 Comments.

  1. wow! ngayon ko lang nalaman na nagtatrabaho ka pala sa administrasyong p-noy. what a refreshing insight from a man who’s within p-noy’s admin circle itself.

    of course, there’s still a lot of things to be done. but you have to give p-noy and all his untiring arsenal of cabinet members and workers credit for giving us plausible changes. it’s not much; but, at least, you know reports provided are not some concocted figures whose worth is simply froth to the hoi polloi’s mouths.

    while dissatisfied citizens can hurl invectives upon foul invectives about how dumb a president he is, i’m for his platform of social transformation. there’s just too much rant circulating in this pretty little country that is the philippines and i don’t think i need to add more foam from a fumbling fool myself.

    we elected him for six years; this is just his first year. give ’em a chance, for chrissake.

    • pre, hindi na ako government employee ngayon. mababasa mo sa post ang mga nilagay kong landmines or clues kung kaninong presidente ako nasasama sa cabinet meetings. Pasensya na at hindi ako naglagay ng direktang impromasyon dahil mahirap na. haha!

      on serious note, tama ka sa sinabi mo. masyado pang maaga ngayon para husgahan natin ang present administration. pero natuwa naman ako kahit papaano dahil may mga positibo namang nagagawa so far. nakakalungkot nga lang isipin na hindi nasama sa SONA ang reproductive health bill. ayaw kong isipin pero mukhang may hawak na alas ngayon ang mga bishops. *wenk*

    • Dear, apollo isn’t working for Pnoy. He was referring to the past admin.

      Untiring arsenal of cabinet members and workers… I think before we can lay claim to that, these members must first be aware that their untiring clashes are hurting the president more than they’re helping him. hehe.

      WE still have five years under him and I hope he will really be up for the challenge and work to fulfill his vision of a tuwid na daan. Also, enough of the GMA-bashing and conditioning people’s minds that everything is the fault of THAT admin so he isn’t seen as someone who just wants to bail out of the huge responsibility that is naturally the president’s. After all, he accepted the challenge, and the people elected him to that position. It’s high time he became aware of that and show himself the man he should be–the Leader of a country that has long-dreamed for change to happen.

      He must really push his platform of social transformation by giving it more teeth, despite all the motherhood statements he gave in his SONA…and because we’re all Filipinos who will benefit from the good he would do in this country, I sincerely hope he will really do very well in the last five years of his regime, otherwise we all fall down with him.

      Good luck to all of us. Let’s help whenever we can, and be the agents of social transformation that we want. =)

      • hahaha! sori na po, mami kaye and apollo. namintis ako sa “Mabuti na lamang din at nagkataong maliit din ang boss noon.” eto na nga, binasa ko na lang ule. lol!

        i read his sona and i don’t think there’s really much gma-bashing this time around. forgive me for being biased against gma but how can you not be when she obviously did a lot of shit to cling on to power? unlike his predecessor whose right to the presidency is still apparently in contention (of course, everybody knows fpj won and should have been the rightful president back then; anyone who believes otherwise is either stupid or just a plain gma booty licker), p-noy is sincere and genuine and based from what i’ve seen and read (including feedbacks from the international community), there have been a lot of improvements that we can be really happy about. this government is working its ass off to prove to us, its bosses, that it deserves the mandate its citizenry has accorded; what it’s asking is a little more time and patience from the people, for them to participate and proactively respond; not whine and rant ad infinitum without lifting a fuckin’ finger to do anything about it.

        barack obama is a brilliant president america has so endearingly elected; yet, as brilliant as he is, he struggles up to this day to resolve the economic ills the united states is currently beset with. i guess we can’t really expect anyone to build a dozen skyscrapers overnight – or over a period of one year, for that matter.

        p.s. read your blog post, mami kaye. i’d like to be part of it.

    • Nga pala, if you really want to be an agent of social transformation, please read my post on Ten Moves. 🙂 We can help without necessarily spending a lot. *wink*

  2. Dun lang sa part ng SONA tungkol sa mga nurse ako naka-relate. Sana tumaas na sahod namin. lol.

  3. pre, government employee ka? pag hindi, nakadepende ang salary increase sa mga boss mo. mas madali to compared kung govt employee ka. sa gobyerno kasi, it will take a law passed muna bago magkaroon ng pagbabago sa sahod (even the smallest changes like renaming of a national road needs a law). alam naman natin kung gaano kahirap at katagal gumawa ng batas di ba? i hate to burst your bubble but that’s the reality of life my friend. taya na lang tayo ng lotto. haha!

    at oo nga pala, salamat po sa pagbisita. 🙂

  4. lols. patay ka kay gloria pag nabasa nya to/ may kaibigan akong nagtrabaho dati sa PSG nung panahon ni unano, bibigay ko tong link ng blog mo. na-screenshot ko na rin tong post mo. lols.

  5. huuuu may patama ka din eh, may p hands on hands on k pang nalalaman 😛 feeel mo lang talaga yung ka size mo (peace 😀 ) heniways, cge na nga, mas maayos ang mmda nung andun ka :-s

  6. nakakatuwa naman itong post mo parang feature news story lang. hehehe! super share ko tuloy sa fb ko.

    anyway, ibinoto ko si P-Noy bilang presidente. at hindi ko nasusubaybayan yung mga news updates sa kanya o mapanood man lang ang SONA nya. to be honest, parang wala na akong ganang pakinggan pa. ang kailangan ko ay aksyon ng administrasyon sa iba’t ibang isyu. Part ako ng working class at sa tingin ko ginagawa ko naman sa maliit kong paraan sa part ko bilang mamayan (kasama na ang pagbabayad ng tamang buwis). pero so far sa tingin ko naman ay base sa nararamdaman ng lipunan ginagalawan ko e tina-try nya namana ng makakaya nya. may kulang pa siyempre na dapat nyang punuan.

    actually pika lang ako na mas binibigyan ng hype yung personal niyang buhay gaya ng love life. yayaman ba ang Pinas don?

    sa paggawa ng speech, kinilala ko ang mabusisinag paggawa nito. of course deserve ng bawat Pilipino na makatanggap ng mahusay na pagrereport mula sa pangulo at pamahalaan nito.

    mabuhay and nice experience!

  7. salamat po ng marami hitokirihoshi! nacucurious ako sa hitokirihoshi, what does that mean or to what it pertains to, if i may ask? 😀

    ang sarap isipin na nakakatulong tayo kahit paano sa pagbabayad ng tamang buwis (tama dahil automatic ang deduction sa ating mga karaniwang manggagawa). nakakainis lang malaman na kung sino pa ang mga maykaya (doctor, abogado, etc..), sila pa ang nandadaya o underdeclared ang tax. unfair di ba?

  8. sige sasagutin ko yan…hndi ako hapon pero mahilig ako sa anime. crush ko si kenshin himura at hotohori. so sa webname ko nagcombo na ako. hehehe. kung ipapa-translate mo sa akin ang hitokiri hoshi yan ay slasher star.

    tama ka d’yan sa mga hindi nagbabayad ng tama. kung sino man sila. pero sa pagkakalam ko ay sinisilip na rin kung paano masisingil ang mga yan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: