Everybody Happy

Occurred: Aug. 23, 2011
Written: Aug 23, 2011

I laud Lucy Torres Gomez for filing HB5017 or otherwise known as the Philippine Lemon Bill. HB5017 is similar and the local version of the US Lemon Law. This law provides consumer rights against defective brand new motor vehicles.

Among the benefits of this bill are:

  • It shall be the responsibility of the manufacturer, distributor, authorized dealer or retailer, upon receipt of the motor vehicle and the notice of non-conformity required under the Act, to attend to the complaint of the consumer including making the repairs and undertake such actions to make the vehicle conform to the standards or specifications of the manufacturer or distributor for such vehicle.
  • To compensate for the non-usage of the vehicle while under repair and during the period of availment of the Lemon Law rights, the manufacturer shall provide the consumer with a reasonable daily transportation allowance, an amount which covers the transportation of the consumer from his or her residence to his or her regular workplace and vice versa, equivalent to an air-conditioned taxi fare or a service vehicle at the option of the manufacturer, distributor, authorized dealer or retailer.
  • If the consumer remains unsatisfied with the dealer-manufacturer’s efforts to repair the vehicle, the consumer may file a complaint before the DTI. Under the measure, he DTI is mandated to exercise exclusive and original jurisdiction over disputes.
  • In case a non-conformity of the vehicle is found by the DTI, it shall rule in favor of the consumer and direct the dealer-manufacturer to replace the motor vehicle with a similar or comparable motor vehicle in terms of specifications and value, subject to availability and accept the return of the motor vehicle, paying back the consumer the purchase price plus collateral charges.
  • A fine of P100,000 will be set for car manufacturers, distributors or dealers who will violate the disclosure agreement.

Source: Philippine Star

Tanong: Maliwanag pa sa sikat ng araw na napakaganda ng pro-consumer bill na to. Panghatak din ito ng mga botante sa election di ba? Ngayon, matagal na tong nafile sa Congress pero bakit hirap itong maipasa bilang batas?

Sagot ko: Lobbying. Magkano ang mawawala sa mga car manufacturers pag naipasa ang bill na to? I assume hundreds of millions if not billions ang mawawala sa kanila. Sabihin nating isa ako sa kanila. Kakausapin ko ngayon ang ilang members ng Congress especially ang humahawak sa transportation or consumer committee sa Congress. Usually nasa 10-20 members yan. Bibigyan ko na lang sila ng tig-iisang milyon (maybe 5M sa committee chairman). Hindi ko naman sasabihin sa kanilang wag nilang ipasa ang bill. Idelay lang nila. Wala silang illegal na gagawin. Matagal, mabagal at masalimuot ang proseso bago maging isang batas ang isang bill. So madami ding paraan para huwag umurong ang bill. Ngayon pag natapos na ang current congress session, lahat ng bills na hindi naging batas ay mababasura na. So kailangan na uling ifile sya sa susunod na congress (kung may magfafile). Repeat till kingdom come.

Ganito rin ang gagawin ko ngayon sa Senate pag may similar bill na nafile. Yun nga lang, mas mataas ang presyo nila.

At gaya ng motto ng mga mandurugas, everybody happy. Happy ang car manufacturers dahil malaki matitipid nila, happy din ang congressmen/senators. Naging corrupt ba ang mga lawmakers? Isang debate yan dahil technically, hindi naman sila nagnakaw sa kaban ng bayan. Nalalaman pa ba to ng ordinaryong Pinoy? I doubt it. The reason of this post. πŸ˜€

Naaalala nyo ang Cheaper Medicines Law, RH Bill, oil price hikes, etc? (Argh! Madami akong alam na examples pero wala akong maisip ngayon.) Ang tagal o ang hirap maipasa ng mga yan di ba? Or ang hirap gumawa ng desisyon na papabor sa tao (oil price hikes). Your guess is as good as mine. πŸ˜‰

Disclaimer: Hindi ko sinasabing ganyan ang nangyayari. Isa lang sya sa possibble reasons kung bakit madaming magagandang batas ang hindi o hirap maipasa. I could be right or I could be wrong. In fact, lobbying can also be done in a healthy way by just influencing the lawmakers, yung walang suhulan na kasama kumbaga. Binubuksan ko lang ang mata ng makakabasa neto para mas maintindihan ang nangyayari na kalimitang hindi nakikita ng ordinaryong tao. I’m so gonna die for this. Lols!

Update: Good news! Naipasa na daw ang Lemon Bill sa Congress. Yun nga lang, kailangang may maghain din ng counterpart bill ang Senate. After nun, magkakaroon pa ng consolidation of both houses bago pirmahan ng presidente para maging ganap itong batas. πŸ˜€

Advertisements

Posted on August 24, 2011, in fyi, politics. Bookmark the permalink. 14 Comments.

  1. makes sense….sino nag tip sau nito?hahahaha..ayoko mag litanya tungkol sa gobyerno…mahaba…nakakadrain…nakaka upset.kaya positive vibes nalang tau repapips!

  2. hindi nga sila nagnakaw sa kaban ng bayan pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagnanakaw na ginawa nila sa karapatan ng mga mamamayan sa epektibong mga batas. pretty much the same as to delay justice to a person is to deny him of that justice.

    at gusto ko lang idagdag na madalas sa madalas, ‘yung bill na dumaan pa sa butas ng karayom para maging batas, eh walang kwenta kasi walang pangil. nakakatarantado ang mga provision na nakasaad at walang matibay na panuntunan kung paano ipapatupad. ngayon, kung isasahog din natin ang salik ng pagiging corrupt ng mga tagapamahala mismo ng batas at ‘yung mga magpapatupad nito sa buong bansa, maliwanag pa sa sikat ng araw na iniipotan lang ang masa sa bumbunan.

    hindi pa sinasalang diyan ang katigasan ng ulo nating mga pilipino pagdating sa pagsunod mismo ng batas.

    dante alighieri, anyone?

    • batas na walang pangil ang resulta kapag pressured na silang magpasa ng bata kasi nakakahalata na ang mga tao. ganun pa din: everybody happy kasi di alam ng karamihan ang talagang nangyayari.

      yeah tama ka sa dante part. πŸ˜€

  3. nabasa ko na ang panukalang batas na ito at maganda. proteksyon sa mga consumer na nangarap at nagbayad ng mahal. at sa pagkakalam ko yung mga lemon cars naman as long as na-clarify na okay na puwede na ulit ibenta at naka-indicate na dati itong lemon cars. ngayon nasa consumer kong kakakgatin.

    dapat tingnan ng mga manufactures na isa lamang itong measure at magandang test sa kalidad ng kanilang mga kotse. marketing kaya yun na mapatunayan na wala silang case ng lemon cars.

    btwa, sa pagpapatupad ng batas ang isa pang problema ay ang pagpapatuloy. halimbawang napasa ang batas at ipinapatupad na. ang mangyayari puro umpisa pag di na mainit, eddie tigil na. Hello mga bantay at mga kaskaserong driver sa commonwealth at b!

  4. Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit 3rd world country pa rin tayong maituturing…ang daming delaying tactics pag taong bayan na ang makikinabang. Putangina talaga.

    Excuse my french.

  5. I have never heard of this Lemon thing so thanks sa informative na post. Natawa ako sa comment ni Ape, napakapositive as usual LOL. Can’t help but agree tho.

    • no problem idol. nasabi na ni ape to sa akin pero sasabihin ko din sau: feeling ko, parehas tayo ng likaw ng bituka. lols! sensya na, nakikifeeling lang ako. haha!

  6. Tuwing naiisip ko na tayo ay nasa ganitong
    klaseng gobyerno hindi ko mapigilan
    mainis at malungkot

    :/

  7. sana may maghain ng ganyang bill sa senado para maipasa at maging law. kaya lang, isipin mo rin na ang dami nang law na naipasa pero kulang sa enforcement. so ang susunod nating wish e sana pag naging laws ang mga yan, e maging strict sa implementation, otherwise, sayang lang ang panahong ginugol para sa mga ganyang magagandang batas.

    • walang ingay na nagmumula sa senate ngayon. mukhang wala pang counterpart bill. 😦

      sa implementation naman, the major responsibilties lie with the DTI kung maiimplement nila ang batas na yan. pero okay na ring panakot yan sa mga car dealers/manufacturers na pagbutihin nila ang service nila sa customer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: