Monthly Archives: September 2011

Alay lakad

Occurred: Sept 16, 2011
Written: Sept 18, 2011

Two weeks na akong andito at medyo nasa adjusting phase pa rin ako. Hirap lang talaga ako mag-adjust sa klima dito. Napakalamig. Noong Miyerkules, pumalo ng 30F ang lamig dito. Bale nasa 1.1C sya.

Masasabi kong ako ang pinakaapektado dahil sa naglalakad lang ako papasok at pauwi galing sa trabaho. Nasorpresa ako sa lamig noong Miyerkulas paglabas ko ng apartment. Literal na namanhid ang buo kong mukha. Akala ko, mapipigtal ang ilong at tenga ko. Haha! Lagi rin akong nakahawak sa ilong ko dahil baka tumutulo na ang uhog ko nang di ko namamalayan. Lols! Read the rest of this entry

Advertisements

There are so many lakes here

Occurred: Sept 3, 2011
Written: Sept 11, 2011

Pagdating ng eyrpleyn magkahalong kaba at excitement ang nadama ko. Mas lamang ang kaba dahil sa malayo ang klima ng lugar na to kesa sa Pinas. Dagdag pa neto ang posibilidad na bugbugin ako ng tanong sa immigration. Idagdag mo pa na napakadaming pasahero nung time na un kaya mahaba ang pila at lalong nakakakaba. Habang nasa pila ako, tinitingnan ko na ung process. Abot ng documents, sagot ng tanong, fingerprinting then photo taking. Although nakabisado ko na to before pa ako umalis ng Pinas, ayaw kong magtake ng chances. Read the rest of this entry