There are so many lakes here

Occurred: Sept 3, 2011
Written: Sept 11, 2011

Pagdating ng eyrpleyn magkahalong kaba at excitement ang nadama ko. Mas lamang ang kaba dahil sa malayo ang klima ng lugar na to kesa sa Pinas. Dagdag pa neto ang posibilidad na bugbugin ako ng tanong sa immigration. Idagdag mo pa na napakadaming pasahero nung time na un kaya mahaba ang pila at lalong nakakakaba. Habang nasa pila ako, tinitingnan ko na ung process. Abot ng documents, sagot ng tanong, fingerprinting then photo taking. Although nakabisado ko na to before pa ako umalis ng Pinas, ayaw kong magtake ng chances.

Then it’s my turn.
immigration: Is it your first time here using L visa?
ako: No maam. I was also here but in California last 2008.
immigration: Did you use L visa there?
*dito ko na narealize na mali ang dinig ko sa una nyang tanong. Akala ko, tinanong kung first time ko sa US. WTF!!*
ako: Im sorry maam, the time I went to California, I was using B visa then. Now, it is my first time to use L visa.
biglang may lumapit na isa pang immigration police.
immigration: please follow him. 

Dinala ako ng officer sa isang room. Napansin ko dito dinadala ang mga may problema. May naabutan akong isang pamilya doon. Kinakausap sila ng isa pang immigration officer. May problema daw sa medical certificate nung lalaki. Grabe na ang kaba ko nung point na to. Kung bakit kasi hindi ko naintindihan masyado ang tanong sakin. Naisip ko na ang mga posibilidad na baka madeport agad ako pabalik sa Pinas. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa aking kumpanya? Nakakahiya rin sa susundo sa akin dahil kanina pa sila naghihintay. Hindi rin nila ako makokontak dahil bawal ang nakaopen na communication devices.

Habang naghihintay sa turn ko makausap, sunod sunod ang mga dumating na may problema. May isa pang mag-asawang matanda ang pinapunta doon. Nakikiusap ang mag-asawa dahil late na sila sa connecting flight nila. Wala. Hindi sila pinansin nung supladong immigration officer. Basta maghintay daw na tawagin sila. Nakakaawa. Pagtawag sa akin nung immigration officer 3, sinenyasan nya ako na lumapit sa kanya. With matching smile pa. Nag-explain agad ako na miscommunication lang ang nangyari. Mega explain ako. Nakasmile lang sya sa akin at matawa tawa.

ako: It just a miscommunication sir. I thought she was asking if this is my first time here in the US where in fact its my second time, but its my first time using my L visa.
immigration officer 3: Yeah we know that buddy. Don’t worry there’s no problem in your papers. It’s just an SOP to bring here all first time users of L visa.
ako: Oh okay. Thank you sir!
Sa isip ko: “Hay salamat! Kala ko naman kung may nagawa na akong katangahan!” 

Wala na akong problema pang naencounter pagtapos nun. Nameet at nakilala ko rin ang mga sumundo sa akin. They are a nice couple with an adorable kid. Ngayon, I’m here trying to adjust with the new work environment, new colleagues, new culture, new time zone and a new effing fucking weather. Lols!

P.S.: Medyo madami akong inaayos ngayon kaya medyo madalang ako magpost. Pasenya na. Salamat sa mga nagpaalala. Miss ko na agad ang Pinas at oo, miss na miss na kita. Yihee! 😀

Advertisements

Posted on September 12, 2011, in commute stories. Bookmark the permalink. 19 Comments.

  1. Pops mag lagay ka naman ng mga pictures. Sus! Ikain mo nalang ako sa IHOP sobrang favorite ko talaga yun. Saang state ka pala. Baka kasi sakaling makapasyal dyan eh may tutulugan na me. LOL

    Ang landi lang ng dulo.

  2. 2008 pa nung huling kain ko sa ihop. subukan ko uli dun pag may time. dito ako sa state of many lakes, minnesotaaaaah! lols!

    sige pre, ping mo ako pag mamamasyal ka dito. 😀

  3. goodluck ng madami sayo.

    enjoy your stay there..hahhaa

    tamang hinala ka tol..

    memorable experience to.lolz.

    😀

  4. laging patawa ang mga immigration encounters ko pre. kwento ko ung iba next time. haha! salamat sa pagbisita.

  5. huuuuuu “miss na kita” e may natuklasan ako sayo eh. kung ano yun…hmmmm….

    hahahaha!

    ingat diyan. Be a good boy!

  6. salamat at nakuha mong ihabol ang huling pangugusap mo para sa akin. miss na rin kita. hindi lang miss, miss na miss na miss! LOLOLOLOLOLOL

    (ang cheesy mo, haliparot ka! hahahaha)

  7. miss na rin kita. kiss and hug tayo pre. ahaaay! lols!

  8. napabasa raw ako sa ibang comment dahil malandi moing huling line. hahahaha!

    anyway, mabuti naman at wala kang naging problema. nakakaba nga siguro pag ganyan lalo na kung first time. hehehe.

    mabuhay and good luck sa bagong weather forecast mo. wahhehehe

    • hahaha! bale second time ko naman na dito sa us. iba nga lang ang gamit kong visa ngayon kaya bago din ang isasagot ko sa immigration.

      challenge ang weather dito. patapos na kasi ang summer at mag-uumpisa na ang fall. goodluck sa akin. haha!

  9. Wala ka na pala sa Pinas! Don’t forget Pinas ha? Best of luck to you there! =D

  10. ayun oh natuloy ka na pala sensya po… ingat ka dyan! miss na rin kita hahahaha….

  11. o eh kumusta naman ang state na mahirap ispelingin? naguguluhan na ‘ko sa trabaho mo, pre. kala ko government employee ka. lol!

    • potah ang lamig dito! bumagsak sa 30F ang temperatura dito noong huwebes. nasa 1.11C! e patapos pa lang ang summer dito. hay good luck talaga sa akin. haha!

      dati akong government employee pre. yun ang unang trabaho ko after college. nasa pribadong sakahan na ako ngayon. 😀

  12. Wow isteysayds! Gudlak sa iyong bagong trabaho saka sa kantutang (fucking) weather. 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: