Alay lakad

Occurred: Sept 16, 2011
Written: Sept 18, 2011

Two weeks na akong andito at medyo nasa adjusting phase pa rin ako. Hirap lang talaga ako mag-adjust sa klima dito. Napakalamig. Noong Miyerkules, pumalo ng 30F ang lamig dito. Bale nasa 1.1C sya.

Masasabi kong ako ang pinakaapektado dahil sa naglalakad lang ako papasok at pauwi galing sa trabaho. Nasorpresa ako sa lamig noong Miyerkulas paglabas ko ng apartment. Literal na namanhid ang buo kong mukha. Akala ko, mapipigtal ang ilong at tenga ko. Haha! Lagi rin akong nakahawak sa ilong ko dahil baka tumutulo na ang uhog ko nang di ko namamalayan. Lols!

Hindi naman gaanong malayo ang opisina ng client namin kaya naglalakad na lang ako. Bukod sa wala akong driver’s license, bale exercise na rin to para hindi maging sedentary ang aking lifestyle. Araw araw, nasa 15-25 mins ang ginugugol ko sa paglalakad. Noong Biyernes, naisipan kong magpicture para naman maishare ko ang aking kalbaryo ruta araw araw. Nasa letter A ang aking apartment. “X marks the spot” – dyan ako pumapasok. Pasensya na at hindi ko sya kinunan dahil sa mahigpit sa confidentiality ang aking sakahan lalo na ang aming client.

Residential area ang aking ruta pero madalang ang mga taong lumalabas sa kanilang tahanan. Medyo natatakot ako nung kumukuha ako ng pictures dahil sa baka may biglang lumabas at barilin o habulin ako ng bat. Malay ko ba kung paranoid sa security mga tao dito. Hehe…

1

2

3

4

Maraming mga squirrels dito. Natutuwa akong makita sila dahil sila lamang ang buhay na nakakasalamuha ko sa aking paglalakad. Namiss ko bigla ang aking tirador noong bata ba ako. Lolsjoke!

5

6

7

8

9

10

11

Malapit na ako sa opisina. Nasa taas ang Highway 196. Matatanaw na dito ang parking area ng sakahan. Yey!

Advertisements

Posted on September 19, 2011, in commute stories, fyi. Bookmark the permalink. 14 Comments.

  1. uu pre. baka abutan pa ako ng winter at spring dito. 😀

  2. potah, ikaw na ang pa spring spring at winter…bwesit…hanggang ngayun baha parin ang naeexperience ko.ahaha/

    • hahaha! napagsawaan ko rin ang baha jan pre. about time na iba naman maranasan ko.

      sayang nga kasi di tayo nag-abot jan sa manila. di ko malalaman kung gaano kayo kalakas uminom. lols!

  3. hmmmm sarap kya maglakad kapag malamig pero wag naman sobrang lamig… hindi ko pa ma-imagine… pero layo din ha 15-25 minutes…

  4. wow! parang anlinis ng kapaligiran mo diyan, ser. tsaka anluwang ng kalsada. muka namang di malamig. hehe.

  5. yup, maluluwag ang mga kalsada dito. partida, residential area pa lang yang mga kalsadang yan tapos kakaunti pa ang dumadaang mga sasakyan.

    patapos pa lang kasi ang summer dito kaya ganyan pa ang mga puno. pero may mga puno na nag-uumpisa ng maglagas. mag-uumpisa na kasi ang fall season. ang temparature ngayon dito ay naglalaro sa 40-60F pero may time na naging 30 sya. 😀

  6. buti pa jan malamig, (mabuti bayun?? hehe ) ditu naman sobrang init.

    padaan lang po.. ^^

  7. saan ka po? salamat sa pagdaan. 😀

  8. Parang alam ko na kung san client k ni ***>>>>> .. Bestbuy XD…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: