A Climb, a Wedding and a Swim

Occurred: June 04, 2011
Written: Aug 21, 2011
Updated: October 09, 2011

Hindi ko na matandaan kung nagpapakamatay ba kami noon o we were just testing our limits kung bakit naisipan naming magkaroon ng isang challenging na lakad. Kasama ko dito si FPJ, Don Mon at Sam. Aakyat kami ng bundok then aattend ng kasal. IN.ONE.DAY. Lagi kasing overnight (sa bundok kami nagpapalipas ng gabi) ang mga nagdaang akyat namin. And to make this more challenging, hindi ako natulog the night before ng lakad.

 3AM – 2PM: Mt Pico de Loro Climb

  • Nung nalaman kong sa Maragondon kami pupunta, automatic ang tanong ko. Kung malapit lang ba ang Mt. Buntis sa Pico de Loro. Gusto ko sanang makita ang lugar kung saan pinatay ang isang bayani and to pay some respect and prayer to him. Malabo na since malaki din pala ang bundok at aabutan kami ng ilang oras sa pag-akyat dito.
  • Habang nasa Coastal road (on the bus going to Cavite) kami, nakita ko ang dagat at bigla kong nasabi (na parang bata): “Wow! May dagat!” Tumayo pa talaga ako at inilapit ang mukha ko sa bintana. Parang natakot ang babaeng katabi ko. Priceless ang reaction nya. Sarap talaga magtanga-tangahan minsan. Lols!
  • Pagdating sa jump off pt, nagbasketball muna kami as a warm up. After nun, off we went to the climb at around 7AM.
  • Para makatipid sa oras, dinaan namin sa takbuhan ang akyat. Whenever the terrain and our stamina permits, gow kami sa takbuhan.
  • Sa isang pahinga namin, may nakasabay kaming mga dating kasamahan din sa pag-akyat. “No boyfriend since birth ka!?”-  nanlaki mga mata namin bigla kaming naging interesado nung narinig namin yan. Paano ba naman e maganda at sexy ang sinabihan. As usual, nakantyawan na naman si FPJ. Sana makasama namin sya sa susunod na akyat. Hehehe!
  • Si FPJ nga pala ang dokumentarista ng grupo. Sa lahat ng akyat namin, sya ang masipag magvideo at magpicture.
  • 1017AM kami nakarating sa summit. The climax of every climb. Enough said.
  • Inakyat din namin ang isa pang peak. Nakakatakot dahil mataas at matarik na bangin ang babagsakan kung tatanga tanga ang umaakyat. Iniwan ko ang aking bag para mas madali at dahil na rin sa pandakekok ako at hindi maabot ng aking mga paa ang batong tutuntungan. Hehe.. First time ko ring umakyat ng napakatarik na bato. Walang makakapitan maliban sa isang napakapayat na tali. Literal na nanginginig ako habang umaakyat/bumababa. Please see video for details.
  • Madami ang pumapansin sa aking sumbrerong suot. Whether I look cool or an idiot, di ko alam at wala akong pakialam. Natutuwa akong isuot to lalo na kung mataas ang sikat ng araw. FYI: napagtripan ko minsang isuot to when going to work sa Ayala Ave. (matching my leather shoes, black pants and long sleeves polo). Andaming napalingon sa akin. Lols!
  • Nung pababa na kami madami kaming nakakasalubong na paakyat pa lang. Ambilis daw namin. May mga batikang mamumundok, meron ding mga napagtripan lang umakyat. May time na may nakasalubong kaming mga kabataan. Sabi ni FPJ, narinig nyang sinabi ng isang babae na cute daw ako. Humaba ang hair ko as usual. Ahihihi!
  • Past 1pm na kami nakabalik sa jump off pt. Agad naligo at nagbihis. Pagkabihis namin, nagulat yung babaeng nagbabantay sa center. Paano ba naman, nakaformal kami. Another priceless reaction. Nag-explain na lang kami na aattend kami ng kasal.

 

Looking towards Nasugbu bit.. err.. beach.

Second peak from the summit

takot me much

me on top

Si FPJ at si salbahe - pamatay ng moment. Lols!

 

4PM – 9PM: Wedding @ Island Cove, Cavite

  • Past 4pm na nung nakarating kami sa kasalan. Pagod, gutom at inaantok na kami. Christian wedding kaya medyo mahaba ang ceremony. Sa reception kami bumanat ng lamon. Hehe!
  • May cake sa lamesa namin sa reception. Nung wala pa kaming pagkain, lahat kami, gigil na gigil lantakan ang cake kaso di namin magawa dahil mababaet kami. Lols! Pagtapos na kainan, biglang naglaho ang cake namin! Fuuuck! It turned out, pinitik nung matandang babae sa katabing lamesa.
  • Congratulations kay Don Jigger sa kanyang kasal. Dati namin syang kateam pero nagresign. Mahabang kwento. Basta he is in very good hands now. Haha!

the wedding

9PM – 11PM: Swimming

  • After ng reception, nagkayayaan pang magswimming sa pool ng resort. Wala to sa plano pero what the heck!? Gow lang ng gow. Kung may magcollapse sa amin e di itakbo sa hospital. Para naman mapakinabangan ang maxicare ng sakahan. Lols!
  • May grupo ng bading na nagmo-monopolize sa inflatable pool slides. Di kami makasingit. Nung malingat sila, kami naman ang bumawi. Hehehe! Mukha kaming mga batang naglaro to our heart’s content.
  • As usual, laging inaasar si FPJ. Buti na lang hindi sya pikon.

sino pa ang aakyat nyan? bwahaha!

11PM – 4AM: Closing time

  • From the resort, matagal din kaming naghintay ng masasakyan. Sumakay na lang kami ng tricycle papuntang Bacoor then kumain kami sa Burger Machine sa tapat ng SM. Finally, sakay ulit kami papuntang Baclaran bago nagkanya kanya ng uwi.
  • Hindi ko na matandaan ang saktong oras ng dating ko sa bahay dahil sa pagod at antok but it’s all worth it. Buhay naman akong nakauwi at oras na para sa aking much needed sleep. Sabi nga ni Bosing Pepe nung namasyal sya sa Rome: “I may be tired as a dog, but I will sleep as a God.”

Closing time

Advertisements

Posted on October 10, 2011, in lakwatsa, sports. Bookmark the permalink. 15 Comments.

  1. Hindi ko alam kung yung Pico de Loro pala may bundok, kasi naalala ko yung mga ka team ko dyan nag team building. Or Poco de Loro? Ewan. Basta may Loro! Hahahaha.

    Anyways, kwento ko lang just this weekend may inattendan akong kasal ng officemate ko. Hindi ako umaattend ng kasal ever, kase ang impression ko eh boring ang mga ceremony. Based on my experience din nung bata ako. Pero hindi pala, hindi pala lahat ng kasal boring. Yung inattendan ko this weekend, civil wedding. Nakakatuwa. Parang ang saya saya ng lahat. Tapos, basta, nakakabuhay ng mood. Hanggang sa napaisip na ko kung gusto ko rin ikasal. Kahit kasal kasalan nalang kase alam ko namang hindi pwede. Pero ayun, nagulat lang ako na I even thought about that kasi never sumagi sa isip kong i consider o gustohin magpakasal. 🙂

    Dito nagkalat enoh. Haha. hello Apollo! 🙂

    • Yup may may bundok ngang Pico de Loro. Nasa pagitan sya ng Cavite at Batangas. Madali lang naman syang akyatin. Pang beginner lang ang difficulty level kaya open sya sa lahat. Try mo umakyat ng bundok. masarap. 😀

      well, lahat naman pwedeng mangyari. salamat sa pagdalaw. 😀

  2. yung tumatakbo kayo, naghihintay ako ng spoof..yung madadapa siya..naalala ko serious pala to..gusto ko kasi yung may madadapa tapos tatawa kayong lahat.lols.

    ang ganda..last na mountain climbing ko is 8 years ago. Nirarayuma na nga ako dahil wala nang mga ganyang moments..ahahaa.

    ay nakalimutan ko, nag rock climbing ako 2 weeks ago..ahhehee…it scared the hell out of me.potah.

    • madalian kasi ang akyat namin. isiningit lang ata yan para hindi sayang yung byahe namin sa cavite. haha!

      naku, akyat ka na ulit ng bundok pre. nagpaplano nga kami ni gasti bago ako umalis jan. sayang at ginahol sa oras. pagbalik ko, sana gusto pa rin ni gasti subukang umakyat. hehe..

  3. di ko alam yang bundok na yan sa Cavite. nakarating na ako ng Maragondon, at ang layu-layo ng putangenang probinsya na yun. haha

    oist, malapit lang ang bahay ko dyan sa burger machine sa tapat ng SM bacoor. potek ka di ka nagsasabi.

    gusto ko rin umakyat ng bundok minsan.

    at di pala tuloy si maldito sa manila ngayong taon na ‘to. tangina this!

    • naku sayang. ginutom kasi kami at yun ang nakita naming makakainan. madaling-araw na kasi nun eh. kung alam ko lang e di inistorbo ka namin. haha!

      pagbalik ko, akyat tayo nila gasti.

      baka may lalandiin si maldito sa kanila kaya di na sya tuloy. lols!

      • nagkaproblema lang sa trabaho..pasensya naman..hindi kasi ako anak ni henry sy.lols
        next year babawi ako..ayoko mag promise. ahaha.
        go rin ako yan sa akyatan na yan!l

  4. bilib ako sa powers nyo… at hindi ko na papangarapin na gayahin. hehehe

    ako kasi kung akyat-akyat, kung kasal-kasal. maliban na lang sa bundok ikasal. hehehe

    pero masaya ka naman e, lalo na nung umaakyat ka ng bundok. buti nakatulong pa sa iyo ang lubid. parang inuto ka lang ata ng friend mo na nakakatulong yun.hehehe

    mabuhay sa mga adventuristang kagaya mo, ayeyeyeyeye

    • oo. masaya sya kahit na malapit na kaming magkolaps. hahah! yung mga kasama ko, mas gusto na nila ngayon ung day climb. tipong hit and run lang at uuwi din agad. challenge! haha!

      wala talaga akong tiwala sa payatut na lubid. then naalala ko na payatut din pala ako at magaan lang kaya ayun, kumapit na rin ako. 😀

  5. sisiguraduhin kong aakyat tayo ng bundok pre..kahit anong bundok pa yan. kahit susong dalaga! sayang kasi pinatapon ka na agad dyan eh. haha! pero next year. tuloy na tayo sa pag akyat…praktis muna ko dito sa mga kabahayan umakyat. lols! ingat dyan pre. sumubok ka na rin umakyat ng mataas na bundok dyan kung meron malapit lapit.

    • sige pre. magpakundisyon ka kayo jan. blogger’s climb ba to? haha!

      wala atang bundok dito. gubat meron. nature reserve ata. saka madami atang wolves dito. malapa pa ako. haha!

  6. walastik! ang sarap naman ng buhay mo pre. paakyat-akyat na lang sa susong dalaga. lol! ano ba ang pagkakaiba ng trekking sa mountain climbing? ang alam ko kasi nakaakayat na ‘ko sa bundok pero parang hindi naman siya mountain climbing dahil di naman ako nahirapang umakyat. gusto ko ‘yung tipong hihingalin ka talaga tapos pag nasa tuktok ka na, sulit sa view kasi para kang leonardo di kapre – you’re the king of the world! XD

    • hindi ako sigurado pero ang alam ko,mas madali or sandali lang ang trekking. or pwede din sigurong based sa height ng bundok na inaakyat. kung sasama ka sa amin pre, hihingalin ka talaga kasi aabot ng ilang oras ang usual akyat namin. usually nasa 6-8 hrs ung akyat. sandali lang ang pahinga then akyat ulit. nasa 10+kg pa ang bitbit naming bag. may tent, ilang liters ng tubig, lutuan, mga damit na panlamig, at kung anu ano pang mountain essentials ang dala dala namin. then set up ng tent sa base camp, tulog. gising ng madaling araw para sa summit assault. cam whoring, sigawan, enjoy moments, etc.. sa summit. balik sa base camp, ligpit ng mga tent at gamit then another 5-7 hrs pababa ng bundok. bow.

      etong lakad namin sa pico de loro, pang beginner lang sya kasi 666m lang ang height nung bundok at easy lang ang difficulty level nya. nasa 27km din pala ung linear distance na nilakad/tinakbo namin. may mga device kasi kami na sumusukat kung gaano kataas at kalayo ang nalakbay namin. usually 1 day na akyatan yan pero ginawa naming half day kasi aattend kami ng kasal. binawasan namin ang pahinga at dinaan namin sa takbuhan. haha!

      sama ka pag aakyat tayo nila gasti pre! 😀

  7. first time here. akala ko, naging adventurous na si Salbe. Binasa ko tuloy ulit yung title.

    😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: