Movie Night – Immortals

Occurred: 11.11.11
Written: 11.12.11

Background: Long before humanity began, Zeus and his gang (Olympians) defeated the titans (their father and uncles) and imprisoned them in Tartarus. Only the Epirus Bow, a legendary weapon created by the war god Ares, can free the titans. 

Bitter si King Hyperion dahil namatay sa sakit ang pamilya nya nang hindi man lang tinulungan ng mga gods. Dahil doon, nagkaroon sya ang adbokasya na burahin sa mapa ang mga tao. Madami syang pinatay na mga tao: lalake, babae, bading, bata, matanda, etc. Napakabrutal din nya. Andyan yung tinutuhog nya ung tao. Ini-steam naman nya ng buhay yung iba. Yung mga lalakeng sundalo nya, kinakasta nya muna para siguraduhing hindi na makakapagpadami ng lahi. Bad sya. Okay lang pumatay ng madaming tao. Okay lang pumatay sa brutal na pamamaraan pero kung kakapunin pa nya ang kaligayahan ng mga lalake, pucha! foul na yun! Lols! Ayun nga, para mapabilis ang pagkagunaw ng lahat, hinanap nya ang Epirus Bow upang palayain ang mga titans para makaganti din sila laban sa mga gods.

At dito naman papasok si Theseus na syang bida. Nakakapaglaway ang kanyang abs (Ahaaay!) at looking forward na ako sa pagganap nya bilang si Superman. Isa syang bastardo at pinalaki ng isang matandang lalake (na lingid sa kanyang kaalaman ay si Zeus pala). Gusto nyang makaganti kay King Hyperion dahil sya ang gumilit sa leeg ng kanyang ina.

Si Phaedra naman ay isang virgin oracle na tumulong kay Theseus. Sinayang nya ang pagkabirhen nya dahil naglandi sya. Nung una, nagalit ako sa kanya kasi sinolo nya ang abs ng bida pero okay na rin kasi nagpakita sya ng boobs at puwet. Bati na kami. Lols!

Si pareng Zeus at ang tropa nyang gods naman, walang magawa laban kay Hyperion dahil nagpasa sya ng batas na bawal silang makialam ng direkta sa mga tao. Baka daw sya maimpeach. Umaasa na lang siya kay Theseus na syang pipigil sa kaartehan ni Hyperion.

Fast forward: Nakuha ni Hyperion ang sumpak pana at nagawa nyang makarating sa Tartarus. E andami dami niyang kampon (na wala ng bayag?) tapos kakaunti lang sila Theseus! Ayun napalaya nya ang mga titans. Dahil doon, nawalan na ng bisa ung batas ekek ni Zeus kaya napilitan na silang (mga gods) makialam. Bumaba sila galing ng Mt. Olympus at nakipagbasagan ng katawan (as in katawan) sa mga titans. Madami sila kaya medyo nahirapan sina Zeus. Bago pa sila maubos, sinira ni Zeus ang pundasyon ng Tartarus para malibing ang mga kalaban. Si Theseus naman, sinundot ang leeg ni Hyperion. Sa bandang huli, naging god na rin siya. Nirecruit sya malamang ni Zeus para may katulong sya makipag-gyera sa mga nakatakas na titans. Naiwan sa lupa si Phaedra na buntis ng kanilang anak. The End.

  • Sabi nga ng kasama kong si Roy (officemate kong kano), bad-ass ang movie. And I agree! Lalo pang naging awesome dahil 3D sya. Ang ganda ganda ng mga fight scenes! Parang gawa lang sa papel ang mga kalaban habang sinisibat, pinapalakol at ini-espada sila ng mga bida. Napapasigaw ako ng “yeah!”. Syempre sa isip ko lang yan kasi nahihiya akong mag-eskandalo dahil mga kano ang katabi ko. Okay din ang cinematography. Maihahantulad mo sya sa setting ng pelikulang 300 (same producer). HIndi man kapani paniwala pero mamamangha ka sa mga istruktura sa palabas. Gigantic proprotions ika nga nila.
  • Ang popogi at gaganda ng mga nagsiganap. Ang mga gods and goddesses, hotties! Mas lalo pang naging hot nung nakikipagbakbakan sila. Naghuhumiyaw ang mga abs! At puwet pa pala.
  • Nasabi ko bang I’m a sucker for mythology stuffs (mapa-greek, roman, norse, egyptian, Pinoy, etc.)? Kaya I was really looking forward for this movie.
  • Oo nga pala! Rated R ang palabas. At since pandakekok at mukha nga akong bata, hinanapan ako ng ID nung teller ng ticket. Napangisi na lang si Roy.
  • May kasama kaming mga students na nanood. Dinig ko 17 yrs old sila. Sumingit pa sila sa pila. Di na lang ako umimik kasi di hamak na mas matatangkad at malalaki sila. Hehe. Nagdala sila ng mga ID pero di pa rin pinalusot ng teller. Pero nagulat ako kasi nakita ko sila sa loob ng sinehan. Sabi ni Roy, bumili sila ng ticket sa ibang palabas tapos sa sinehan namin sila pumasok. Pwede pala yun! Sa lobby entrance kasi ibibigay yung ticket tapos diretso ka na sa sinehan mo. Honesty policy kumbaga. Pilyong mga bata! Parang ako. Hehehe…
  • Maganda ang sinehan dito. Mas maganda ng konti sa mga sinehan natin sa Pinas.
  • 3D version ang movie kaya may 3d glasses na binigay. As in bigay. Pagtapos ng movie, pwede mong ibalik ang glasses. “Pwede” at hindi obligado kaya ayun, may 3d glasses na ako. Yey!
  • $14.50 for a bad-ass 3D movie with matching take home 3d glasses? Sulit na sulit. Makagawa ng isang post na may kasamang spoilers? Priceless! 😀

 

Advertisements

Posted on November 13, 2011, in fyi, lakwatsa. Bookmark the permalink. 16 Comments.

  1. SPOOOOILEEERRRRRR!!!!

    kelan ipapalabas yan dito? mahilig din ako sa mga ganyan e. tsaka pwede ba ako magpabili sayo ng 3D glasses? bayaran na lang kita. LOLs

    • parang hindi pa nga ipapalabas jan sa pinas kaya sinamantala ko ng magbigay ng spoilers. lols!

      kelan mo kailangan ung 3d glasses pre? baka next year pa kasi ako makauwi jan. bigay mo lang ung details/specs para macheck ko dito. or kung gusto mo, kuhanan na lang kita ng kagaya nung sa akin. baka may 3d movie pa akong mapapanood ulit. hehe!

  2. pareho tayo na mahilig sa mythology pero siguro mas marami kang alam sa akin. (ngumisi ako wahahaha!)

    total brutal naman itong pelikulang ito ayon sa iyong pagkakakwento pero nakakatuwa yung mga sundot mong punchline. o siya ikaw na ang tunay na lalaki na may baby fez.

    kailan kaya ito ipapalabas sa Pinas? so far sa tyaga pa lang ako sa Troy at Clash of the Titans.

    • salamat naman at natuwa ka. bagamat nakuwento ko na dito ang pelikula i strongly recommend na panoorin mo pa rin sya. sorry naman. i can’t help it. salbahe eh! lols!

  3. pota…!~sabi sa news 11 daw dito ipapalabas! eh hanggang ngayon hindi pa!! kelan! kelan!! eh last year ko pa to hinihintay! waaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    masunog nga ang ayala.! aahahhaaa

    • ayon sa site ng clickthecity, wala pang schedule ipalabas jan ang pelikula in the near future. tiis lang pre. im sure it will be worth your wait. 3d version panoorin mo. sulit! 😀

      masama manunog pre! mabait tayo di ba? lols!

  4. uyy.. nakapag nenok.. este nakapag uwi rin ako ng ganyang 3D glasses… parehong pareho!! at dahil sa kwento mo.. parang gusto kong makakita ng abs, pwet at boobs…

  5. gusto ko rin panoorin yan hindi lang dahil sa abs, pwet at boobs pero dahil gusto ko ng patayan! hahaha! mala-300 pa kaya sulit na sulit sa fight scenes. mura na rin yung bayad sa sine dyan ah libre pa 3d glasses. mukhang matagalan pa showing nyan d2 ksi pangmatagalan ang breaking dawn at ipapalabas na rin soon ang metro Manila filmfest entries

  6. potashet! spoiler ka nga, pre! hindi pa kaya pinapalabas dito ‘yan. pare nung trailer pa lang, balak na naming panoorin ni dude. baka next week, showing na dito.

    • pasensya na pre. alam kong hindi pa palabas jan (at dahil salbahe nga ako), hindi ko mapigilang magbigay ng spoiler. pang-asar lang. again, i.am.sorry. lols!

  7. Buti na lang binasa ko muna to at hindi naniwala sa mga ‘negative feedbacks’ sa paligid ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: