Ansakit ng mata ko

Occurred: Nov 23, 2011
Written: Nov 23, 2011

Bigla akong naalimpungatan. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko: past 6 AM. Naalala kong may meeting kami ng maaga at maaga din akong dadaanan ni Roy (officemate kong kano). Diretso agad ako sa banyo. Nagtoothbrush, naligo, nagbihis, lahat na (FYI: hindi ako nag-aalmusal sa umaga). Magmemedyas na sana ako nung napansin kong parang iba ata ang palabas sa tv. Usually news ang palabas sa ganitong oras, pero okay lang, kailangang magmadali. Tiningnan ko uli ang oras at baka parating na si Roy. Ang ineeexpect kong oras: nasa 7 am na. Guess what kung anong nakita ko? 2:22AM! Huh!? Bakit ganun? Double check sa laptop time: 2:22AM nga! Fuuuuuuuck!!

Ayun, naghubad ako ng slacks at polo, nagbasa ng one piece manga at natulog uli. Buset!

Kaya pala iba ang palabas sa tv.
Kaya pala madilim pa sa labas.
Kaya pala feeling ko, sandali lang ang tulog ko.
Antanga lang di ba?

Advertisements

Posted on November 24, 2011, in funny experiences. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. excited mag trabaho!! ehehehehe

  2. kanina na alimpungatan din ako….nataranta kasi akala ko 4:00 AM na….1 AM yung shift ko..ampotah..4 PM palang pala..aahhahaa….sira sira na ang body clock. buti pa ang abs..intact pa rin.lol

  3. hahaha… sakin never pa nangyari yan, madalas lang yung 30 minutes to go.. ako naliligo kasi late naku nagising… hahaha.. ikaw naman masyadong napaaga..

  4. aruy! saklap naman nyan… workaholic ka ata masyado… kaya ganyan. ngarag lang. hehehe

    pero curious daw ako at nakuha mo pang magbalat ng manga.

  5. ahhhmm..natawa ako dun sa comment na “nagbalat ka ng manga”..hahaha! eh diba nga..nagbasa ng “One Piece” <–anime na manga(comics). ayun lang. nasusubaybayan mo pa pala yun.

    ngyari na sakin sakin dati yan nakabihis na ko at lahat tapos papasok na skul yun pala sabado. hehe! workaholic ka na yata pre..hehe!

  6. pre, sabi mo di ka nag-aalmusal sa umaga. Ang tanong ko sana eh, anong oras ka nag aalmusal? hehehehe.

    nangyari din sa kin pero sa hapon naman. tipong galing sa puyat tapos umuwi, natulog ng umaga tapos nagising ng hapon, tingin ko sa oras e 6 o clock. bangon ako na akala ko e umaga tapos magreready na ko papasok ng ofis tapos pagbaba ko, nanonood ng tv ang mga tao na palabas e telenovela ata o news, hehehehehe. saka ko maiisip na 6 pala ng gabi at hindi umaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: