Happy Birthday!

Occurred: Nov. 28 (multiple times)
Written: Nov. 27, 2011

Nov 28 na sa Pinas ngayon. Tuwing ganitong araw, natatawa ako sa sarili ko. Tatlong babaeng nakarelasyon ko ang may birthday sa araw na to. Hindi ko sinasadya yan, pramis. Late ko na lang sya nalalaman.

Pros:
Hindi na ako nahihirapang magkabisa ng birthday. Alam naman ng lahat hindi natutuwang magmemorize ng special dates ang mga adan.
At least once a year, may dahilan para matawa ako.

Con:
Pag bumabati ako dati, ang laging sagot sa akin ay, “mukha mo! ako ba talaga ang binabati mo!?”

Well, it’s just one of the jokes life threw at me and if I can’t take a joke, then fuck me. Again, bago matapos ang araw na to, gusto kong bumati ng, “Happy birthday kung sino ka man.” 😀

Advertisements

Posted on November 28, 2011, in funny experiences, spur of the moment. Bookmark the permalink. 22 Comments.

  1. ang galing naman ng pagkakataon na 3 sa mga nakarelasyon mo ay magkakapareho ng birthday.. buti hindi ka nagkakamali ng pangalan pag binati mo sila? ehehehehe

  2. para sigurado, happy birthday na lang at walang pangalan para safe. yun nga lang, hindi pa rin maiiwasan na magduda sila. haha!

  3. ayos at talagang pinagtiyap-tiyap talaga ang tadhana. wahahaha.

    baka naman yung next mo o yung latest mo nov. 29 na ang birthday. hehehe

  4. ah hindi naman na. haha!

  5. naks! chick boy. sa totoo lang eh mahina talaga ‘kong magkabisa ng mga date-date na ‘yan. monthsary date nga namin ni dude hindi ko pa maalala kung hindi mababanggit sakin na malapit na pala. haha! pati sa pagkabisa ng pangalan, olats din ako. kaya ang madalas kong ginagawa, nakikipag-shake hands ako tas tsaka ko itatanong pangalan ng kausap ko. mas mabilis daw memory recall pag ganun. tingin ko hindi epektib. lol!

    p.s. sinasalansan ko pa rin ‘tong kung anu-anong shits mo. hindi nga lang nag-iiwan ng bakas dahil sa dami ng trabaho. diyan ka ba magpapasko? dalhan mo naman kami rito ng snow pag-uwi mo. haha! \m/

    • gising ka pala pre. tulugan mo na muna yang audit work mo. tulad mo, hindi rin ak matandain sa mga pangalan. haha!

      dito na ako magpapasko pre. hanggang next year pa ako dito.

  6. talaga?/? hahaha… wow whatta coincidence naman nun.. 🙂

  7. so dapat talaga criteria sa makakarelasyon mo ang bday? ahahaha..

  8. ehem ehem, parang alam ko yang tatlong babae na toh ah… ang salbahe mo talaga paps ikaw na…

  9. ngye! isa lang ang kilala mo jan pre. im pretty sure about that. 😀

    oy nagblog ka na rin pala bruha ka! gaya gaya ka talaga. kurutin ko singit mo eh! lols!

  10. mga may Zodiac signs na Sagitarius pala ang nabibingwit mo ah..hehe! ayos yan..ikaw lang kakilala ko na may nakarelasyon na magkakabirthday. kaya ka pinapagalitan ng gf mo kasi kinwento mo pa sa kanila yung history ng nov. 28 eh..hehe! saka pag sa mga ex-gf naman eh hindi bday ang naalala ko kundi yung..sexy times. haha! ulyanin din ako sa dates pwera na lang kung holiday.

  11. ang sarap kasing ikuwento kasi unique di ba? saka pang-asar lang. salbahe eh. hehehe!

  12. Kakatuwa. Itinadhana. Wait ko ang paskil mo kung magiging apat pa o higit pa. ^_^

    Magandang araw sa’yo!

  13. ahmmm question si ano ba _________ yan din ang bday???? hehehe

  14. hmmm basta yung alam ko hindi kasama dito sa tatlong to. bwahahahah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: