Self Immolation

Started: Dec, 2011 and ongoing
Written: Dec 14-15, 2011

Time Magazine recently selected the Person of the Year for 2011 – The Protester.

Pero bago ang lahat ng mga kaganapang nangyari ngayong taon, mahalagang malaman natin kung sino o kanino nag-umpisa ang lahat.

I offer my salute to Mohamed Bouazizi.

Isa syang hamak na street fruit vendor sa Tunisia. Wala syang permit kung kaya kinumpiska ng isang opisyal ang kanyang timbangan. Sinubukan nyang makiusap sa opisyal at sa local government office pero di sya pinansin. Ang ginawa nya – tumayo sa gitna ng daan, binuhusan ang sarili ng gasolina at sinilaban ang sarili (self-immolation). That was Dec 17, 2010. Naitakbo naman sya sa hospital pero namatay din pagkatapos ng ilang araw.

Naging malaking balita ang kanyang ginawa lalo na sa kanyang bansa. Madami ang nagprotesta to show sympathy for him and to protest against high unemployment, corruption, inflation, etc. Sya ang nagsilbing mitsa ng rebolusyon sa kanyang bansa. At sa ibang bansa na nakaapekto ng buhay ng mahigit kumulang tatlong bilyong tao. The Arab Spring has begun.

Jan 14, 2011. In a span of less than a month, their longtime president (23 years), Zine El Abidine Ben was exiled. Last Oct 23, nagkaroon ng free elections for a constituent assembly for a creation of their new constitution.

Kung minsan kasi, kailangan lang ng mag-uumpisa o ispirasyon para magawa natin ang matagal na nating gustong gawin. Tingin ko, ganyan ang nangyari. Marami ang gumaya sa ginawa ni Mohamed as a sign of protest. Mas marami ang nagkaroon ng pag-asa na pwede rin nilang mapalitan ang kanilang gobyerno. (FYI: Most governments in Middle East and Africa have an autocratic, dictatorship or monarchical governments.)

Egypt: In a span of 18 days (Jan 25 – Feb 11, 2011), napatalsik nila ang kanilang long time president (30 years) na si Hosni Mubarak. Ngayon madaming mga kaso ng pandarambong ang nakahain laban sa kanya. Although the military holds power for the time being, nagkaroon na rin ng parliamentary elections starting Nov for the transition of power to the civilian populace.

Libya: Sino ba ang hindi nakakakilala sa sira ulong (at laging bangag) diktador nila na si Muammar Gaddafi? Nag-umpisa ang rebolusyon ng Jan 25, 2011 at medyo naging madugo ang pagpapatalsik sa kanya. Dahil na rin sa tulong ng NATO (at US), napatalsik at napatay si Gadaffi. Namatay din ang iba nyang anak pero nakatakas sa ibang bansa ang ibang kapamilya for asylum. Nakafreeze na ngayon ang bilyong dolyar na nakulimbat nila at nag-uumpisa na silang ayusin ang gobyerno nila.

Syria: Eto pa ang isang madugong rebolusyon. Nag-umpisa ang malawakang protesta noong March pero agad din silang sinalubong ng mga bala at aresto ng mga sundalo. Ayon sa ulat ng UN Security Council (as of dec 13, 2011) nasa 5000 na ang namamatay sa kamay ng Syrian security forces. Bukod sa UN, nagpataw na rin ng sanctions ang Arab League sa Syria. Sabi nga, malaki ang posibilidad na magaya si Bashar al-Assad (Tatay nya ay nanungkulan ng 29 years bago sya pumalit noong 2000) sa sinapit ni Gadaffi.

Yemen: January nag-umpisa ang mga malawakang protesta sa bansa. Nov 23 nung magresign sya upang wakasan ang kanyang 33-taong panunungkulan.

Algeria: Hindi man napatalsik ang kanilang presidente, nawala na ang 19 taong state of emergency ng bansa. Pinaplano na ngayon ang pagbabago ng kanilang constitution for democratic reforms.

Morocco: Babaguhin na rin nila ang kanilang constitution for democratic reforms.

At madami pang ibang bansa tulad ng Saudi Arabia, Bahrain, Jordan, Oman, Iraq, Kuwait, Lebanon, Mauritania, Sudan, UAE. Hindi man sila nagtagumpay na mapalitan ang gobyerno nila, nagkaroon naman ng pagbabago na pabor sa taong bayan. Nangyayari na rin ngayon ang malawakang protesta sa Europa partikular sa Greece at Spain.

US: Nakigaya din ang US sa mga protesta pero pinangalanan nila itong Occupy Movement. Medyo kakaiba ito dahil hindi government change ang habol ng tao kundi economic policy changes.

Russia: In more than a few decades, nakaroon ng lakas ng loob na magprotesta ang mga Ruso kamakailan lang. Ang dahilan naman nila ay ang malawakang dayaan sa katatapos lang na parliamentary elections. Sino naman ang hindi magagalit sa obvious na dayaan – more than 140% ang total votes turnout! Now you know the reason of the 140% posts in 9gag.

China: Madaming mga Tibetan monks ang gumagawa ng self immolation bago pa ito ginawa ni Mohamed. Mula March 2011, labing-isang monghe na rin ang namamatay o naoospital. Pinaglalaban nila ang kanilang kalayaan at karapatan laban sa China. Sad to say, mahihirapan silang makakuha ng independent state recognition laban sa mighty China.

Sa atin naman, sanay na tayo sa mga protesta. I can surely assume na tayo ang nauna sa peaceful power of demonstration to oust a dictator courtesy of EDSA 1986. Proud akong sabihin na kasama ako sa EDSA II. Nabasa ko rin na isa tayo sa naging modelo o inspirasyon ng mga protesta (Arab Spring) na sinabi ko sa taas.

January 4, 2011 nung namatay si Mohamed Bouazizi. Inilibing sya sa isang simpleng puntod. Hanggang ngayon, marami ang nakakakilala sa kanyang ginawa. Isa din syang malaking dahilan kaya napili ng Time magazine na Person of the Year ng 2011 ang “The Protester”. I personally hail him as one of the true heroes alongside Rizal, Washington, etc…

Amen.

simple grave of a hero

The Beginning of History
Bliss was it in that dawn to be alive,
But to be young was very heaven!—Oh!
times,
In which the meagre, stale, forbidding
ways
Of custom, law, and statute, took at once
The attraction of a country in romance!

—William Wordsworth, “The French Revolution as It Appeared to Enthusiasts at Its Commencement”

Advertisements

Posted on December 16, 2011, in fyi, politics, thoughts to ponder, world issues. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. informative ang theme natin ngaun ah…and yes, kasama din ako sa EDSA II..nagkakalaman na tayo ng edad…si gasti mukhang EDSA I andun na ata. joke.ahahaha

    marami rin akong personal heroes…..pinangarap ko na dati na magkaroon ng pangalan sa mga libro as a hero…..mahirap pala..kaya ngayon lahat ng libro ng mga pamangkin ko nilalagyan ko ng pangalan ko. ahahaha

    it takes one match to start a forest fire..

  2. Nakakawindang man ang naging pamamaraan ni Mohamed Bouazizi pero ‘no choice’ e. Hay.

  3. akala ko nga si steve jobs ang magiging person of the year ng time? pwede ba ang posthumous?

    pero ‘yun nga, it’s about time na kilalanin ng prestihiyosong babasahing ‘to ang mga pangkaraniwang taong walang muka pero walang sawang nagsusulong ng pagbabago sa kani-kanilang bansa.

    i am the 99%, indeed!

    • im not a fan of steve jobs. much credit is given to him by media na sinalo naman ng buong buo ng mga taong addict sa apple (or maybe plus those who are innocently mis-informed). i felt there is something wrong kasi bakit walang masyadong ingay ang pagkamatay ni dennis ritchie? they both died within days apart. i can bet my balls na mas malaki ang nagawa (at mas malaking impact) ni dennis sa humanity kesa kay steve.

      mabuti na lang, mas kinilala ng Time ang mga protester ngayon. di hamak na mas malaki ang impact ng pagbabagong nagawa nila compared sa iphone, ipad. and all that shit. just saying my two cents here. 😀

      • kung hindi mo pa sinabi, hindi ko makikilala sino si dennis ritchie. walastik! bigatin din pala ‘tong scientist na ‘to. tingin ko lang ha, mas naalala si steve jobs kasi mas patok siya sa consciousness ng ephemeral, apple-biting peoples of the world. eh ang mga tao pa man din ngayon, kung ano ang hip sa pop culture, ‘yun ang mas mabilis sa memory recall.

        pero may question ako: iba ba ang c+ sa c programming?

        • hindi ko na gaanong tanda ang history ng c. pasensya. ang alam ko is marami na ngayong version ang c programming. dahil din sa c kung bakit tayo may operating systems sa computer, kung bakit gumagana ang tv, cellphone, ahm.. basically LAHAT ng electronics.

  4. nakakabilib talaga yang person of the year ngyon. well deserved award. sayang nga lang na patay na sya kaya hindi na nya matanggap yung award.

    @maldito hindi ako sumasama sa mga rally! haha! saka 3 years old pa lang ako nung Edsa 1

    tama ka pre dun about kay Steve Jobs at Dennis Ritchie. hindi talaga patas ang media sa pagbabalita. nag aral din ako c at c++ nun eh. simple lang naman ang coding pero mahirap din pag kumplikado na. haha! ang galing nga eh kahit nagsulputan na ang ibang programming language gaya ng widely used na Java, hindi pa rin nawawala ang paggamit ng c++. dami pa ring kumpanya na naghahanap ng ganun klaseng developer.

  5. napakagandang post! superb!

    kay Mohamed Bouazizi, saan ka man naroroon ngayon isa kang alamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: