LRT Stories

Occurred: During college days
Written: Natapos din sa wakas one year before the end of the world, in short, Dec 21, 2011
 
Salbahe mode on.

Maraming beses na rin akong nakabasa ng mga commute stories ni Jeck at Cabron sa kanilang mga blog. Nakakatuwa kasi madalas akong makarelate sa mga kwento nila. Hindi na nakakagulat minsan na marami sa mga kwentong ganito ay tungkol sa mga namamanyak na babae sa LRT/MRT, bus, jeep, etc… Sabi nga nila, kawawa ang mga babae sa mga ganitong tagpo. Wala silang kalaban laban kapag siksikan na. Di ba?
 
Mali. Hindi lahat ng lalake ay manyakis. Ahem! At hindi lahat ng babae ay biktima.
 
LRT. Sa Cardinal Institute ako nag-aral ng midwifery college kaya araw araw akong sumasakay sa LRT. Morning shift ako noon kaya madalas na napapasabay sa rush hour. As usual siksikan. Nasa bandang Bambang station na ako nung may naramdaman ako sa aking likod. Malambot… Paglingon ko, dibdib ng isang babae. Dahil mabait nga ako, medyo lumayo ako kasi nakakahiya. Hindi pa nagtatagal, ayan na naman ang naramdaman kong malambot. Idinudunggol sa likod ko! Bumaba ako sa tren na ang feeling ko, andumi dumi ko. Lols!
 
LRT. On the way uli sa Cardinal Institute. Mukha akong ninja. May nakasukbit na samurai T-square sa likod ko tas may bitbit pa akong drawing board na lalong nagpapahirap sa aking makipagsiksikan. May babae uli akong nakasabay pero nasa harap ko sya. At lintek lang dahil nakatapat sa aking harapan ang kanyang puwet na malambot. Dahil ako’y isang tao lang na nadadarang at natutukso din, di maiwasang magalit ang aking pututoy. Iniatras ko ang puwet ko para mapalayo ang lintek na pututoy. At alam nyo kung anong ginawa ng babae? Tama. Iniatras pa nya ang puwet nya palapit sa akin. Bastos sya!

LRT. Linggo. May ROTC formation kami sa Camp Bonifacio sa Taguig. Nakafatigue pa ako nun. Maluwag na ngayon ang LRT dahil linggo nga bukod sa napakaaga pa. Dahil maluwag naman, sa malapit sa pintuan ako tumayo. Hindi ko na maalala kung sino ang nauna sa aming sumakay pero may isang babae at lalake sa tapat ko. Mukhang sa airport ang punta nila dahil may malaki silang luggage.

Nakatayo lang ako at nakahawak sa safety hand rail (poste) nung lumapit ang babae. Kumapit ang isang kamay nya sa poste at idinikit ang kanyang malaking dibdib sa kamay kong nakakapit. Nashock ako pramis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sinubukan kong hugutin pero hindi ko magawa. Naipit ng poste at dibdib nya. Nagpatay malisya na lang ako at nanalangin na sana ay hindi nya asawa ang kasama nyang lalake. Hindi ko pwedeng sabihin na pasimple ang ginawa ng babae dahil madami ang nakapansin. Sa buong byahe, pinagtitinginan kami ng ibang mga pasahero. Tiyak kong inggit na inggit ang mga kalalakihan noon. Alam ko yun dahil may mga lalaki pang ngumingiti sa akin. Anlaki kaya ng dibdib nung babae tapos anlambot pa. Ahihihi! Ang babae naman, parang walang anuman na nakikipag-usap sa kasama nya. Hindi nga nya asawa ung lalake, hindi ako sinapak eh. Natapos din ang aking pagdurusa nung sabay kaming bumaba sa may EDSA station. Para mas mailarawan ko ang sitwasyon noon, eto ang aking obra maestrong drawing. Haha!

 

Ayan ang ilang karanasan ko sa LRT na sumira sa aking kamusmusan. Pakatandaan na wala pa akong kamuwang muwang noon. Eto ung panahon na ang mataas na grado, pagmaintain ng scholarship, makalaro ng arcade pagtapos ng klase, makanood ng magandang sine, etc.. ang mas mahalaga sa akin kesa sa libog. Totoo yan. And after those incidents, I was scarred for the rest of my life. Loolsjoooke!

Advertisements

Posted on December 22, 2011, in commute stories, GML, sexy stories. Bookmark the permalink. 25 Comments.

  1. hahaha! swerte ka nga talaga. aminin mo may agimat ka tinatago.

    haynaku yang mga babaeng yan na mahaharot. hindi mo alam kung san ka lulugar eh. either tawagin ka bastos o bakla.

    • swerte ng mga babae kasi di ko pa alam noon na pwedeng magsampa ng harrassment ang isang lalakeng walang kamuwang muwang. lols!

      tama ka pre, laging tagilid ang mga adan. parang mahirap paniwalaan kasi na pwede din tayong maging biktima. 😀

  2. tsk tsk tsk, nakakaawa ka pre. kayong mga babae, ayus ayusin nyo buhay nyo ha. di nyo alam ang epekto nito sa mga ginagawan nyo ng kung ano ano sa mga publikong lugar. sa yo naman mang apollo, dapat siguro nagpatingin at kumunsulta ka sa mga professional tulad ng psychiatrist. di natin kasi alam kung ano ang magiging epekto nito sa buhay mo. Maaaring maging mitsa pa ito ng mas maraming problema sa buhay sa pinansyal na aspekto man, pisikal, mental, ispiritwal at kung ano ano pa. i grieve with you pare. ='(

  3. buti ka pa babae ang nangmamanyak sa iyo… kadalasan bading ang nakakatagpo ko… huhuhu..

    • aynaku, buti pinaalala mo. may mga karanasan din akong ganyan. nakakapag-init lang ng ulo. no offense to the third sex, madami akong kaibigang gays. basta you respect me. i’ll respect you too. bow! 😀

  4. Buti na lang nung nag-aaral ako yung Purple Line (yung dumadaan ng Legarda) ang sinasakyan ko at mejo maluwag siya kumpara sa ibang LRT. Hindi ko man naranasan manyakin at man-manyak nung nag-i-LRT pa ako, madaming pagsubok naman ang nararanasan ko these days kapag nag-bu-bus ako pauwi galing trabaho. Lalo na’t Disyembre. Punuan kaya lahat ng bus pero kelangan makisiksik. Don’t even get me started on the soft and hard stuff. Tsk.

    Daming tawa ko dito sa post na to. Parang baliw lang, sabi ni opismate sa akin.

    • naku ingat ka pa din kahit saan (or kahit maluwag sa purple line). perverts always find a way to do their thing.

      salamat at natuwa kayo ng officemate mo. gaya nga ng madalas kong sabihin dito, fate always finds a way to play its cruel (or exciting?) jokes on me. 😀

  5. tanginang ‘yan. may sketch pa talaga ng pinangyarihan ng krimen eh no? lol! walastik sa drowing o; parang google maps lang. XD

    pre, isipin mo na lang na isa ka sa napakaswerteng lalake sa mga panahong ‘yun. hehe.

    • di naman kasi ako marunong magdrawing kaya yan na ang best way para mailarawan ang sitwasyon noon. puro bilog lang di ba? hahaha!

      • astig nga ng pagkakadrowing eh. naimagine ko nang mahusay. tsaka di ba archi ka? o engineering? may t-square eh. hehe.

        merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms pre! \m/

        • yup, midwifery este engineering ang course ko. may naalala tuloy akong kalokohan uli sa course na yan. magawan nga ng post. hahaha!

          merry christmas din sau pre sampu ng iyong mga kaibigan at kamag-anak!

  6. buhahah. i like the line “Bumaba ako sa tren na ang feeling ko, andumi dumi ko.” wahahaha

    Mabuti nga malalaki yung boobs nung nakabangga sa iyo. May iba galit na galit mabangga e pag sinilip mo naman ang dibdib part, sahig na kaagad ang makikita mo. hehehe! Ako inis sa mga girls na que a-arte eh nasa pampublikong sakayan naman..yung makaupo kala mo sala nila, at yung mag-uusap sa daanan talaga ng tao. Iyung sa palabas na yung mga tao sa pintuan o escalator.

    • natawa naman ako sa sinabi mong sahig portion. nyahaha!

      wag ka ng mainis sa kanila, isipin mo na lang na sila yung mga taong madalas madukutan. di ba? di ba? 😀

  7. JUSKO. wag ka ngang magmaang-maangan dyan at magpakabait na parang santo. pwede mo namang ibaba ang kamay mo na hindi pantay sa dibdib nya o kaya itaas pa. hindi mo ba naisip yun? sus ka. malibog ka. HAHAHAHAHAHA

    naiinggit ako sayo, dahil sa karamihan ng experience ko sa ganyan ako yung nauunang nanantsing e. haha. gusto ko tuloy ikwento sa blog ko yung babaeng lagi kong nakakasabay sa fx ngayon. chinita, tapos pinapasandal saken yung dede nya. haaaaaaaay!

  8. This reminded me of my college days! Nakakatawa! 😀

  9. napakavirginal lang ng dating. e di ikaw na ang tao lang, natutukso at nadadarang rin! bwahahahaha!

  10. Andami kong tawa dito ah. Hehe. Lalo na yung last part. Awkward. hahaha.

  11. Ako nmn many time sa fx biktima ako…kc un mga siko ng girls una muna sa hita, habang tumatagal umaabot na sa puson and eventually sisimple sila hgng dun sa target nila..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: