Midwifery

Occurred: Erap-GMA Administration
Written: Dec 27, 2011

Pareng Lio, eto na yung sinasabi kong post tungkol sa course ko. ๐Ÿ˜€

Bago ako nagtapos ng college, nag on the job training ako sa MMDA, MIS Department. Yep, tama kayo ng dinig. May MIS Dept ang MMDA. (Noong time na yun, isa ang MMDA sa mangilan ngilang government agencies ang may modern at complete IT infrastructure.) Dahil siguro sa magandang performance mga kalokohan ko kung kaya na-absorb ako pagkagraduate. Dahil na rin sa nag-aapura na akong magtrabaho at tinamad nang mag-apply pa sa iba kung kaya tinanggap ko ang offer ng MMDA. Naging consultant ako.

Dahil fresh graduate, mukhang totoy, at pandakekok pa, lagi akong inaasar kung bakit daw ako andun sa opisina nila. Mukha lang daw akong batang inutusang bumili ng suka. Ganun pala ha?
ย 
At dito papasok ang mga kalokohan ko.

You ask me a nonsense question and I’ll give you a stupid answer. Dahil nga dati akong ojt kung kaya madami ang nakakakilala sa akin doon. Bakit daw andun pa din ako kahit tapos na ang school year? Ang madalas kong sagot: naextend ako ng ojt. Kung bakit ako naextend, sinasabi kong pinarusahan ako ng MIS director namin. Kung minsan sinasabi kong naextend ng 500 hours ang ojt ko. Alam ko sarcastic ako sumagot sa tanong nila pero nakakatuwa dahil madami pa ring naniniwala. Sinasabi ko ang mga sagot kong yan kahit nakaharap ang mga ka-department ko. Mabuti na lang at nakikisama lang sila sa akin (kahit nahihirapan silang magpigil ng tawa). Yung ibang hindi naniniwala, nagtatanong sa mismong director namin. Isa pa siya kasi sya ang nagpapatunay na extended nga ang ojt ko. Hehehe…
ย 
Marami rin ang nagtatanong ng course ko.
ย 
fellow employee: ang galing mo naman sa computer. anong course mo?
tukmol: midwifery po
fellow employee: talaga!? paano ka natutong magcomputer?
tukmol: aahm.. madalas lang po akong gumamit ng computer at voila, magaling na ako.
fellow employee: ang galing mo naman! gusto ko ring maging magaling sa computer ang anak ko.
tukmol: e di pag-aralin nyo po ng computer-related course.
ย 
Akala ko noong una, makukuha nila ang pagiging sarcastic ko. I failed. May naniniwala pa rin sa akin. Lalo na kung buntis sya. Nung sinabi kong midfiwery graduate ako, ayan na. Lagi na syang tumatawag sa phone at nagtatanong tungkol sa pagbubuntis.
ย 
pregnant employee: paano pala malalaman kung kambal ang pinagbubuntis ko?
tukmol: ahm.. syempre po, mas mabigat ang tiyan mo (common sense na sagot)
ย 
Ilang buwan ding akong sumagot sa mga tanong nya. Pinapangatawan ko talaga mga sagot ko. Isa lang ang nakapagpaamin sa akin after nine months: Nung kinuha nya akong magpapaanak sa kanya.
ย 
Eto pa ang iba kong kalokohan dun:
Pag malapit ng magsara ang paakyat na elevator. Tatakbo ako papunta sa elevator at sisigaw ng “up!? up!? up!?. Pag may maawa at bubuksan ang elevator saka ko sasabihing, “ay sorry, down po ako.” Vice versa pag pababa naman ang elevator. Mas marami ang natatawa (lalo na ung mga nakakakilala sa akin) at meron din namang naiinis. If they can’t take a joke, then fuck them.

Dahil dati akong ojt, ako na ang humawak sa mga bagong ojt students na pumalit sa akin. Karamihanย sa kanila, mas matanda sa akin. Ang sarap lang magbigay ng mga brain teasers at mas nakakatuwa ang mga nakukuha kong mga sagot. Don’t get me wrong. Gusto kong lagi silang nag-iisip o nag-eexplore. Gusto kong lagi silang magtanong ng bakit at paano.

  • Mas mabilis bang magcopy ang winzip kesa sa windows explorer? (Iba kasi ung icon na lumalabas sa lumang winzip pag nagco-copy o nagzi-zip ng files.)
  • Pwede mo bang masave sa isang 10MB file sa 1.44MB na diskette? Noon, impossible to pero madami ang sumasagot na pwede at ilang oras at araw din silang nag-eexperiment kung paano nila mapapagkasya un.
  • Ilipat mo sa kabilang pc ang 50MB file na hindi gumagamit ng network cable o cd writer. (Wala pang wireless connection noon at oo, pwede yan using printer cable.)
  • Paano magright click sa whiteboard na nagiging touch screen monitor? (Sabi sa inyo high tech ang MMDA noon). Pinapaglaro ko pa sila ng minesweeper sa malaking touch screen monitor para lang mapakita nila kung paano magright click.
  • Ipaliwanag sa sampung pangungusap kung bakit hindi na kailangang magtagal si Erap sa puwesto nya. (panggulong tanong pero gusto ko lang ding maging aware sila sa nangyayari sa bayan. Mga college students na sila for Christ’s sake.)

A little background: Disability ko siguro ang name recall. Hirap akong makaalala ng mga pangalan kaya gumagawa ako ng mga alias ng mga nakikilala ko. Ang mga pangalan o alias na binibigay ko ay base sa features or ugali. Nakakatulong naman minsan. Kung minsan hindi. Tinanong ako dati ng boss ko kung sino ang dapat makausap sa isa naming ginagawa. Nakalimutan ko ang pangalan. Lagot. No choice kundi sabihin ang ginawa kong alias sa boss ko. Nung sinabi ko ang alias. Ilang minuto din syang tumawa. Salbahe daw ako pero bigay todo ang halakhak niya. Ang alias: Cyclops. Alam ko salbahe ako. Pero sabihin nyo sa akin kung ano ang mas magandang ipangalan sa isang taong bulag ang isang mata. HIndi ako nanlalait pero iyon kasi ang defining feature nung tao. At least nakuha agad ng boss ko kung sino ang tinutukoy ko.

Yan lang muna at baka isumpa nyo na ako. Lols!

Advertisements

Posted on December 29, 2011, in funny experiences, kalokohan, trabaho. Bookmark the permalink. 23 Comments.

  1. hahaha .. taena .. andami kong tawa dito.

    ang kulit lang , nakakuha ako ng ideya sa mga kalokohan .. idol! ๐Ÿ˜€

  2. Tukmol na tukmol lang. Ako naman pag nakakalimot ng pangalan at itinatanong sila sa akin, ina-act out ko yung tao. Challenge din sa mga taga-hula kung minsan.

  3. Sinusumpa na kitaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. ang galing mo pa lang mang-uto ha.hehehe! buti na lang di kita nakatrabaho baka nauto o rin ako. at pag nagkaganun hindi ako titigil para hndi ka magantihan. wahehehe

    paano nga pala malalaman pag suhi? wahahah

    Happy New Year!

  5. kambal pag mas mabigat ang tiyan! ๐Ÿ˜† dyos ko hindi ko naisip ito kahit kelan pero common sense nga naman. nakakatuwa ang post mo. naalala ko yung hospital days ko din, pero matagal na yun. inuuod na. ๐Ÿ˜€ happy new year!

  6. kaya pala midwifery. lol! eh kung hindi ba naman pinaglihi sa isa’t kalahating gullibility ‘yang mga kasamahan mo sa mmda pre. XD

    madalas din akong makalimot sa pangalan. sabi nila, kapag daw nakipag-shake hands ka habang nakikipagkilala sa isang tao, mas mabilis ang memory recall at mas matagal mong makalimutan ang pangalan. ginagawa ko ‘to pero hirap pa rin akong magkabisa ng pangalan ng mga tao. lol!

    pinuyir pre! ilang beses kang nagpaputok diyan? \m/

  7. may kwento yung prof ko dati sa subject na Rizal sa PUP. dati raw syang nagwork sa ospital. tagaahit daw sya ng bulbol ng mga manganganak na. naniwala naman ako kasi malupit ang pagkakwento at convincing yung prof ko.

    pero yang midwifery mo? haha! ewan ko lang pero wala akong kakilalang lalaki na midwifery ang kurso o trabaho.

  8. ang salbahe mo talaga. naniniwala na ko sa pangalan ng blogsite mo. ahahahaha!

  9. kala ko pag aralin ng midwifery para gumaling sa computer.. lol

  10. theworshipwarriorbride

    hahaha…talino ng boss mo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: