Monthly Archives: January 2012

wow bomba!

Written: Jan 30, 2012

Eto ang nagagawa ng malamig na klima. Dahil sa snow, nakakatamad tuloy lumabas ng apartment. Ansarap magkulong, manood ng tv, magbasa ng ebooks at maglaro ng kung anu-ano. Read the rest of this entry

Advertisements

Posts updates

Written: Jan 26, 2012

Pasensya na po at ngayon ko lang naisipang ilagay ang updates ng mga nakaraang posts ko.

Read the rest of this entry

Sorry, ano nga uli ang tanong mo?

Occurred: Always
Written:Jan 20, 2012

Tanong: Ows? Nagwork ka dati sa MMDA?
Sagot: Ay opo. Dati po akong traffic aide. Di ba, pandakekok ako? Hindi ako napapansin ng mga bus driver kaya madalas akong masagi ng mga bus noon. Ayun, naawa ang boss ko kaya nilipat ako sa mga kompyuter.

Read the rest of this entry

Corruption 101: Time Deposit

Occurred: Always
Written: Jan 16, 2012

Scenario: Ayon sa aking napag-alaman noon, talamak ito lalong lalo na kapag pasko or tuwing bigayan ng bonus sa mga empleyado. Sasabihin ng mga boss, hindi pa dumarating yung pera or hindi pa “approved for release”. Read the rest of this entry

They are geniuses in their own right

Written: Jan 11, 2012

I’m a fan of prank jokes. And I enjoy doing so. With your indulgence, I’d like to share some genius pranks. Given the chance, I would love to try these someday. Hey, we’re nearing the end of the world, or so they say. We might as well die laughing.  Read the rest of this entry

i’m a little alien, i’m an englishman in new york! – update

Occurred: Jan 11, 2012
Written: Jan 11, 2012

Napansin ko na ito pero hindi ako umimik. Ano naman ang laban ko sa kanila since mag-isa lang akong Pinoy dito? It defeats our purpose kasi. I was hoping na huwag sana mapansin ng aming client ang ginawa ng aking mga ka-project.

Ang ginawa nila: Nagprint sila ng environment-friendly messages sa bond papers at idinikit everywhere! Andamee!

Sa mga cube namin: Unplug when not in use
Sa malapit sa CR: Conserve water (with colored illustrations!)

So kanina may meeting kami kasama ng mga clients. Ayun na. Narinig kong nagbubulungan ang dalawang clients namin (si Roy at isa nyang kasama) na nagsayang daw ng papel kasi andaming ni-print. Natatawang sumabat ang isa pa na “isn’t it ironic?” daw. Actually, hindi lang papel ang nasayang. Kasama din ang ink, kuryente, scotch tape at carbon footprint. Ang point ko, hindi na kami bata para mangailangan pa ng madaming (nagsusumigaw na) paalala na maging green-minded. Ako ngang isip-bata, naiisip ko to, sila pa kaya? Lols!

Di ko alam kung mahihiya or matatawa ako dahil sa “brilliant” na ginawa ng aking mga ka-project. Napangiti na lang ako nung naisip kong babawi na lang siguro mga kasama ko sa hindi nila pagligo.

i’m a little alien, i’m an englishman in new york!

Occurred: Jan 6, 2012
Written: Jan 6, 2012

May initiative kami dito sa office (project namin) para sa bagong taon. Hinihikayat namin ang sarili namin na maging environment sensitive/friendly. Mayroon kaming apat na conservation areas: tubig, kuryente, carbon footprint at recycling. Linggo linggo, pinag-uusapan namin kung anu ano ang mga ginagawa naming mga initiatives. Since dati na akong green-minded, keri lang ako sa mga initiatives/activities.

Kanina, may nagsuggest na once a week na lang maligo para makatipid sa tubig. Joke lang yan dahil nagtawanan ang lahat. Nakitawa din ako pero iba ang dahilan ng aking halakhak. Hindi kasi ako sure kung joke nga yun. Lahat kasi sila anap*. At ako lang ang pinoy.

*anap – In***n pana (anap), kakana kana!