Para din naman sa ating lahat to eh

Written: Jan 05, 2012

Dahil nga ako’y isang green-minded person, ako’y natutuwang magbahagi ng ilang panawagan. May hinala kasi akong hindi ito alam ng karamihan sa atin.

Una. Parang awa nyo na, imbes na google, blackle (short for black google) na lang ang gamitin nating search engine. Ayon sa about ng blackle site, mas matipid ito sa kunsumo ng kuryente dahil sa kulay itim ang kanyang kulay. Maaaring negligible ang natitipid na bawat isa pero malaki pa rin kung pagsasama-samahin natin yan. Isa pa, parehas lang din ang search results ng google at blackle.

Nabanggit ko rin na madalas kong gawing kulay itim ang aking desktop background. Iba man ang layunin ko dati, may mabuti rin pala itong dulot. Hehe…

Pangalawa. Alam nyo bang mas mapapabagal natin ang global warming kung pinturahan natin ng kulay puti ang ating mga yero/bubungan? Mas nagre-reflect kasi ang sikat (pati na rin ang kasamang init) ng araw sa kulay puti. Chain reaction na yan. Bababa ang kunsumo ng kuryente (dahil kokonti ang dahilan para gumamit ng electric fan, airconditoner, ref, etc..), bababa ang air pollution at greenhouse gas emmision, at mas kumportable tayo sa loob ng bahay. Sa ngayon, madaming mga proyekto sa buong mundo na kung saan ang buong pamayanan ang nagpipintura ng kulay puti sa kanilang mga bubong. Isipin na lang natin ang ginhawang maidudulot nito pag ito’y ginawa ng lahat. Isipin nyo lang.

This public service is brought to you by Seiko wallet. Ang wallet na nadukot. Corny. Lols!

Advertisements

Posted on January 6, 2012, in fyi, i'm green-minded. Bookmark the permalink. 20 Comments.

  1. wow! ayos ‘tong fyi na ‘to, pre. sige sige, subukan natin ‘yang blackle. at ‘yung puting yero, hindi ko sigurado kung ano magiging itsura nun (wala pa naman kasi akong naipupundar na sariling bahay) pero pagka nagpagawa kami ng bahay ni dude, iko-consider namin ‘yan. hehe.

    gudmorning pre! musta ang weder diyan? 😄

    • maraming salamat pre! pwede ring pinturahan ng puti ang mga konkretong mga istruktura. at oo nga pala, hindi lang sa mga bubungan ito pwede. may napanood ako kailan lang sa history channel. pinipinturahan nila ng puti ung mga bato sa bundok para magreflect ung ilaw (at init) ng araw para madelay ang pagkatunaw ng glaciers sa argentina.

      speaking of weather, konti pa lang ang snow dito. natutunaw din after a few days. sabi ng mga locals dito, late daw ang pagbagsak ng snow ngayon. sabi ko naman, strange and unpredictable weather is now the norm (at tayong lahat ang may kasalanan). welcome to the future!

  2. ang mundo ay mgmumukang isang malaking ospital… ayus yun ..

    malinis na tignan nakakatulong pa taong iligtasang mundo…

    yeah instant superhero 😀

    ma try nga yang blackle…

  3. Panget pag black lapitin ng surot….

  4. Fink! Fink! Fink!

    Wala lang.

  5. galing naman nun….sige pag nakaluwag-luwag na ako e papinturahan ko yung bubong namin ng puti. tas lalagyan ko ng “payo ng green minded na si Apollo.”

    mabuhay sa iyong green revolution!

  6. Dito ko lang nalaman ang blackle na yan ah.. ma try nga rin.. mukhang interesting.. 🙂

  7. whoa! thanks for the heads up 🙂

  8. Pardon my moronic instincts Apollo, pero hindi ko talaga ma-gets paano nakakatipid sa kunsumo ng kuryente ang blackle or anything that’s black for that matter. 😦

    • mas malaki kasi ang kuryenteng nakokunsumo ng monitor pag white o maliwanag ang kulay ng screen. inversely, mas maliit naman kapag black or madilim ang screen. 😀

  9. dito ko lng nalaman tong blacke.. hahaha.. bat inde nila widely advertised?? same search results nga sha sa google.. ni try ko.. hehe

  10. theworshipwarriorbride

    will try using blackle starting today…hopefully matandaan ko sya lagi. :0

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: