i’m a little alien, i’m an englishman in new york! – update

Occurred: Jan 11, 2012
Written: Jan 11, 2012

Napansin ko na ito pero hindi ako umimik. Ano naman ang laban ko sa kanila since mag-isa lang akong Pinoy dito? It defeats our purpose kasi. I was hoping na huwag sana mapansin ng aming client ang ginawa ng aking mga ka-project.

Ang ginawa nila: Nagprint sila ng environment-friendly messages sa bond papers at idinikit everywhere! Andamee!

Sa mga cube namin: Unplug when not in use
Sa malapit sa CR: Conserve water (with colored illustrations!)

So kanina may meeting kami kasama ng mga clients. Ayun na. Narinig kong nagbubulungan ang dalawang clients namin (si Roy at isa nyang kasama) na nagsayang daw ng papel kasi andaming ni-print. Natatawang sumabat ang isa pa na “isn’t it ironic?” daw. Actually, hindi lang papel ang nasayang. Kasama din ang ink, kuryente, scotch tape at carbon footprint. Ang point ko, hindi na kami bata para mangailangan pa ng madaming (nagsusumigaw na) paalala na maging green-minded. Ako ngang isip-bata, naiisip ko to, sila pa kaya? Lols!

Di ko alam kung mahihiya or matatawa ako dahil sa “brilliant” na ginawa ng aking mga ka-project. Napangiti na lang ako nung naisip kong babawi na lang siguro mga kasama ko sa hindi nila pagligo.

Advertisements

Posted on January 12, 2012, in i'm green-minded, spur of the moment, trabaho. Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. baka bibilangin nila ang mga nasayang na papel, ink at iba pa then minus sa bilang na di sila maliligo. un lng un para makabawi.

  2. hahaha .. amp

    oo nga kya quits lang din pag ganun ang ginawa nila..

    kamusta naman ang air pollution sa opisina pagkaganun?? hehe

  3. nakapag conserve nga ng water.. nag contribute naman sila sa air pollution.. ehehehehe

  4. baka d nila alam meaning ng “environment-friendly”… hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: