Corruption 101: Time Deposit

Occurred: Always
Written: Jan 16, 2012

Scenario: Ayon sa aking napag-alaman noon, talamak ito lalong lalo na kapag pasko or tuwing bigayan ng bonus sa mga empleyado. Sasabihin ng mga boss, hindi pa dumarating yung pera or hindi pa “approved for release”. Madali lang itong paniwalaan dahil nga hindi naman nakikita ng ordinaryong empleyado ang mga kalakaran sa taas (o hindi lang sila makaimik). Ang gagawin ngayon ng mga boss na corrupt, ita-time deposit nila ang pera sa bangko. Hindi biro ang halagang pinag-uusapan natin dito lalo ng kung malaking ahensya ito ng gobyerno. This is in tens (if not hundreds) of millions baby! Kung minsan, aabot sa ilang buwan ang time deposit para mas lumaki pa ang interest. Kapag marami na ang empleyadong nagrereklamo o nag-iingay, saka na nila ibibigay ang much-delayed benefits ng mga kawawang empleyado. Asan ngayon ang interest? Aba malay ko! *Wenk!*

May ninakaw bang pera sa gobyerno? Wala. May ninakaw bang pera sa mga empleyado? Wala rin kasi buo pa rin ung halagang ibibigay sa kanila. Yun nga lang, naantala na. Dahil nga mapagpatawad ang mga Pinoy, hindi na yan mag-iingay kahit na may nalalaman sya kasi hawak na niya ang pera niya. Tuwang tuwa naman ngayon ang mga boss na kumita.

Corruption ba ito? This is open for debate kasi depende naman palagi yan kung saang panig ka. Hindi syempre aamin ang mga boss at sasabihin lang nila ng buong katotohanan na wala silang ninanakaw na pera ng gobyerno. Technically speaking, totoo naman di ba? Hindi nyo ba napapansin na marami sa mga pulitiko ang nagsasabi ng mga linyang ganito? Think People! Sa akin naman, madali lang ang sagot jan. Kung kaya mong harapin lahat ang empleyado at sabihin sa kanilang nasa time deposit muna at saka mo na lang ibibigay ang kanilang mga sahod/bonus, hindi yan corruption. Yun nga lang, wala pa ni isang taong gumawa neto.

Advertisements

Posted on January 17, 2012, in corruption 101, fyi, kalokohan, politics, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 18 Comments.

  1. may mga ganito pa palang kataratanduhang nalalaman ang mga lecheng government officials na ‘yan? nangyari ba sa’yo ‘to dati, parekoi? aba’y pumalag na ang mga delayed ang bonus kung ganun. kawawang mga nasa ibaba ng food chain. konti na nga lang ang kinikita, wala pang kamuwang-muwang sa anomalya ng mga boss nila. magsumbong sa tulfo brothers. walang sinasanto ‘yung mga ‘yun. kahit sinong pontio pilatong kaharap, mumurahin kapag di nagpaliwanag at umaksiyon.

    • mahirap kasing patunayan kung nareleased na ang pera. nakakaalam lang usually ay yung mga may mata at tenga sa taas (ahem!). syempre, ililihim naman yan ng mga boss na syang kumikita.

  2. p.s. sa ganang akin, corruption pa ring matatawag ‘yun. wala nga silang ninakaw na pera per se pero ‘yung time value of money, maliwanag pa sa sikat ng araw na ninakaw nila ‘yun. plus the fact na ginamit nila ang position nila para sa pansariling kapakanan obviously lacking integrity and honesty, napakalaking C-O-R-R-U-P-T-I-O-N pa rin.

    public service. it’s more fun in the philippines! not.

    • kahit ipagsigawan nating corruption yun, makakapal mukha ng mga yan eh. nakikita naman natin kung paano sila magsabi ng buong conviction: “wala akong ninanakaw!”. lahat sila ganyan ang sinasabi. eh potek! asan napupunta ang pera natin!? di ba!? di ba!? haha!

  3. oist salamat sa pagdalaw sa bagong bahay ko ha…muahh!!

    ang tatalino ng mga boss db? ang uutak nila..sila na ang negosyante,hihihi

    • hey miss pokwang! salamat sa pagdalaw. im honored! 🙂

      matatalino talaga yang mga yan. nasasayang nga lang kasi sa corruption nagagamit ang talino nila.

  4. Kung tatakbo ka sa susunod na halalan, nasayo na ang boto ko, haha.
    Ngayon ko lang nalaman to pre na may ganyang kalakaran na nagaganap, malinis gumawa at matatalinong peste sila.

    • gusto ko lang naman ishare ang mga nalalaman ko sa gobyerno. 😀

      mahirap pag nasa gobyerno. mahirap tumanggi sa tukso. lols! seriously, madaming mga taong malilinis ang hangarin (sa umpisa) ang nalalason ng ating bulok na sistema. it’s a dog eat dog world out there.

  5. napaisip tuloy ako dito….baka kaya ang increment eh nabibigay ng end of 3rd quarter, samantalang ang appraisal ng mga amo sa amin e Jan end tapos na lahat….hmmmm

    pero so true, iba kapag you’re in power na… merong ng dilemma…to do and not to do…hindi mo gagawin kasi un ang tama, pero sige na keri nang gawin, anyway, ibibigay din naman (delayed nga lang)….. natetest ng bonggang bonnga ang character natin…. kaya ako ayoko maging boss… baka matest din ako at magfail hahaha

  6. saluduhan sila gamit ang gitnang daliri ..hahahah

  7. ayon sa paghanap ko ng definition ng corruption…

    # (n.) The act of changing, or of being changed, for the worse; departure from what is pure, simple, or correct; as, a corruption of style; corruption in language.
    # (n.) The act of corrupting or of impairing integrity, virtue, or moral principle; the state of being corrupted or debased; loss of purity or integrity; depravity; wickedness; impurity; bribery.
    # (n.) The product of corruption; putrid matter.
    # (n.) The act of corrupting or making putrid, or state of being corrupt or putrid; decomposition or disorganization, in the process of putrefaction; putrefaction; deterioration.

    so sa tingin ko ay OO.. isa itong act of CORRUPTION..

  8. wow bago to ah, dyos ko, tamaan sana ng kidlat ang mga gumagawa nito. ewan ko lang ha. hay nako!

  9. creative talaga at maparaan! sayang lang yang mga adjective na yan, walang effect sa gawang hindi kabilib-bilib.

    gagawin ko na lang ito…sa business magandang idea.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: