Sorry, ano nga uli ang tanong mo?

Occurred: Always
Written:Jan 20, 2012

Tanong: Ows? Nagwork ka dati sa MMDA?
Sagot: Ay opo. Dati po akong traffic aide. Di ba, pandakekok ako? Hindi ako napapansin ng mga bus driver kaya madalas akong masagi ng mga bus noon. Ayun, naawa ang boss ko kaya nilipat ako sa mga kompyuter.

Tanong: Anong gagawin mo sa India?
Sagot: Magpapautang ng 5-6.
*Pag nanay ko nagtanong, yan ang malambing kong sagot sa kanya. Okay lang kasi mahirap i-explain ang work ko. Sarcastic na sagot yan kung alam ng taong nagtatanong kung ano ang trabaho ko.

Tanong: Nagresign ka na daw?
Sagot: Ha!? Hinding hindi ko yan magagawa! Mahal ko kaya ang <insert name of company here>!
*Yan ang madalas kong sagot nung nagresign ako last Feb. Hindi lang natuloy. Nausog siguro. Lols!

Tanong: Ngayon ka lang papasok?
Sagot: Actually, pauwi na ako. Dito kaya ako natulog kagabi.

Tanong: Anong course mo?
Sagot: Midwifery
*paulit ulit na lang. paulit ulit na lang. paulit ulit na lang…

Tanong: Ano po ang hanap nyo?
Sagot: Meron po kayong gasolina?

Jeepney Driver: Boss sakay na! Isa na lang!
Sagot: Sorry po, magtataxi ako.
*Hindi naman talaga ako mahilig sumakay sa taxi, nakakaasar lang kung pinipilit kang sumakay sa jeep na puno na. Tip: layo agad sa jeep para di mabugahan ng usok ng driver. Sadya nga atang maikli ang pisi nila. At least may “po” ang sagot ko. Hehehe…

Tanong: Gaano ka katangkad/kaliit?
Sagot: Nanlalait ka ba? Hintayin mo lang na magpatuli ako.

Tanong: Gaano ka katangkad/kaliit?
Sagot: Oo na pandakekok na ako. Pero height ko lang ang maliit. Ahihihi! *wenk*

Tanong: Marunong kang magbasketball!?
Sagot: Ay opo. kahit nakadapa nadadapa ako, kaya ko pa ring magshoot. *wenk*

Tanong: Marunong kang magbasketball!?
Sagot: Ay opo. Buti nga po at hindi ako natatapakan sa court.

Tanong: Natutulog ka iho?
Sagot: Opo, wala naman tayong ginagawa eh.
*College days. Sagot ko sa teacher ko sa Cardinal Institute nung nahuli nya akong natutulog. E sa wala naman talaga kaming ginagawa noon. Honest lang. Lols!

Advertisements

Posted on January 21, 2012, in funny experiences, kalokohan, school stories. Bookmark the permalink. 16 Comments.

  1. Halakhak!

    Alam ko height mo! Sue me!

  2. mga sagot na parang sinasabi na..ayaw ko ng kausap!! ahahahaha

  3. yang mga sagot na yan ang nakakapagpagaan at nakapagpapabwisit sa buhay 😀

    • there’s always two sides of a coin. e di piliin na lang natin yung side na makakakapagpagaan sa buhay. sabi ko nga sa taas, hindi natin kailangang maging seryoso palagi. let’s take a breather and think, “hey, mukhang gusto lang pagpatawa ng mokong na to.” 😀

  4. iniisip ko pa raw kung ano ang pinaghuhugutan ng post na to… pero sa ngayon alam ko na. wahahaha
    hindi na kita tatanungin, papatumba ko na lang yang mga nang-aaway sa iyo. wahahah (joke)

    tama yan… masaya naman dapat.

  5. ano po yung height mo?

    ha ha ha

  6. kung makapagpatawa ka naman sa height mo parang tumangkad ka lang ng konti sa de lata haha 😄 infairview, natawa ako haha. ako kaya pag pupunta sa tiangge, miss anong hanap?paulit ulit. tapos sumagot ako ng shabu sana eh mga tatlong kaban. meron ka ba? hahahah

  7. So ano nga ba talagang height mo? Haha!

  8. matangkad lang ako ng konti kay pgma. nung nagtabi kami sa malacanang, hanggang mata ko sya. hihi!

  9. natawa ako 😀 magpacontest ka hulaan ang height mo! pero baka may makadali agad so ganito na lang hulaan ang height mo nung 16 years old ka tapos nung 20 mga ganun nyahaha ops don’t kill me. 😆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: