Posts updates

Written: Jan 26, 2012

Pasensya na po at ngayon ko lang naisipang ilagay ang updates ng mga nakaraang posts ko.

Sleep study: Ilang weeks din (after ng sleep study ko) bago ako nakabalik sa sleep doctor. May sleep apnea daw ako sabi ni doc. Ayon sa result, maliit daw ang daanan ng hangin sa lalamunan ko. Nagtaka nga siya kasi payatot naman ako. Karamihan daw kasi ng may sleep apnea ay iyong mga matataba. Isa pang pwedeng dahilan daw ay makipot din ang bagang ko. Inherent daw sa akin dahil makapal maliit ang mukha ko. Dahil jan, nahihirapan ang hangin na makadaloy kung kaya nahihirapan akong huminga habang natutulog. Kaya pala bigla akong nagigising minsan na feeling ko sininok ako sa hangin. Kailangan ko daw siyang maayos dahil kung hindi, baka magkaroon ako ng sakit sa puso.

Dalawa ang suggestion ni doc:

  • Surgery – babawasan/tatangalin daw yung obstruction para lumuwang/lumaki ang air passage sa lalamunan ko. Babawasan din daw ata ang bagang ko. Nasabi ko bang takot ako sa karayom? Tapos sinabi nya bandang huli na hindi daw 100% ang effectivity nito. Di na uy!
  • CPAP mask and machine – bale isa itong face mask na isusuot habang natutulog. Nilalagay sya sa ilong, bunganga or both. May CPAP (Continuous positive airway pressure) machine na nakakabit sa dulo na syang nagbubuga ng hangin sa lalamunan ko para itulak ang obstruction. Sa ganitong paraan, malayang makakadaloy ang hangin. Nasubukan kong gumamit neto sa sa sleep study at maganda nga ang resulta. Mas payapa ang tulog ko at hindi ako inaantok sa araw. Hindi rin ako pagod paggising ko. Yun nga lang, napakamahal nito sa Pinas. Sinusubukan ko ngayong maghanap dito sa US at baka mas mura.

Go Negosyo: Lima na ang kambing ko! Yey! Nanganak ulit yung isang babae. Yung isa naman, laging nakukunan. Sayang. Sabi ng nag-aalaga palitan daw namin yung lalaking kambing kasi konti lang ang nagiging anak niya. Mahina! Tsk.. Tsk.. Hehe! Baka nga hindi maganda ang lahi nya. Pinabebenta ko sya ngayon at nagpapabili na rin ako ng kapalit. Ngayon, pinag-iisipan ko kung bibili pa ako ng mga babae para mas mabilis silang dumami.

Advertisements

Posted on January 27, 2012, in fyi, good news, money matters, spur of the moment. Bookmark the permalink. 20 Comments.

  1. ako na lang..pwede akong maging palahian ng kambing mo,hehehehe!!

    di ko maintindihan ang mga salita don sa tulog ekek kahit na naiintindihan ko kung ano ang problema mo sa pagtulog..kakadugo ng pekpek,hihihi

  2. haha .. P*cha , yan lng ba ang solusyon sa sleep apnea?

    napag aralan namin yan nakalimutan ko na kung may iba pang alternatives .hehe

    Go for kambing!! 😀

  3. ginoogle ko talaga kung anong itsura ng cpap machine na ‘yan. at mukang hindi siya kumportable isuot. makakatulog ka kaya nun, tsong? iniimagine ko sarili ko pag nagsuot ako nun (medyo hirap din akong makatulog minsan) at parang magmumuka akong malnourished na predator. lol!

  4. congrats sa kambing! dumadami ah! ako isa pa lang din ang baka ko, hay nako walang pag asenso. ingat ingat sa sleep apnea, tama ka kakaiba sayo kasi payat ka. hanap ka na ng mask dali!

    • okay din ang baka although mas mabagal lang siya manganak. isa pa, paisa isa lang ang anak niya.

      tinitingnan ko ngayon kung paano bumili. mukhang kailangan ata ng doctor prescription. naiwan ko kasi sa pinas. saka check ko rin kung pwede sa health insurance ko dito un. 😀

  5. oo isa nga lang pero alam ko may nahiram na magiging boyfriend ni holy cow eh kaso wala pa hindi yata shooter ang nahiram na boyfriend kaya mag aantay na lang ako. sana dumami na kesa naman maging caldereta lang siya. 😆 ah sana nga pwede mahal din diba? eh pano pag may prescription magpapatingin ka pa diyan? bayad na naman yun? aruruy!

    • mahina ang shooter. hehe!

      mahal daw ang magpatingin dito sabi ng mga kakilala ko. may health insurance naman ako pero di ko alam kung macocover yun at kung ilang percent ang macocover kung sakali…

  6. dun ba sa mismong engot&yagit, pre? meron akong mga manager at senior na dun na mismo nagtatrabaho. sa engot&yagit – qatar tas sa engot&yagit – iowa.

    bat?

    • nope jan lang sa inyo. naalala ko lang kasi sila yung nag-aayos ng income tax return namin.

      • ah, madami pre. pero kung anong market cluster at kung kaninong partner galing ‘yung mga nag-ayos ng itr niyo, malamang hindi ko kilala. dos mil kami mahigit dito eh; at kahit siguro magkakiskisan kami ng yagbols sa mrt, hindi namin malalaman na sa parehong o-pissed-sina kami pumapasok araw-araw. lol!

  7. ganda ng transition ah… from sakit sa tulog to kambing na mahina sa pag-anak! cool!

    sana makahanap ka ng maskara na yan. wahhh sa isip pa lang masakit na ang operasyon, totohanin pa?

    saka more power sa iyong go negosyo! sana dumami pa ang lahi ng kambingan mo.

  8. Parang nakakatakot naman ung solusyun dun sa sleep shit mo. Surgery talaga?! Kung sakin sinabi ng doctor yun sasampalin ko sya ng back and forth.

    Gusto ko rin mag business ng agricultural shit. Agriculture ang kambing diba? LOL

    • kinabahan nga ako nung sinabing surgery eh. haha!

      yup agricultural yun pre. bukod nga sa kambingan, gusto ko ring magkaroon ng piggery, palaisdaan saka palayan. mukhang masaya maging magsasaka eh. 😀

  9. malaki ba ang kita sa kambing? sa farm ba siya nakatira? at bakit ganito ang tanong ko?

    • last year lang ako nag-umpisang magpaalaga ng kambing pre. wala din akong farm. hehe… ala akong gastos sa pagkain kasi may bakanteng damuhan dun sa bahay ng nag-aalaga. hati kami sa magiging anak ng mga kambing ko. okay naman sya so far.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: