World Issues Simplified: “IRAN-ium”

Occurred: Presently occurring
Written: Jan 30-31, 2012

Meron akong kaibigan na nagtatrabaho sa Dubai and I recently told her na mag-ingat and plan ahead if case war breaks out in Iran. Ang Dubai kasi is malapit sa Strait of Hormuz which is the current flashpoint of recent acitivities. Medyo nagulat siya kasi hindi daw siya masyadong nagbabasa ng mga balita. Dahil dun kaya ko susubukang magsulat ng ganito. Sana ay makatulong ito sa mga kababayan nating nasa gitnang silangan para mas maintindihan nila ang nangyayari doon. Susubukan kong ipaliwanag in a very layman’s term so please bear with me.

Background: Ang Iran ay pinaghihinalaang may programang magkaroon ng nuclear weapons. Consistent naman sa pagtanggi ang Iran at sinasabing ang nuclear programs nila ay “for civilian purposes”. Kamakailan lamang ay umamin ang Iran na may kapasidad na sila na mag-enrich ng uranium. Dalawa kasi ang gamit ng uranium. Ang uranium na enriched for up to 20% ay ginagamit sa power plants and medical research. Kapag lumagpas na sa 85% enrichment, pwede na syang gamitin as a nuclear bomb. May mga enrichment facilities ang Iran na ginawa sa ilalim ng lupa. Itinago nila ito sa publiko at sa International Atomic Energy Agency (IAEA) na syang nagbabantay at nag-iinspeksiyon sa mga bansang may nuclear programs. Natuklasan din ng IAEA na may research activities rin sila para sa missiles na may kakayahang magdeliver ng nuclear payload.

Mula 2006, limang security council sanctions na ang ipinataw ng UN. Bukod dito, may sanctions din na ipinataw ang ibat ibang bansa sa pangunguna ng US. Anjan ang European Union (EU), Canada, Japan, South Korea, Autralia, etc. Ito ay ginawa upang mapigilan ang Iran para maging isang nuclear powered nation. Sa ganang akin, nakakatakot nga namang magkaroon ng nuclear weapon ang isang bansa na kung saan harap harapan niyang inaamin na dapat mabura sa mundo ang Israel. Bukod pa jan ang pag-iisponsor nila sa ilang terrorist organizations tulad ng Hezbollah, Hamas, etc.

Kamakailan lamang ay nagpataw ng sanction ang US at EU na nagbabawal makipagtransaction sa central bank ng Iran. Last week, nagpataw na rin ng oil embargo ang EU. Ang resulta neto, halos lahat ng bansa sa Europe ay pinagbabawalang bumili ng langis sa Iran. Ang sinumang bansa na bibili sa kanila ay mapaparusahan din economically. Nagbawas na ang Japan at South Korea sa pagbili ng langis mula sa kanila at nagpaplanong hindi na bibili by July.

Nagbanta naman ang Iran na kanilang isasara ang Strait of Hormuz kung itutuloy ang oil embargo. Pinagbawalan din nila ang ilang aircraft carrier ng US na dumaan doon. Naipataw na ang oil embargo at nakalagpas na ang USS Abraham Lincoln na wala namang nagawa ang Iran.

Gaano kaimportante ang Strait of Hormuz? Isa itong makipot na lagusan ng tubig sa pagitan ng Iran, Oman, Qatar at UAE. Nasa 54 milya ang pinakamakipot na bahagi neto. Dito dumadaan ang 20% of world’s oil. Bilang malapit sa Iran, may kakayahan ang bansa na madelay (kundi man maitigil) ang oil passage.

  • May libo libong small fast crafts ang Iran na pwede nilang gamiting pang-harass sa mga oil tankers. Maraming coves na pwede nilang taguan sa coastal part ng Iran. Advantageous ito para sa guerilla warfare.
  • Meron silang anti ship missiles na pangbomba sa oil tankers o maging sa US 5th fleet na nakabase sa Bahrain.
  • Meron silang surface to surface missile systems na kayang umabot sa mga US bases sa UAE, at sa ibang bansa gaya ng Israel hanggang sa Saudi Arabia. (FYI: Ang mga Sunni muslim dominated na bansa gaya ng Saudi Arabia, Qatar, UAE, Yemen, etc. ay hindi “friendly” sa Iran na isang Shia-muslim na bansa).
  • May mga sundalo silang handang gumawa ng suicide bombing missions para mapasabog ang mga oil tankers at navy crafts ng kanilang kaaway.
  • Meron din silang submarines.
  • Marami silang seamines na pwedeng itanim sa strait.

Hindi naman papayag syempre ang US na maisara ang Strait of Hormuz.

  • Kamakailan nga ay dalawa na ang aircraft carriers na nasa Persian Gulf.
  • Kayang kaya ng US 5th fleet na bombahin ang Iranian navy although mahihirapan silang makipagtaguan pung sa mga maliit at mabibilis na speedboats.
  • Bukod sa US 5th fleet, may mga naval ships din ang bansang France at UK na handang tumulong sa kanila. Nakahanda ring tumulong ang mga Saudis at Qataris kung sila ay bobombahin ng Iran.
  • Isa pa: Hanggang pagbabanta lang ang pwedeng magawa ng Iran dahil alam nilang detrimental din sa kanila ang pagsasara ng Strait of Hormuz. 80% ng kita ng bansa ay galing sa crude oil export at malaking bahagi neto ay sa strait din dumadaan.

Anu ano ang nangyayari at pwedeng mangyari? Pwedeng magkaroon ng giyera. Noon pa man, gigil na gigil na ang Israel na bombahin ang mga underground enrichment facilities ng Iran. Pinipigilan lamang sila ng US. Bantulot pang makipaggyera ang US dahil nga sa katatapos lang ng Iraq war at ongoing pa ang rebuilding effort nila sa Afghanistan. Isa pang dahilan ay mabagal ang takbo ng ekonomiya nila. Sa ngayon, puro covert operations ang nangyayari sa Iran. Anjan ang pagsabotahe sa enrichment facilities gaya ng Stuxnet virus. Anjan din ang di maipaliwanag na pagsabog ng mga military installations ng Iran. At syempre, anjan din ang pag-assasinate sa mga Iranian nuclear scientists. Syempre walang umaamin kung sino ang may pakana nyan. Umaasa rin ang US at western powers ng regime change sa Iran para hindi na mangailangan ng gyera. Pero malabong makaapekto ang Arab Spring sa kanila dahil mahigpit ang hawak ng Ayatollah at ng kanyang Republican Guards sa kapangyarihan.

Diplomasya. Patuloy pa ring kinakausap ng P5+1 (Power five: Us, France, UK, Russia, China at Germany) ang Iran para nga itigil nila ang nuclear programs nila kapalit ng pagtanggal ng sanctions. Matigas ang ulo ng Iran dahil nga “medyo” sinusuportahan siya ng Russia at China. Major buyer kasi nila ng crude oil ang China. Ang Russia naman ang supplier ng civilian nuclear technologies. Nag-alok last year ng tulong ang Turkey at Brazil para mag-enrich ng uranium para sa Iran. As usual, tumanggi sila dahil gusto nilang sila mismo ang gagawa nun. Dagdag na dahilan para maghinala lalo ang UN.

Noong linggo (Jan 29) ay dumating ang mga IAEA inspectors para iverify ang nuclear programs ng bansa. Sana nga, magkaroon ng positibong resulta bagamat matagal pa at marami pang pwedeng mangyari bago bumaba ang tensiyon.

Anu ang epekto nito sa Pinas?

  • $150 per barrel sa langis! At umpisa pa lang yan. Naglalaro na ngayon sa $100 per barrel samantalang wala pang gyera nyan. Kahit walang gyera ay aasahang tataas ang insurance para sa mga bumibyaheng oil tankers. Alam naman na natin kung ano ang resulta ng mataas ng presyo ng langis. Panibagong krisis. Nag-alok ang Saudi Arabia ng tulong na sila ang sasagot sa oil production ng hindi maibibigay ng Iran. Tingin ko, konti lang ang maitutulong nila sa dahilang sila rin ang unang unang makikinabang sa pagtaas ng presyo ng langis.
  • Mayroon tayong trade relationships sa Iran. Nag-eexport tayo sa kanila ng mga saging. Tayo naman ay bumibili ng langis mula sa kanila. Dahil sa sanctions at oil embargo, mapipilitan tayong huwag makipagnegosyo. Sa ngayon, nakikipag-usap ang Pinas para maging “exempted” tayo sa kadahilanang maliit na porsyento lamang ang halaga ng ating kalakalan sa kanila.
  • Marami din tayong mga kababayan na nagtratrabaho doon. Ilang libo ang mapapauwi at ilang pamilya ang magdurusa tyak.

Whew! Ang hirap ipaliwanag sa maiksing paraan. Ang intensyon ko dito ay magpaalam ng impormasyon para makapaghanda ng maaga ang mga pwedeng maapektuhan ng nangyayari sa taas. At sino ba ang hindi maapektuhan? Mas okay nang maging handa tayo ngayon pa lang. Ako naman dito, ay uuwi na at may weekly basketball pa ako with fellow pansit canton-eating kababayans. Mabuhay!

Advertisements

Posted on February 2, 2012, in current events, fyi, politics, thoughts to ponder, world issues. Bookmark the permalink. 20 Comments.

  1. kaunti lang ang alam ko tungkol sa Iran. mahirap sila talunin sa basketball. pati na ang China. yung mga nabasa ko dito lahat bago sakin. lintek na Iran yan. mukhang warfreak ang mga namumuno ngyon ah.

    • dati pa silang ganyan pre. mula nung nagkaroon sila ng 1979 revolution. sila ang nagbibigay ng armas at pondo sa mga terrorist organizations ng hezbollah, hamas, etc…

  2. mag ingat, mag ingat! ito po si mel tiangco nagbabalita! :mrgreen:

  3. medyo dumugo ang aking pekpek sa mga nabasa ko,hihihi wala kasi akong alam sa pambansang problema..pangsarili lang lagi,hihihihi!!

    tenks sa info!!

  4. A-ha! Salamat sa pabatid, Kuya Kim. Taenang Iran yan.

  5. kahit salbahe ka,,, very informative tong naisulat mo…

  6. nanibago ako sa post pre..

    hehehe..

    anyways basta bombahang usapan pasok pa din sa banga. lolz

    ang laki din pla ng epekto niyan sa bansa at sa ating mga mamamayan ..

    tsk tsk..

  7. ako rin nanibagao sa sa post na ito. parang nagbabasa ako ng isang komentarista sa radyo. hehehe

    yung tipong sa umaga habang nagkakape ka sa loob ng bus at bumabyahe.

    pero seryoso isa itong malaman na post na kailangan malaman ng lahat. mabuhay!

    nga pala, chili-mansi ba yang pancit canton na kinakain n’yo? pingi naman ng sabaw!

    • that’s my own understanding and/or analysis of the said issue. hehe…

      yun kasi ang nakita kong similarities nating mga pinoy dito sa ibang bansa. namimiss ang pansit canton. haha!

  8. isang ulirang ekonomista yata ang nagsulat. Haha! Pero ngayon ko lng din nalaman yong mga binigay mong info.

  9. bigla kong tinawagan si hubby, “sy pano pag pinasabog nila ang Iran”…sabi nia “wag ka naman manakot!”… …at napaisip ako bigla, ano nga ba ang dapat gawin?? scary!

    • well, ngayon pa lang makakapagplano na kayo ng dapat gawin. for a start, pwede na kayong mag-apply sa iba or makapag-isip ng business sa pinas? i dont know. whatever you think is okay sa inyo. it pays to be prepared di ba?

      update: ngayon, mas nagkakaroon ng justification ang israel para bombahin ang iran dahil sa pagkahuli ng mga iranian terrorists sa bangkok, thailand.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: