Isang oras ako magmamano neto…*

Occurred: Feb 4, 2012
Written: Feb 4, 2012 

After 5 months here in the US, nakapagsimba na rin ako sa wakas. Ilang buwan din akong naghanap ng simbahan dito. Akala ko noong una, malayo ang simbahan and lately ko lang natuklasan na meron pala sa kabilang ibayo ng downtown. Eight blocks from my apartment to be exact.

  • Konti lang ang nagsisimba. Halos kalahati lang ang laman ng simbahan.
  • Karamihan ng mga nagsisimba ay mga elderly people. Kaunti lang kaming kabataan. Hehe… *Naisip ko, paano kung uso ang pagmamano dito? Magkakakalyo ang noo ng bata sa dami nila.
  • Wala silang projector. Ang mga kanta at “agenda” ng misa ay nasa mga libro at nasa upuan na mismo. Sasabihin nila kung anong title at page nung kakantahin.
  • Sa loob lang ako ng simbahan hindi nahihiyang (dahil wala sa tono) kumanta ng malakas. Maganda yung huling song na pinatugtog kaya bigay na bigay ako sa pagkanta. Hanggang ngayon, may LSS ako.
  • As usual, napapaidlip ako pag homily. Ewan ko ba, lagi akong napapaidlip pag feeling ko, hindi interesante ang nagsasalita. Sorry.
  • Napansin ko din, may lisp ang pari. Hindi ako nang-uuyam.
  • Organized ang pila sa communion. Mauuna ang unang row, pangalawa ang second row and so on and so forth. Akala ko noong una, hindi magcocommunion ang nasa harap ko. Ang ginawa ko, pumila agad ako. Lately ko na narealized. Sorry naman. hehe…
  • Mas maliit ang hostya. Pero parehas lang ang lasa.
  • Medyo closed-knit community sila dito. Napansin ko sya lalo na nung “peace to you” part. Tapos, may bake sale pa sila pagtapos ng misa. Agad na akong umalis after ng misa bago pa nila kausapin. Hiya me much.
  • Magaan na ang pakiramdam ko habang naglalakad pauwi kahit na napakalamig kanina. The last song playing in my mind. Oh yeah.

Stolen shot ng kasama ko nung nasa isang simbahan kami sa India last August. Hindi ako tulog nyan ha. 😀 

Amen.

Advertisements

Posted on February 7, 2012, in funny experiences, spur of the moment. Bookmark the permalink. 24 Comments.

  1. ayus tol .. ipagpatuloy mo lang yan

    sa susunod alam mo na ang ggwin pag communion wag kang excited ..hehhe 😀

  2. ako hanggang ngayon di ko pa makita kita ang simbahan dito..kaya naman wala munang simba simba!

    ganyan din ako..simbahan ang unang hinahanap..bago ang mga pasyalan,hihihi! sa hamburg din..after ng misa eh may tea drinking session pa sila…mga cakes din at tinapay at kung ano ano pang pagkaing pinoy!!

    • ay oo. sa simbahan usually nagkikita kita ang mga pinoy. kaso dito, ako lang ang pinoy sa simbahan. puro mga kano ang andun. konti lang kasi ang mga pinoy dito. kung meron man, baka sa ibang simbahan sila nagsisimba.

      baka nga wala o bihira ang (catholic or christian na) simbahan dahil nga sa islam ang major religion jan.

  3. Sus kakunti naman ng pictures! Nung nandyan ako sa US hindi ako nag simba ng six months LOL

    • sige magpost ako minsan ng mga pics. ung pic na nasa taas, sa india pa yan. haha! konti lang kasi mapasyalan dito sa minnesota. parang probinsya lang. kelan ka pala pupunta dito pre?

      • Nag punta din ako dyan sa Minnesota, dun ako nag stay sa malapit sa Mall of America. Pag nagpunta ko dyan pwede bako makitulog sa appartment mo. Wag ka mag alala mamasahihin kita ahahhahaha

        • ah sa Bloomington yun di ba? lang kwenta yung MOA nila noh? mas okay pa din ang mga malls natin jan. hehe…

          walang problema pre. sabihan mo lang ako pag andito ka.

  4. hayskul ata ang pinakahuli kong apak sa crib ni papa J. after nun, sariling diskarte na lang ako ng pakikipag-usap sa Kaniya. hindi naman ako atheist o agnostic. marami lang talagang kung anu-anong dogma shit ang hindi ko nagugustuhan sa relihiyong kinamulatan ko. pero ang mahalaga, importanteng may paniniwala. ‘yun naman talaga ang puno’t dulong punto ng lahat.

    nasabi ko na bang para kang school boy sa litrato mo? with matching backpack pa o. at hindi ako nang-uuyam. lisp.

    p.s. salamat sa fyi tungkol sa iran-ium shit. pero gusto ko pa ring mag-dubai kung saka-sakali. :p

    • tama ka sa sinabi mo. ang religion ay personal na relationship with God whatever His name is.

      kailangang may backpack pag mamamasyal sa dayuhang lugar para may lalagyan ng passport, IDs, pera, camera, pagkain at inumin. hehehe…

    • have you thought of trying in Singapore pre? in terms of salary, mas okay ang SG. dahil malapit lang, pwede ka pang umuwi every month kung gusto mo. safe pa ang lugar. na-assigned ako dun dati for seven weeks and i fell in love with the city. suggesstion lang naman. 😀

  5. kaya nga minsan, napapatunayan talaga ng bawat isa, tulad mo, na iba talaga sa Pilipinas aT iba ang mga Pilipino
    Tama?

  6. Buti ka nakukuha mong umidlip pag hindi mo gusto yung nagsasalita haha. Ako minsan naduduling na pero pinipigil ko kasi malakas akong humilik eh…

    • sakit ko na ata yun kasi napapaidlip talaga ako kahit anong pigil ko. madalas na akong pinapahamak neto lalo na pag may meeting sa trabaho. lalo na ngayon at nasa client site ako. kahiya much. buti na lang, di pa nila pinapauwi. hehehe….

      pre, kuha ka ng sleep study.

  7. …ally nakapagsimba ka rin (sorry na-atat mapindot)

  8. parang kailangan ko na ring mag simba… isang beses pa lang ako nakapagsimba dito.. nung dec 24 pa… salamat sa pag-share pre…

  9. pareho ng system ng communion sa simbahan sa min ah. pero dito, lagi pa rin pinapaalala ang pagpila na maguumpisa yung sa first row, hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: