Corruption 101: Foreign/Dollar Deposit

Occurred: Feb 10, 2012
Written: Feb 10, 2012

Kung ikaw ay isang drug lord, smuggler, kidnapper, corrupt na politician/judge/public servant, magnanakaw etc., saan magandang itago ang iyong mga nakulimbat?

Madali lang yan. Gawa ka ng foreign currency (e.g. dollar) account sa kahit anong bangko. Anjan ang Republic Act No. 6426 (specifically section 8) na iyong kakampi. But wait, there’s more! Kakampi mo rin ang mimong supreme court dahil hindi sila papayag na mabuksan ang iyong bank account kasehodang mga senador na inihalal ng taumbayan ang mag-utos na mabuksan ito.

Nice job sa ating mga “experts” sa batas.

Advertisements

Posted on February 14, 2012, in corruption 101, current events, kalokohan, money matters, politics, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 15 Comments.

  1. natawa ako dun sa but wait theres more…

    parang promo lang XD

  2. akala ko i-eexplain mo ‘yung foreign currency deposits act of the philippines, pre. excited pa naman ako. haha!

    hindi ko maintindihan kung ba’t pumayag si corona na bulatlatin ‘yung peso bank accounts niya sa ps bank tapos biglang ayaw sa dollar accounts. kasi lalabas ang itinatagong baho? eh dun pa lang sa peso accounts, obyus na ngang nag-understate ng saln. sus!

    request pre: impeachment process discussion. ganitong mga informative shits ang gustung-gusto kong basahin sa crib mo eh. hehe.

    • nung una, ayaw pumayag na defense na pabuksan yung bank accounts dahil taliwas daw sa bank secrecy law. maliwanag naman sa batas na may exception yun lalo na kung under investigation of graft cases ang may-ari ng accounts. so nung pina-subpeona ng impeachment court ang bank account, wala silang nagawa sa peso account.

      sa dollar account naman, nakahanap uli sila ng kakampi gawa ng foreign dollar account law (RA 6426). sinasabi ng defense na walang kapangyarihan ang korte para buksan ang dollar (or foreign currency) account ng walang pahintulot ng may-ari. syempre di rin papayag si corona. ngayon, ayaw lang aminin ng defense na this law is not absolute. sabi nga ng dissenting opinions nila justices carpio at sereno, kung walang kapangyarihan ang korte na buksan ang ganyang account, e di lahat ng drug lord, smuggler, kidnapper, corrupt na politician/judge/public servant, magnanakaw etc., ay magbubukas na ng foreign account para maitago ang kanilang nakulimbat.

      dun naman sa TRO ng supreme court, maiinis ka talaga kung bakit sila nag-issue ng TRO. mahahalata mo talagang gusto nilang pagtakpan si cj corona. eto ang nagsusumigaw na dahilan: may exception nang desisiyon noon sa batas na to. iniutos ng korte na buksan ang bank account ng isang foreigner para mabayaran niya ang babaeng kanyang ni-rape. tingin ko, ang ginawa ng supreme court ay isang panggagahasa sa talino ng taumbayan. sabi nga ni conrado de quiros: “Exceptional circumstances demand circumstantial exceptions” (http://opinion.inquirer.net/22957/truth-and-consequence).

      ayan, dito ko na naexplain. haha! biglaan lang yung post ko sa taas dahil nasa office ako noon. tingin ko medyo hilaw pang magbigay ng opinion dahil marami pang pwedeng mangyari sa impeachment proceedings. medyo kumplikado siya dahil walang precedent na pwedeng pagbatayan ng mga crucial decisions.

  3. ah binigyan mo ako ng idea…ahahahaha!!

    • haha! no need to worry naman. hindi naman tayo pulitiko or wala naman tayong mga kaso kaya walang dahilan ang korte para pabuksan KAHIT ang ordinaryong bank accounts natin. 😀

  4. ok..di ko na binasa ung link ng republic act..ahahahha….

  5. ikaw talaga napaka-judgemental mo. hehehe

    wawa naman ang common juan, ni simpleng savings account. wala. hohoho!

  6. baka mas malaki interes ng pera kapag nasa dollar acct. hehe! nice move politicians! secured na ang kinabukasan ng mga kaapu-apuhan nyo.

  7. hindi ko lang alam kung bakit balentayms day eh ito ang pinuputok ng butse mo apollo 😀

  8. ibig sabihin lang, it’s the system, not the people. Same same lang, paikot ikot, kahit may maparusahan, mauulit lang kasi same system. cha cha cha! lols

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: