The Night I Almost Died

Occurred: College Days
Written: Feb 15, 2012

Recto. Naglalakad kami ng barkada ko papunta sa Sampaloc ng hapon na yun. Matutulog kasi kami sa apartment ng isa pa naming barkada dahil sabay sabay kaming mag-aapply ng NBI clearance kinabukasan. Nasa tapat kami ng Isettan Recto nung may biglang humablot sa sumbrero ko. Paglingon ko, tumatakbo na ang bata. Huminto siya nung malayo na siya at nang-uuyam na winawagayway ang aking sumbrero. Noong una, nagulat ako pero napalitan agad ng galit at gigil.

A little background: Yung sumbrero ko ay kagaya nung baseball cap na sinusuot ni Fred Durst ng Limp Bizkit noong sikat pa sila. Kung saan saan pa ako nakarating para lang mahanap at mabili yun. 900 pesos! Ang ipinagpuputok ng butse ko ng higit sa lahat ay sa dahilang regalo yun sa akin ng manliligaw isang babaeng nagtatrabaho sa ibang bansa. Ayaw kong isipin ng nagbigay na hindi ko pinahalagahan ang regalo niya.

Inisip ko ang sitwasyon ko noon, malabong mahahabol ko ang bata dahil malayo na siya. Tinandaan ko na lang ang mukha niya. Napagkasunduan namin ng barkada ko na babalikan namin siya. Pagdating sa Sampaloc, nalaman ng iba kong barkada ang nangyari at nakisama din silang babalikan nga namin ang walanghiyang isnatcher na yun.

Isa pang background: Nung panahong iyon ay mahilig kaming mag-gym. Lahat sila ay may malalaking katawan. Ako? Sabihin na lang natin na medyo nagkalaman naman ako noon. Hehe… Dahil siguro atat ang mga kabarkada kong masubukan ang kanilang mga maskels kung kaya matatapang sila noon. Or so I thought.

Apat na kaming bumalik sa Recto ng hatinggabi. Malayo pa lang, natanaw ko na ang batang isnatcher. Suot nya ang sumbrero ko. Dahil siguro sa gigil at galit kung kaya umiral ang pagkatanga ko. Agad kong hinabol ang bata na agad naman akong napansin at nakatakbo. Tumakbo siya sa eskinita sa likod nung mga nagtitinda ng frames, pekeng diploma, drugs, etc. Ako namang si engot, sinundan ko pa rin siya doon. Malayo pa lang nung nakita kong tumakbo yung bata at nagsumbong sa mga nakatambay na lalaki dun. Nakita ko ring nagdamputan sila ng mga kahoy na pamalo. Fuck! Automatic na akong tumakbo pabalik. Noon ko lang din napansin na hindi sumama sa akin ang aking mga matatapang na kabarkada. Paglabas ko sa Recto nakita ko silang nakatayo lang at hinihintay ako. Malayo pa lang ako, sumigaw na ako sa kanila ng “takboooo!”. Napatawa pa ako dahil hindi na ako nagdalawang salita. Mabilis agad silang nagtakbuhan. Una ko pang naisip ang kaligtasan nila kesa sa akin. Tumatakbo ang tatlo kong kasama. Sampung metro sa likod nila ay nakasunod ako at sa likod ko naman ang mahigit sampung kalalakihang  mga patapon ang buhay.

Alam ko mabilis akong tumakbo dahil maliksi na ako dati pa. Ang problema ay nakaleather sandals ako nung time na yun. At dahil sa buwakanang-inang sandals na yun, nadapa ako. Tandang tanda ko pa ate charo nung abutan ako ng mga putang-inang yun. Nakahiga ako sa bangketa habang samut sari ang aking natatanggap – sipa, suntok, dos por dos, etc. Nung time na yun, tanggap ko na mamamatay na ako. Ganunpaman, sumisipa pa rin ako. Nakaprotekta ang mga kamay ko sa aking ulo. Naisip ko din na kung mamamatay ako, magsasama ako. Nagpaplano akong humablot ng isang leeg at ubod lakas kong jojombagin ang adam’s apple niya. And then, isang milagro.

Nakita ko ang tatlo kong kaibigan (oo, kaibigan na at hindi kabarkada. lols!) na sumugod pabalik upang saklolohan ako. Dahil wala silang armas, nakita kong nanira sila ng mga gamit sa mga pwesto ng nagtitinda ng gamit na libro. Yung isa, binasag nya ung plastic na upuan na nakakadena. Yung isa, binaklas ung kahoy mula sa isang box. Nagtakbuhan pabalik ang mga gumugulpi sa akin. Agad naman akong nakatayo at nicheck ang aking katawan kung may butas na. Wala pa naman kaya kaya pang lumaban. Nakakatawang isipin na apat kaming humabol sa higit sampu sa kanila. Iniwan ko na rin ang pistingyawang sandals ko at nagyapak na lang ako. Biglang bigla, sumugod na naman sila pabalik sa amin. Tapos napansin namin yung nauuna sa kanila: may.dalang.baril. Sigurado kaming lahat na talagang pinaputok nya ung baril niya kaso hindi pumutok. Jammed! Huminto pa kasi siya at tinampal tampal ang kaniyang baril. Tapos nung medyo okay na, itinutok nya uli sa amin.

Hindi ko na maalala kung sino ang sumigaw ng “bariiiiil!!!” dahil nagtakbuhan na kami agad. Kahit nakayapak ako, ambilis ko pa ring tumakbo. Ikaw ba naman ang makipagpatintero sa bala. Nakarating kami sa Morayta nung mapansin naming wala ng humahabol sa amin. Maliwanag kasi yung lugar na yun. Lahat kami, shocked at pagod. Swerte kami dahil hindi kami na-“it” ng bala. Doon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko. Maliban sa konting pilay sa paa at napunit na damit ay wala namang grabeng nangyari sa akin. Kung naalala mo pa rin ang pahamak kong sandals, tseeeeh!

Sabihin nyo sa akin kung makakatakbo kayo ng mabilis pag ganitong sandals ang suot nyo: 

Muntik na akong damputing bangkay sa lugar na to. Lols! 

Kinabukasan, tuloy pa rin kami sa pag-apply ng NBI clearance at parang walang anumang pinagtatawanan ang nangyari sa amin. Bumili na lang ulit ako ng 900 petots worth ng parehas na sumbrero. What an adventure!

Advertisements

Posted on February 18, 2012, in funny experiences, kalokohan. Bookmark the permalink. 37 Comments.

  1. Ok sa adventure ah!

    Minsan hindi na katapangan ang mga nagagawa ng tao. Kaengotan na kadalasan kaya nadidisgrasya. Pero pag nalampasan nkakatawang balik-balikan.

  2. huwaw para akong nanood ng pelikula..kakapigil hininga!! katakot dyan sa lugar na yan..dyan kasi dati yung school ko..sa PMI Sta. Cruz ahahahaha

  3. buti na lang aat tumulong ang mga “kaibigan” mo..

    kundi hindi ka titigilan nun hanggat di ka kinukumbulsyon.

    haha..

    ok yan memorable at maraming matutunan gaya ng wag magsuot ng sandals pag alam mong makikipag takbuhan este bakbakan ka. 🙂

  4. nakatatakot naman na adventure iyan…
    kung ako marahil ang sa posisyon mo…naku….dedbol na
    hahaha

  5. nakakatawa to, bumili ka rin ba ulit nung sandals? haha

  6. hilig mo talaga sa action adventure, ano?! hehehe

    pero at least naka-survive ka naman with your friends. ingat na lang talaga sa mga ganyang lugar. pero aminin, masaya din sumabak sa mga ganyang lugar. aruhhh

    naalala ko na naman na nahablutan ako ng hikaw sa morayta nung birthday namin ni Piolo. kawawang bata, hindi marunong tumingin ng peke. pero sayang din yun a, ilang libag din nagpatibay dun. wahahah!

  7. anliwanang ng pagkakawento mo ng mga eksena, parang nanood lang ako ng bakbakang pinoy hahaha .. buti binalikan ka talaga ng mga kaibigan mo no? (hindi barkada huh)..kundi ala kaming binabasang blog ng salbahe ngayon hehe… hiningal ako sa takbuhan ading!.tc!

  8. Nakakainis ang mga batang ganoon. Hindi pa naman ako na-i-snatch-an. Pag nagkataon, mag-ra-rant na lang ako sa twitter kesa habulin sila. Pero may batang humarang sa akin dati at hindi ako tinigilan hangga’t di ko binibigay ang sundae kong wala pang bawas.
    Sa inis ko tinapon ko sa kalye para di rin niya mapakinbangan. LOL

  9. hindi ko alam kung ano ang moral lesson bakit may ganitong experiences tayo sa buhay. buti na lang buhay ka pa. ewan ko lang sa pagbanggit ng pag ggym mo at liksi mo dati ah, sexy ka ba pare? nyahaha

  10. Akalain mo yun, naabot agad nung bata sumbreyroo mo. Haha.
    ***
    “Tandang tanda ko pa ate charo…” POTA, nautot na ko dito!
    ***
    Haaay…namiss ko naman bigla ang Morayta. Moo, Tamaraws, Mooooooo!

    (Bulleted ang comment? Haha)

  11. pandakekok nga ako kaya naabot ng bata. tseeeh! lols!

    nautot ka? i feel sorry sa katabi mo.. tsk.. tsk.. 😛

    sa FEU ka pala. gusto ko ang FEU basbetball team nung panahon ni arwind santos.

  12. Galing!!! Ito yung mga kwentong matatawa ka pag na alala mo kahit muntik ka ng mamatay.. hahaha BANGIS!!

  13. Wow!!! Naimagine ko nangyari kse familiar ako sa mga lugar na yun…. At nakkita nako ng inuupakan sa kalye… Huhuhu.. Omg… Good laugh now, pero back then, im sure… Nasa WTF-state-of-mind ka…..

  14. maswerte ka at hindi ice pick at balisong ang dala ng mga lokong yun.. so matanong ko lang.. yun bang manliligaw mo.. este yung kaibigan mong nagregalo sa iyo eh nalaman ang storya na yan? at salamat sa iyo, hindi ako bibili ng ganyang klase ng sandals…

    • nalaman niya noon pero di naman nagalit. sumbrero lang naman daw yun, madaling palitan. di kagaya ko, di pwedeng palitan. lolsjooke. ay oo nga pala, jan din siya sa japan nagwork noon. hihi..

  15. kasi naman nagpadala agad sa galit at nanghabol agad ng bata. haha! kung ako yan sneaky sneaky hanggang makalapit sa bata at hablutin din ang sumbrero. kagaya ng ginawa nya sayo. eh di malinis ang resbak.

    o kaya nagsama ka ng pulis at hindi mga kaibigan. hehe! kakatakot nga yan buti hindi ka nagripuhan o nabaril. para lang sa sumbrero. haha! dami rin ako ganyang experience sa may PUP. dami rin snatcher dun eh. yung kaklase ko nga na 6 footer nahablutan ng jacket at yung cap na sinasabi mo. haha! uso talaga yung ganung cap dati ni fred durst eh

  16. Hehehe, ako man ganyan nung highschool. naglalabas ako ng kahit anong matalim na dala ko pag may sira ulo na nagpainit ng ulo ko (bastos, snatcher, mandurukot, etc) at tingin ko e kaya ko naman labanan. pero ngayon? bahala na sila, hahahaha.

  17. hehehe! may mga sarili akong bersyon ng katangahan (hindi katapangan) na pag naaalala ko e nagagawa kong ipagyabang sa iba! pero malamang lamang may kinalagyan sana ang mga kayabangan ko nun.. hehe!

  18. Ibang klase tlga dyan s recto, kya ko nbasa ang kwento mo e dahil isa rin ako s biktima nun sinasabi mo n magnanakaw n bata, ang cap ko naman ay pangalawang beses n hinablot, nun pangalawang beses e nakuha n , s jeep kasi pag magbabayad k e dun sila nakatyempo, d n sya bata ngaun kasi height lang nya may diprenxa magnanakaw p din sya ag malamang for life n sya na ganun, nanghinayang man ako e wala n ako mgawa, pero khit papano sana s mga mkabasa nito d mag ingat sila lalo n s lugar n yan, mas mhalaga ang buhay ng mga matinong tao kaysa mga patapon n ang buhay, kwawa nman un taong yon kasi un ang kinabubuhay nila kya hanggang s kinahulihuling generation ng pmilya nila e mamanahin ang ganun gawain,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: