i’m a little alien, i’m an englishman in new york! – update II

Occurred: Feb 16, 2012
Written: Feb 16, 2012

May pizza party kami last week dito sa office. Dangan kasi’y kami ang nanalo sa aming paligsahan. Eto ang nauna at pangalawang kuwento ko tungkol dito. Andami naming pizza. Higit sampung malalaking pizza boxes yung nakita ko kanina sa lamesa. May mga soda rin. At eto pa: na-sweep din namin ang individual awards. May nanalo ng kindle fire, kindle touch, $25 amazon gift cards, etc. Ako? Sinadya kong liitan ang rating ko para di ako mapansin. Ayaw ko sa limelight.

Eto ang tanong ko ngayon: ipagpapatuloy pa ba nila ang aming mga nasimulan? Case in point: etong kateam kong anap, masyado syang active noon. Bumilib ako sa kanya kasi andami nyang mga rekomendasyon. Pero nung minsang kausap ko sya sa pantry namin. Uminom sya ng tubig gamit ang styrofoam cup. Pagtapos nyang uminom, tinapon din agad ang basong iyon. Disappointed me much. Akala ko, “he walk his talk”. Matagal ko ng iniiwasang gumamit ng styrofoam kaya water bottle ang gamit ko. Noong wala pa akong water bottle, kumukuha ako ng cover nung styrofoam cup para magamit ko sya ng isang linggo. Reuse. Sayang pag itapon agad.

Oo nga pala, yung nanalo ng kindle fire ang nagprint at nagkalat ng mga signage sa aming opisina. Colored pa ang iba. Naalala nyo ung reaction ni Roy sa naunang post ko? Nagtawanan kami ng bongga nung kinuwento ko sa kanya na nanalo ang taong yun. (Within company lang ung activity na yun at client kasi namin si Roy) Ironic daw. Lols!

Sana naman ipagpatuloy ng mga kasama ko ang nasimulan namin. Hindi dahil may papremyong kapalit. Kundi dahil responsibilidad ng lahat ang pangalagaan ang ating kalikasan. Hindi na nila kailangang malaman na lifetime advocacy ko ang pagiging environmentalist. May paligsahan o wala, walang magbabago sa aking adhikain. Naks!

Mabuhay!

Advertisements

Posted on February 24, 2012, in i'm green-minded, spur of the moment, trabaho. Bookmark the permalink. 14 Comments.

  1. napangiti naman ako dun.. suportanta ka sa iyong adhikain 🙂

  2. apollo for president! woohooo! 😀

  3. ipagpatuloy ang magandang adhikain na yan! mabuhay! maganda ba yung kindle?

    • salamat pre. hindi ko nakita ung kindle kasi nagbakasyon sa india yung nanalong kateam ko. according sa mga reviews, mabagal daw sya compared sa ibang tablets eh…

  4. ikaw na ang natatanging awardee for reduce, reuse, recycle, pre! pero parang napakalaking kabalintunaan nga ‘yung pagkarami-rami niyong inaksayang papel (24 trees = 1 ton of standard-sized writing paper) para lang maimulat ang lahat sa pagco-conserve ng resources. sana it’s the thought that counts na lang. XD

  5. mabuhay ka…kasama mo ako sa iyong adhikain!! re-use condom!!!

  6. So ganyan na?? maya maya hindi ka na ma reach kasi awardee ka na ng Time Magazine people of the year..hahhahhaa
    Kasama mo ko sa adhikain mo….kaya nga hindi na ako nagsusuot ng brief para naman conserve din sa cotton..lol

  7. Nice mehn…. earth savior ka in your own little ways… 🙂

  8. marahil mayaman…tinapon na lang eh…sana pinulot mo at sinabi sa kanyang…
    I’m dissapointed..Kuha mo? hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: