…aside from the fact na naliligo kami araw araw

Occurred: Nov 2008
Written: Feb 23, 2012

Hinahanap ako kanina nung kateam ko. Nagbiro yung anap na katabi ko at sinabing mahirap daw akong hanapin dahil maliit at mukhang bata nga ako. Nakitawa na lang ako kasi di naman ako pikon. %$@&*^ talaga, di ako pikon. Okay lang yun dahil likas naman sa ating mga Asians na mas bata ang itsura kumpara sa edad natin. Ang mga caucasians kasi, medyo mature ang itsura nila. Sa Pinas na nga lang, mukha na akong bata, dito pa kaya? Ahem!

Naalala ko iyong karanasan ko noong unang punta ko dito sa US. Sa california ako noon pinadala for training. Apat kaming pinoy noon.

Nagkukuwentuhan kami ng mga clients namin isang hapon nung mapunta sa edad ang usapan. Mukha nga daw kasi kaming mga bata. Hehe… Isa isa kaming tinanong. Ngayon may isa kaming client na napakatangkad. Seven footer ata. Seryoso. Australian siya. Nung sinabi ko yung edad ko, nagwalk out siya at hindi na bumalik. Akala namin, nagbibiro lang siya. Yun pala napikon at akala niya, ako ang nagbibiro o nagsisinungaling. Hindi niya siguro natanggap. Di hamak kasing mas bata siya sa amin pero mukha na siyang matanda. Mula noon di na ako dumaan sa cube niya, baka kasi bigla niya akong tapakan sa inis niya. Lols!

Advertisements

Posted on February 28, 2012, in funny experiences, trabaho. Bookmark the permalink. 24 Comments.

  1. hhahaha .. eh di ikaw na ang baby face :p

  2. pag nanunuod dito ng american idol at napapadaan ako napapatanga ako kasi muka ngang may anak na yung kumakanta tapos di hamak na mas bata sakin. kakaiba talaga! buti hindi ka na dumadaan sa higante na yan baka sa sobrang bitter tirisin ka! 😆

  3. oo nga.. mas mukha talagang batang tignan ang pinoy kumbaga sa mga puti.. dito rin sa japan, mukhang matanda pero bata pa pala sila…

  4. ilang beses na akong nahingan ng ID sa mga resto everytime na oorder ako ng wine..ahahaha!! at isang beses nong bumili ako ng yosi!!!

    apir!! tayo na ang bebe fez!!

  5. walk out king si koyah…LOL

    sana inasar mo pa..\m/

  6. nakakapikon na pala ang edad ngayon wahahah! baka naman nagbi-baby talk ka nung kausap mo si Australian.

    pero sorry ganun talaga, sila na ang pinagpala sa tangkad at tayo ang baby face. alin kaya ang mas advantageous dun? hohohoho.

  7. Kahapon sinisitsitan ko yung opismate kong matangkad, hindi niya ko mahagilap sa crowd dahil manipis daw ako.

    So, di ka nag-iisa (sa pagka-babyface).

  8. hahaha! di nya kinaya ang “kasinungalingan” mo e no?

    an_indecent_mind po, virgin (dito).. napadaan at nakikisawsaw lemeng! 😛

  9. ganun talaga pre pag babyface. marami ang naiinis at naiinggit sa kagwapuhan natin.

    natin talaga eh no? lol!

    idagdag mo pa ‘yung maaga tayong nagbabanat ng buto kumpara sa kanila. tayo dito sa pinas, 20 pa lang, graduate na tas kelangan nang maghanap ng trabaho. eh diyan, college pa lang ata sila.

    • oo nga. nagugulat sila pag nalamang maaga tayong nagtrabaho. ilang taon lang kasi ang education natin kumpara sa kanila. mababago na din siya dahil may k12 na tayo.

  10. Noong isang araw dahil walang magawa, nakarating din sa edad ang usapan namin ng client..eh mas matanda pa pala ako sa kanila…hahahaaha…
    yung australian…palaruin mo ng larong pinoy…nakalimutan ko ang pangalan eh..yung aakyat ka sa kwayan na may sebo…ahahaha..gawin mo siyang kawayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: