Monthly Archives: March 2012

Hunger Games

Occurred and written: Mar 24, 2012

Nanood kami ng Hunger Games kanina sa MOA (mall of america). Ang ganda! Nakuha niya ang interes ko. Baka meron po kayong ebook ng series? 😀

parang sa maling poster ako nagpose ah... lols!

Nakita ko agad ang poster na yan pagdating namin sa sinehan. Tapos buong kaseryosohan akong nagtanong sa officemate ko ng, “yan ba ung hunger games na papanoorin natin?”. Sarap lang makita ang reaction nila.

Advertisements

… at gravity pa pala

Occurring until you die
Written: Mar 22, 2012

“but in the world nothing can be said to be certain except death and taxes”
-Benjamin Franklin

Sa wakas naayos na ng kapatid ko ang aking 2011 income tax return sa Pinas. Anlaki ng binayaran kong buwis para sa nakaraang taon. Dahil Sept ako nalipat dito sa US, tax resident ako sa Pinas at under ako sa tinatawag nilang double taxation. Read the rest of this entry

Tanjong Pagar Adventure continues…

Occurred: Feb – Mar 2009
Written: Mar 2012

Ang naunang kuwento ko ay tungkol sa ating mga kawawang kababayan. Eto naman ang iba pang mga nangyari.

Madalas ding may iba kaming kasama dun sa Tanjong Pagar. Nakasama namin minsan yung bumbay na kateam ni Derek. Manyakis ang hinayupak! Kakaupo pa lang namin, nakalingkis na agad siya. Kung saan saan nakakarating ang mga kamay niya. Yung GRO naiinis na. Nagtatagalog na kami para lang huwag mahalata ng bumbay na bwisit na kami sa kanya. Okay namang siyang kasama at walang siyang atraso sa amin pero nung time na yun, parang gusto naming gulpihin ang tarantado.

Read the rest of this entry

Tanjong Pagar Adventure

Occurred: Feb – Mar 2009
Written: Mar 2012

Matagal ko ng nakuwento dito yung Geylang adventure namin sa Singapore. Di ba, nasabi kong walang mga Pinay doon? Well, may sarili silang teritoryo. Welcome to Tanjong Pagar kids!

Napakahospitable ng aking kaibigang si Derek nung nagpunta ako sa Sg. Dinala nya ako hindi lang sa magagandang lugar kundi pati sa mga dark little secrets ng city-state. Para sa akin, sa mga ganitong lugar mas madaling maintindihan ang kultura ng lahat ng bansa. Kumbaga, parang Quiapo at Recto natin. Walang pretentions. Totoong buhay, ika nga.

Read the rest of this entry

Weekend Gala sa Minnesnowta

Occurred: Mar 3, 2012
Written: Mar 4, 2012

1250 – 1450:
Last week, nagkaroon dito ng snow storm. Sakto ring may mga officemates (officemates kami sa Pinas pero iba iba ang clients namin dito sa US) kami from Chicago na mamamasyal dito so nagkayayaang magsnow tubing. Basically, snow slide sya habang nakasakay sa snow tube. Ang snow tube namin is inflated interior ng gulong na dinamitan ng protective cloth para pwedeng maupo sa gitna. Medyo mataas at higit 100 meters ang layo ng sliding area. Masaya siya. $16 ang bayad tapos good for two hours.

Read the rest of this entry