Weekend Gala sa Minnesnowta

Occurred: Mar 3, 2012
Written: Mar 4, 2012

1250 – 1450:
Last week, nagkaroon dito ng snow storm. Sakto ring may mga officemates (officemates kami sa Pinas pero iba iba ang clients namin dito sa US) kami from Chicago na mamamasyal dito so nagkayayaang magsnow tubing. Basically, snow slide sya habang nakasakay sa snow tube. Ang snow tube namin is inflated interior ng gulong na dinamitan ng protective cloth para pwedeng maupo sa gitna. Medyo mataas at higit 100 meters ang layo ng sliding area. Masaya siya. $16 ang bayad tapos good for two hours.

  • 1st try: Medyo nanginginig pa ako. First time eh. Nakaupo lang ako sa snow tubing. Mahigpit pa ang kapit ko sa hawakan.
  • 2nd try: Medyo okay na. Nakaupo pa rin ako pero hindi na kailangang kumapit kaya nakapagvideo ako. Yey!
  • 3rd try: Naiinggit ako sa mga batang nagdadive pababa. Hawak nila ang snow tube, tapos biglang magdadive. Mauunang babagsak ang snow tube at nakadapa silang magslide pababa. Ang ginawa ko, dumapa na ako sa snow tube tapos nagpatulak na lang ako sa kasama ko. Lols! Ang sarap. Feeling ko, lumilipad ako. Di na ako humawak. Talsik kung talsik! Hehe! Dahil nakadapa ako, natatalsikan pa ang mukha ko ng maliliit na yelo/snow.
  • 4th try: Nagawa ko na ring magdive pababa. Upo, dapa tas isinipa ko ang paa ko sa yelo and off I went! Wuhooo!

Too bad, hindi na kami nakapagtagal dun dahil kailangan na naming mananghalian. Ang iba pa naming kasama ay medyo nanginginig na rin sa lamig kaya umayaw na sila. Kung ako lang, gusto ko sanang magstay dun ng maghapon. Hindi ko na nasubukang magski at snowboard kasi gahol na sa oras. Isa pa, di ako marunong at kailangan ko pang magtraining para dito.

1500-1630:
Buffet lunch at Old Country Buffet. Lugi talaga ako sa mga buffet na yan dahil maliit ang tiyan ko kakaunti lang nakakain ko. Sinabi ngΒ officemate naming galing sa Chicago na gusto daw niyang mapuntahan ang “snowpy” sa St. Paul. Since hindi pa ako nakapunta doon, di ko alam kung ano yung “snowpy” na yun. Nung nagtanong ako sa kasama kong matagal na dito, hindi rin niya alam. Nacurious tuloy kami. Tapos pinakita niya yung pictures sa kanyang iphone4s. Muntik na akong tumambling napatawa ng malakas. Snoopy pala! Bwahaha! Pero syempre di ko pinahalata kasi baka snowpy naman talaga. Nung nasa kotse na namin kami, saka ko ni-explain sa mga kasama ko ang nangyari. Sarap lang ng tawanan namin. Pasensya na ha pero ano po ba talaga ang basa dun? Baka naman kasi ako pala ang mali. πŸ˜€

1630 – 1725:
Nakarating na kami sa St. Paul at aming nakita sina “snowpy”. Ayun, nagpicture-picture kami sa peanuts characters (with snoopy syempre) statues doon. Anak pala ng Minnesota ang author ng world famous na comics kaya tribute nila sa kaniya ang mga statues na yun.

1730 – Onwards:
Ang Mall of America (MOA) ang pinakamalaking mall dito sa US. Dito ang huling stop ng aming pasyal. Di tulad sa naunang dalawa, nakailang balik na rin ako dito. Seryoso, di hamak na mas maganda at malalaki pa rin ang mga mall natin jan sa Pinas. Napabili ako ng bagong sapatos para sa aming weekly basketball. Medyo bantulot pa akong bumili nung una pero dahil sa pambubuyo ng aking mga kasama ay napabili na rin ako. Parang regalo ko na rin ito sa sarili ko. Pagtapos ng dinner namin sa Hooters ay nagkayayaan ng umuwi.

Eto nga pala ang pictures na aking kinuha. Enjoy!

dumampot ako ng snowboard, nagpose at voila! mukha na akong marunong. lols!

fuck! anlamig! πŸ˜€

Advertisements

Posted on March 5, 2012, in kalokohan, lakwatsa, sports. Bookmark the permalink. 25 Comments.

  1. ‘yung totoo? natuwa ako sa paglalagay ng itim na marka sa karakas ng pictures mo para magmuka kang ninja. ang kulit lang eh; lalo na ‘yung may mga smiley.

    sa pagkakakwento mo, muka ngang enjoy ang mag-snow tubing. too bad walang ganiyan sa pinas. 😦

    sa pagkakaalam ko, s-noo-pee rin ang basa dun. baka ibang accent? lol! astig ang kuha sa mga higanteng peanuts characters.

    • apir tayo pre. alam ko rin talaga snoopy yun eh. natawa na naman ako kasi naalala ko ang bigkas ng officemate ko. hahaha!

      di kasi ako marunong magdrawing kaya nagfe-feeling pintor ako gamit ang ms paint. lols! fan din kasi ako ng naruto kaya feeling ninja ako palagi. hehehe…

      masaya nga dun pre! sayang nga at malayo ung ski park (halos 20 miles). kung malapit lang, lagi akong andun. haha!

  2. wow winter wonderland! apollo ang pogi mo ah para kang ninja!

  3. haha naalala ko si aburame shino sa pic mo πŸ˜€

    nainggit ako sa experience..hehehe

    inggitero tlga ako amp :p

  4. nice! ang saya naman.. talagang snowpy ha… at talagang para kang ninja.. ehehehehe panalo pre!

  5. ang cute ng mga istatwang kasama mo parang malalaking chocolate na hinulma. hohoho! hehehe so now medyo may idea na ako kung paano ang tubing, mukhang masaya naman. masaya ka e, hahaha

    mabuhay sa experience na ‘yan.

  6. wala akong alam na snow sport…ahahaha ako na ang takot at hindi marunong mag balance…ahahahaha

    musta naman si snowpee?!

    • subukan mo ang snow tubing! hindi naman kailangang magbalance kasi nakasakay ka lang sa salbabida. okay naman si snowpee. matigas pa din. lols!

  7. Snow tubing Ninjas.

    …like.

  8. ninja lang wahahaha! gumaganon pa…. yun nag sabi ng snowpy baka kamag anak ni mirriam wha! lols

    enjoy na enjoy ang ninja na naka smile πŸ™‚

  9. ay puta! jordan 2012! anlupeeeett! gusto ko rin nyan! magkano bili mo?

    yun lang talaga napansin ko eh noh? haha! pero sige mukhang enjoy nga yang padulasan na ganyan. haha!

    saka ang ganda nung pagkakagawa ng mga statue. walang sinabi yung mga low budget na sculptures sa marikina.

    • $180 sya dito pre. online ko sya binili kasi walang size na available dun sa nike store. kakarating lang ngayon ng sapatos. okay pre. sulit! haha!

  10. Urong ang bayag! Show the fez!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: