Tanjong Pagar Adventure

Occurred: Feb – Mar 2009
Written: Mar 2012

Matagal ko ng nakuwento dito yung Geylang adventure namin sa Singapore. Di ba, nasabi kong walang mga Pinay doon? Well, may sarili silang teritoryo. Welcome to Tanjong Pagar kids!

Napakahospitable ng aking kaibigang si Derek nung nagpunta ako sa Sg. Dinala nya ako hindi lang sa magagandang lugar kundi pati sa mga dark little secrets ng city-state. Para sa akin, sa mga ganitong lugar mas madaling maintindihan ang kultura ng lahat ng bansa. Kumbaga, parang Quiapo at Recto natin. Walang pretentions. Totoong buhay, ika nga.

Mabalik tayo. Madaming bars sa tanjong pagar. Sa tantiya ko, higit dalawampung bars yung andun. At oo, halos lahat ay puro Pinay ang mga guest relations officer (GRO) na andun. May isang bar doon na dati nang napuntahan ni Derek. As usual, di ko alam ang gagawin ko sa loob ng bar. Ako na talaga ang walang muwang at inosente sa mga ganong lugar. Unang una, hindi ako umiinom kaya madalang pa sa ligo ng bumbay na madalang akong mapasok ako sa mga ganitong lugar. Dagdag pa ang dahilang mukha akong totoy. Baka batukan ako ng bouncer at pauwiin. May dalawang GRO na tumabi sa amin at nakipagkuwentuhan. Nung una dalawa lang sila pero nung malaman na Pinoy kami ay nagsilapitan na rin ang iba para makipagkuwentuhan. Tahimik at kinakabahan lang akong nakikinig sa kanila.

Tanungan portion
Derek: Hulaan ko pangalan mo. Aahm.. <insert random name here>?
GRO: *sanay na sa joke na ganun* Ang galing mo. Yun nga!
Derek: Hehehe.. Ako naman si <insert random name>
GRO: Ikaw anong pangalan mo?
Apollo: Peter (fave ko kasi si Peter Parker)
GRO: Matagal na kayo dito sa SG?
Apollo: Siya lang. Ilang taon na siyang nagwowork dito. Ako naman, pinadala ng company namin. Gusto daw nila ng katahimikan doon kaya ako andito.
GRO: Bakit ka pinadala dito? Anong trabaho nyo?
Apollo: Nabalitaan ko kasi na kakaunti ang nabubuntis na Singaporean dito. Gusto kong makatulong.
Derek: Sa computer ang work namin.
GRO: Ang galing nyo naman.
Derek: Alin? Mambuntis?
Apollo: Actually di ko pa nga alam kung baog ako eh.
Derek at apollo: Nyahaha!
GRO: Huh…?

Syempre bar yun kaya natural lang na alak ang oorderin namin. Na hindi ko naman ginagalaw. Si Derek ang umuubos ng alak ko. Nakakahiya nga eh. Tequila naman ang order ng mga kasama namin. Ang mahal! 10 SGD ung tatlong maliliit na shot glasses. Tingin ko, limang kutsarita lang yun. Sa bawat 10SGD na order ng tequila, may isang ticket ang GRO. Kailangan nilang makatatlong tickets sa isang gabi. Kung hindi sila maka-quota, yari sila sa manager nila. Dahil kababayan ay hindi naman kami sinamantalang pinabili ng madaming tequila.

Malimit ding magreklamo ang napapartner sa akin dahil tahimik lang ako palagi. Ilang beses ding ako ang pinagsasamantalahan. Andiyang kukunin ang kamay ko tapos ihahawak sa katawan niya. Na agad ko namang hinahatak pabalik. Kung minsan nagpapayakap sila. Sabihin nyo ng bading ako pero di ko kaya yung ganun. Kaya lang nila ginagawa yun sa amin para naman daw hindi nakakahiya sa amin at makasulit daw kami. Ganun din si Derek. Friendly talaga siya at harmless din kaya tuwang tuwa sa amin yung mga GRO dahil safe daw sila sa amin. Puro na lang kami biruan at tawanan tuloy.

GRO: Bading ka ba?
Apollo: Ano sa tingin mo?
GRO: Di ka naman mukhang bading eh. Lalake ka.
Apollo: Napeke ba kita? Bading talaga ako. *mukha akong seryoso*
Derek: Naku sinasabi nya lang yan. Di nyo lang alam.
Apollo: Excuse me, alam mo bang fafa ko sya? *sabay turo kay Derek*
Derek at Apollo: Nyahaha!

May time na may nagustuhan si Derek na GRO. Gusto daw niyang kuning modelo para sa kanyang photography na hobby. Dahil dun ay lagi kaming bumibisita doon. Akala nyo, mapipigilan kami kahit regular days? Hinde. After ng work namin, uwi, ligo, bihis at magkikita na kami ni Derek bago pumunta doon. Sigurado ring hatinggabi na rin kaming makakauwi nun. Pagdating ko naman doon sa bar, wala din naman akong ginagawa. Andun lang talaga ako para sumuporta kay Derek para mahikayat nya yung babae na magmodel sa kanya. Madalas din na sagot ni Derek ang lakad namin. Pesos lang ang sahod ko (kumpara sa kanya) noon kaya madalas na hindi niya ako pinapalabas ng pera. Pag ipagpipilitan kong makipagshare sa gastos ay sasabihan nya ako ng masasakit na salita gaya ng, “Sino ang mas malaki ang sahod sa atin!?” O di ba? Ansakit ate charo kaya ayun, hinahayaan ko na lang siya. Lols! Isa pa niyang dahilan ay siya rin ang umiinom nung alak na order ko. Hehehe…

Ilalarawan ko ang mga buhay ng ating mga kawawang kababayan.

  • Ang mga Pinay din ang janitors at waitress sa club nila. Pag walang customer, sila ang nagma-mop at naglilinis.
  • Karamihan sa kanila ay visit (tourist) visa ang gamit. Sa madaling salita, illegal ang pagtatrabaho nila doon. Dahil 30 days lang ang validity date ng visa, lumalabas sila sa Malaysia dahil yun ang pinakamalapit (at mura ang pamasahe) upang magtrabaho ng ilang araw sa ibang bars doon. Tapos, babalik uli sa Sg para magtrabaho uli ng 30 days. Ang galing talaga natin.
  • Karamihan sa kanila ay galing din sa mga bar sa Pinas. Meron ding mga galing sa mga probinsiya.
  • Nakatira sila sa isang apartment ng manager nila. Hindi libre ang pagtira nila doon. Kailangan pa rin nilang mangupahan at magbayad para sa pagkain nila. Nakakulong sila doon dahil hindi sila pinapayagang lumabas. Meron namang ibang pinapayagang makapamasyal pero bihira lang. Dahil siguro nakuha na nila ang tiwala ng mga bantay nila.
  • May iba sa kanila na sinasaktan ng mga bantay nila. May extreme cases din na may nare-rape din daw. Sabi nila yan kaya di ako sure kung totoo.
  • Bago sila makarating sa Sg para maging GRO, baon na agad sila sa utang dahil babayaran nila ang nagrecruit sa kanila. Pagdating nila dito ay babayaran pa rin nila yung club/bar na pinagtratrabahuan nila. Kung hindi sila naka-quota ng tatlong orders ng tequila sa isang gabi ay wala silang sahod para sa gabing yun bukod pa sa ibang parusa gaya ng paglinis ng banyo. Kaya kung minsan, nagtutulungan sila. Yung ibang naka-quota na, binibigay na nila yung sobrang ticket nila sa ibang wala pang nakukuha.

Kung minsan, imbes na tequila ay dinner ang pinapaorder nila sa amin dahil sa gutom na gutom sila. Ang binibili naming dinner minsan ay para sa kanilang lahat. Nakakatuwa kasi pasimpleng nagpupuntahan ang lahat sa lamesa namin para lang sumubo ng pagkain. Pag nakailang subo na ay aalis na at pasimpleng tatawagin naman ang iba. Baka daw kasi mahuli sila at pagmultahin ng boss nila. Magaling din silang maglaro ng habulang gahasa taguan pung. Napatunayan namin nung minsang dumalaw kami doon. May mga pulis at immigration na nag-inspection. Lagi daw may inspection dahil alam ng Singaporean authorities na walang work permit ang karamihan sa kanila. Nakikipagkwentuhan kami sa kanila nung bigla silang nagtakbuhan papunta sa likod. Ambibilis nilang tumakbo. Kung ako man siguro ang nasa katayuan nila, baka lumipad pa ako. Nakakaawa silang tingnan na tumatakbong nakayapak habang hawak nila ang mga high heels nilang sapatos. Lumabas na lang kami sa bar tapos pinuntahan namin sila sa pinagtataguan nila. Dun na lang kami nagkuwentuhan. At para huwag silang malungkot lalo, niyaya na lang namin silang kumain sa labas.

next post ang iba pang mga pangyayari sa Tanjong Pagar…

Advertisements

Posted on March 10, 2012, in funny experiences, kalokohan, lakwatsa, thoughts to ponder, trabaho, world issues. Bookmark the permalink. 20 Comments.

  1. “Nakakaawa silang tingnan na tumatakbong nakayapak habang hawak nila ang mga high heels nilang sapatos.”

    Na-lonely naman ako here. Kawawang sapatos! 😦

    Mapuntahan nga ang lugar na yan!

    • dapat may kasama kang lalaki pag pumunta ka dun ha. friendly ang mga kababayan natin doon. iba nga lang ang ugali ng mga ibang nationals na pumupunta. next post yung iba ko pang kwento. 😀

  2. buti hindi ka hinamamon nung sinabi mong hindi mo nga alam kung baog ka.. hahha

    nalulungkot ako pag nakakarinig ako ng ganyang katotohanan.

    Nga pala idol na kita . kya mong labanan ang tukso at its best pare..hahaha

  3. mind over matter pre. 😀

  4. ang manly ng post. pakiss nga 😆

  5. nakakaawa nga yung situation nila pre. buti na lang sa inyo ni derek sila napunta no, hindi sa iba, hehehe. by the way, yung master ng habulang gahasa na kasamahan natin dati, napunta na ba sa lugar na yan? hehehehehe.

  6. paborito mo rin pala si peter parker! apir tayo jan pre! minsan nga nakakaawa ang mga kababayan natin na ganyan ang trabaho.. kung hindi naman sila gaanong naghirap sa buhay nila, hindi naman nila pipiliin ang trabaho na yan… amm.. kwento pa..

    • oo nga eh. literal na sinusugal nila ang buhay nila sa trabahing iyon. maalala ko pala, di ba dati, madaming japayuki jan? konti na lang daw sila ngayon jan. either nasa hongkong or sg na daw sila.

      di ko pa natatapos ung part 2. hopefully bukas pre. 😀

  7. konti na lang sila.. yung iba rin kasi na medyo “experienced” na ay may asawa ng hapon or retired na at nagbubusiness na lang dito.. may ilan pa ring nasa bars pero hindi na tulad ng dati na napakarami… saka mahal dito ang mag bar… kaya hindi pa ako nakapasok sa mga ganyan..

  8. ang masaklap..naiimagine ko ung scenes na nakikita mo..ahahah… at least naman napapakain nyo sila 🙂

  9. kawawa naman sila. pero sana magkaroon sila ng lakas ng loob at maghanap ng ibang choice. alam naman natin na mahirap talaga ang buhay dito at doon,

    sana lang.

    sa kuwentong ito, may isa lang akong hindi pinaniniwalaan. hehehe

  10. that’s true ^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: