Tanjong Pagar Adventure continues…

Occurred: Feb – Mar 2009
Written: Mar 2012

Ang naunang kuwento ko ay tungkol sa ating mga kawawang kababayan. Eto naman ang iba pang mga nangyari.

Madalas ding may iba kaming kasama dun sa Tanjong Pagar. Nakasama namin minsan yung bumbay na kateam ni Derek. Manyakis ang hinayupak! Kakaupo pa lang namin, nakalingkis na agad siya. Kung saan saan nakakarating ang mga kamay niya. Yung GRO naiinis na. Nagtatagalog na kami para lang huwag mahalata ng bumbay na bwisit na kami sa kanya. Okay namang siyang kasama at walang siyang atraso sa amin pero nung time na yun, parang gusto naming gulpihin ang tarantado.

May isa rin kaming naging kasama na nagkagusto sa isang GRO dun. Nung nakita ko ang babae, muntik na akong matawa. Naisip ko na lasing na siguro ang kasama namin. Ang nagagawa nga naman ng alak. Lucky me! Lols! Binulungan ko siya minsan na isama nya yung babae at dun na sila matulog sa serviced apartment na tinutuluyan ko. Bawal kasi sa apartment nila at kung sa motel naman, gagastos pa siya. Pagdating namin sa apartment ko, gumawa ako ng dahilan para magbanyo. Nagkulong ako ng pagkatagal tagal para hindi makaistorbo. Mga isang oras lang naman akong nagkulong. Paglabas ko, nagulat ako kasi nakaupo lang sila. Di nagtagal, isinakay na namin sa taxi ang babae para makauwi na rin.

Apollo: Anong nangyari? Success?
kasama: Anong success? Walang nangyari! Di ko akalaing ganun pala itsura niya.  Bakit di mo ako sinabihan agad?
Apollo: Bwahaha! Akala ko, gandang ganda ka talaga eh. So hindi ka na lasing ngayon?
kasama: Oo naman! Potek na yan.
Apollo: Oh e anong nangyari? Tagal kong nasa banyo. Andiyang uupo ako sa toilet tapos tatayo. Nagshadow boxing tapos nagpush-up pa ako para hindi mainip. Humiga din ako sa bath tub. Kung nagtagal pa ako sa banyong yun, baka natuklasan ko na ang solusyon sa climate change. Lols!
kasama: Wala nga! Nung natauhan na ako at nakita ko mukha niya, nakipagkuwentuhan na lang ako. Awkwaaaard! Hahaha! Tagal ka nga naming hinintay lumabas. Napaidlip pa nga ata ako eh.
Apollo: Naku di ka kaya inaswang nung nakaidlip ka? Buti na lang talaga di ako umiinom. Hahaha!
kasama: Ulol!

Nakasama din namin si Blue doon. Yun nga lang, hirap siyang makatakas sa kanyang girlfriend. Tapos nung andun na kami, pinagkaguluhan siya ng mga babae. Artistahin nga kasi. Pero hindi rin nagtagal kasi kulang ang budget niyang pambili ng tequila. Panis siya kasi si Derek ang mayaman. Meron din kaming nakasamang dating kateam na medyo may edad na. Siya ang bumangka ng mga patawa. Enjoy na enjoy ang mga kakabayan namin sa kanya.

Ay meron pa pala:
Minsan, sumandal sa akin yung isang GRO tas nagpayakap sa akin. Syempre, tao lang ako na nadadarang at natutukso din lalake lang naman ako. Nagulat siya ng may maramdaman. Bigla nyang dinakma pututoy ko! Nagulat kami pareho. Muntik ko na syang sinampal Yung babae naman, napahinto siya. Napanganga, tumili ng bonggang bongga, tumakbo sa mga kasama niya at ikinalat ang natuklasan niya. Potek! Pakiramdam ko, nawalan ako ng dangal ate charo. Wala na akong maipagmamalaki sa magiging asawa ko. Huhuhu!

Mabuhay!

Advertisements

Posted on March 15, 2012, in funny experiences, kalokohan, lakwatsa, thoughts to ponder, trabaho, world issues. Bookmark the permalink. 19 Comments.

  1. tsss..nagulat pa ung GRO e sya tong nagpapayakap… naman… adik ba un??? hehehe….

  2. haha kunwari pang nagulat si gRO..

    napaka supportive mo plang tropa?

    pwede ka bang maging tropa pare?? hahaha 😀

  3. Teka, wait, so…..anong natuklasan niya? Kyooryez!

  4. siguro, natuklasan niya na malaki. malaki ang sueldo mo at namumutok na sa bulsa mo at wallet. hehehehe

  5. super tawa ako apollo. wala na akong masabing iba pa lalo na sa ending! 😀

  6. Napayakap sabay dakma lang pala sa manoy mo. Walang malisya dun. Normal na normal. Hahaha.

  7. Ehem. Happy birthday sa’yo. Ay mali. Hakhak!

    Sige na, ikaw na naman ang chumichicks dyan. Hakhak! Dami mong alam o. Salbahe talaga o.

  8. hahaha ini-imagine ko raw ang mga pangyayari. kaso hindi ko talaga mawari. hahaha

    naawa daw ako bigla sa GRO. heheehhe

    kung ano man yung ikinatakot niya, hahahaha.

    peace!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: