… at gravity pa pala

Occurring until you die
Written: Mar 22, 2012

“but in the world nothing can be said to be certain except death and taxes”
-Benjamin Franklin

Sa wakas naayos na ng kapatid ko ang aking 2011 income tax return sa Pinas. Anlaki ng binayaran kong buwis para sa nakaraang taon. Dahil Sept ako nalipat dito sa US, tax resident ako sa Pinas at under ako sa tinatawag nilang double taxation.

Ipapaliwanag ko ang kamalasan sitwasyon ko. Mula Sept hanggang Dec ay nagbabayad ako ng buwis dito sa US. Tapos ang matitira ay taxable pa rin sa Pinas. So 1/3 ng sahod ko pambayad sa US tax, 1/3 ay sa Pinas tax naman. Ang natira ay mahahati sa aking kakainin, apartment rental, at kung ano ano pang gastusin. Singgol pa kasi ako kaya nasa 33+% ang tax rate ko.

Halos kalahating milyon ang binayaran kong tax sa Pinas. Buset na yan. Hindi naman ako nagagalit dahil responsibilidad naman talaga nating magbayad ng buwis. Naiinis lang ako dahil maraming mga doktor, abogado at mga businessmen ang nandadaya ng kanilang mga buwis. Bukod pa jan ang mga hinayupak na mga pulitokong nagnanakaw ng pera natin. Meron akong pinsang abogado (kakapasa lang niya sa BAR ngayong marso) ang nagsabi na gawan daw niya ng paraan para bumaba ang babayaran ko. Hindi ko alam kung anong paraan ang sinasabi niya pero hindi ako pumayag. Alangan namang magkamali pa ang SGV sa pagcompute ng tax ko. Ayaw ko ring magnakaw mandaya. Salbahe ako pero nagbabayad ako ng TAMANG buwis.

Higit USD5xxx.xx naman ang buwis na binayaran ko dito sa US. May karapatan na akong sumali sa occupy movement nila dito. Gusto ko rin kasing magsuot ng Guy Fawkes mask. Haha!

Pag-uwi ko naman sa Pinas, aangkinin ko ang isang poste ng traffic light sa kahabaan ng EDSA. Lols!

Di bale, US tax resident na ako ngayong taon kaya hindi na ako magbabayad ng buwis jan sa Pinas (yan ay kung magtatagal ako dito). Makakabawi na ako sa pag-iipon. Yey!

Mabuhay!

Advertisements

Posted on March 23, 2012, in good news, money matters, politics, spur of the moment. Bookmark the permalink. 17 Comments.

  1. oo nga madami ang nandadaya sa tax , at karamihan sa kanila ay yung may malalaking kita.

    Sa laki ng tax mo pwede mo ng palitan yung mga nakasulat sa ilang urinal sa manila na project of :akoaysalbahe.wordpress.com

    hahaha..

    ayos yayaman ka na pare 🙂

    • okay na ako sa poste ng traffic light sa isang intersection pre. kahit isa lang. hihintayin kong government officials ang nasa isang way, mga pulis sa kabila, judges sa isa at mga pekeng propeta sa isa pa. tapos sabay sabay kong gawing green ang lahat ng ilaw. ansaya saya! solved ang problema ng bansa. lols!

      • morbid ka pre.. haha

        pero pwede din , isama mo ang mga rapist katabi ng judges . Ang mga murderer katabi ng pekeng propeta at mga two timer katabi ng mga government official.

        *evil laugh*

  2. Libre! Libre! Libre!

  3. hindi ko alam kung aware ‘yung company mo dito sa pinas sa bagong revenue regulation na matagal na dapat na-implement since 2008 pa pero parang hindi pa rin na-iimplement nang tama dahil puro lang naman kolekta ang hinayupak na BIR; hindi na chine-check kung tama ba ‘yung withholding tax na niremit.

    sa nakasanayan kasing tax computation, ang net taxable income ang ginagamit na basis na isa-subject sa tax table. pero ang totoo, ayon sa BIR revenue regulation, dapat hinahati pa ‘yung net taxable income into regular at supplementary income. regular ‘yung basic salary, fixed allowances for representation, transportation at other allowances na binibigay sa employee regulary every pay period. supplementary naman ‘yung mga hindi regularly nare-receive ni employee every pay period gaya ng overtime pay, taxable bonus, and other shits na wala sa basic pay.

    pag alam mo na ‘yung regular at supplementary components ng net taxable income mo, ‘yung regular ang una mong isa-subject sa tax table. tapos kung anumang tax rate ang ginamit mo sa regular, ganun din ang gagamitin mong tax rate sa supplementary.pag ganito ang format ng computation, mas mababa ang tax rate na magagamit kumpara sa nakagawiang sina-subject agad sa tax table ‘yung net taxable income. kaya mas advantage ‘to sa empleyado dahil mas maliit ang babayaran niyang income tax. ‘yun eh kung marami siyang OT at iba pang supplementary income. pag wala kasi, pareho lang ang lalabas na income tax.

    to illustrate:

    net taxable income = 30,000 (composed of: 20,000 basic and 10,000 supplementary)
    tax status: single

    sa lumang nakagawian, kung single ka, 32% ang tax bracket mo. pero sa tamang computation, since 20,000 ang basic mo, dun sa tax bracket na ‘yun dapat ang tax rate mo which is 30%. tapos, tsaka mo rin isa-subject sa 30% na tax rate ‘yung supplementary.

    ayun. sayang ‘yung 2% na masi-save mo, which is malaki-laki rin kung half-a-million pesos kamo ang binayaran mong income tax.

    shet, parekoi, nalulula ako sa sweldo mo. hahaha!

    p.s. ba’t ganto ‘tong comment system mo? nanghihingi pa ng kung anu-anong login credentials shit bago makapag-kumento. ayan tuloy, napa-login ako sa JK Stephens. lol!

    • tingin ko naman up to date ang sakahan namin. saka straight sila kaya halos lahat ng sahod namin taxable. saka E&Y (jan sa Pinas) ang nagcompute ng tax return naming mga andito sa US kaya feeling ko updated naman sila.

      kaya sasamantalahin ko ng mag-ipon habang andito pa ako. pagbalik ko kasi sa sakahan namin jan, balik peso rate na ulit. haha!

      ay ano palang hinihinging credentials pre? wala naman akong binabago mula nung ginawa ko tung blog na to. engot ako (or tamad akong mag-aral) sa mga technicalities ng blogging. haha!

  4. Speaking of taxes, kailangan ko ring asikasuhin yung mga papeles ko etc. doble doble na rin kasi ang binabayaran ko both in taxes at sa benefits….

    ang laki nga ng tax mo….kaya kung maayus na yan, libre mo ko…

    ng isang poste sa edsa..lol

  5. aray sakit sa ulo! pag may poste ka na sabihin ko ha para makapag pa picture naman ako!

  6. hindi ko alam kung paano magbayad ng buwis sa pinas.. dito kasi sa japan automatic lahat kaya hindi na kailangan ng compute-compute..

  7. Oi Mabuhay ha!

    laki pala ng sahod mo kasi ang laki rin ng tax mo eh. heheheh

    tama yan, isa kang lihetimong propesyunal na magbubuwis. hindi gaya ng iba dyan. hohohoh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: