St. Patrick’s Day @ Chicago

Occurred: Mar 17-18, 2012
Written: Mar 29, 2012

Nagpunta kami ng Chicago para sa celebration ng St. Patrick’s Day. Malaking celebrasyon ito sa eastern cities (New York, Boston, Chicago, etc) dahil sa dito ang concentration ng Irish immigrants. Trivia: Sa logo ng Boston Celtics sa NBA, makikita nyo ang Leprechaun, ung design ng dahon sa damit niya at ang kulay green. Lahat yan ay Irish influences.

From Minnesota ay nagbus lang kami. Nasa 444 miles at higit 9 hours ang byahe. Friday night kami umalis at Sunday afternoon kami sumakay pabalik. Roundtrip fare: $50. Not bad.

Ilan sa mga celebration activities na ginagawa ay:

  • Greening the Chicago River – Di ko alam kung anong dahilan kung bakit ito ang trip nila taun taon. Sana lang biodegradable at hindi masama sa ilog ang gamit nilang pangkulay. Napanood ko to kaso antatangkad ng mga kano sa harapan ko. Ang hirap tumingkayad. Fuck!
  • Parade – As usual, para maipakita ang Irish heritage. Di na ako nanood dito. Ang inet kaya. Masakit sa skin. Lols!
  • Pub Crawl – Gagapang ka talaga dito. Umaga pa lang ay marami ng umiinom ng beer. Parang bar hopping sya sa atin. Yun nga lang dito ay may listahan ng mga pubs na kailangan mong puntahan at inuman. Kaya bago or pag nakarating ka na sa huling pub ay tyak na gumagapang ka na. Ito rin ang dahilan kung bakit ito ang pangatlong pinakadelikadong celebration dito sa US dahil sa marami ang naaksidente or away na nangyayari. Nasabi ko bang hindi ako umiinom? Balak ko nung unang sumama kaso tinamad na ako nung gabi. Pagod me much sa maghapong kalalakad.

Other activities namin:

  • Millenium Park. Para lang makita ang ever famous nilang “the bean”. Andanda!
  • Willis Tower. Ito ang pinakamataas na tower sa buong US at isa sa pinakamataas sa buong mundo. Makikita dito ang buong Chicago at ang surounding suburbs. Kita rin ang great lakes. May skydeck sila sa top floor na kung saan may nakausling salamin. Para kang nakalutang. Gusto ko sanang magpakuha ng jump shot kaso baka makaiskandalo ako.
  • Pinoy Food Hunting. Nasabi ng kasama ko na may tindahan ng pagkaing pinoy doon. Sa labas na siya ng city at kailangan pang magtaxi papunta. Simple lang ang restaurant. Mukha nga lang siyang karinderia at maraming mga Pinoy ang kumakain. Andaming pagkaing Pinoy (syempre!). $8 ang buffet kaso alanganin na dahil kailangan na naming makabalik agad sa bus terminal. Bumili ako ng dinuguan, lechon kawali at longsilog. Ang presyo: $12.80. Ang pamasahe namin balikan sa taxi: $55. Is it worth it? The fuck it is! Inuwi ko pa ng Minnesota yun at tinipid ng bonggang bongga para mas matagal kong ulamin. It’s so yummmmy I’m goooona diiiiiieeeeee!

Eto ang ilan sa mga pictures na nakuha ko. Enjoy! 😀

masagasaan kung masagasaan. jaywalking kung jaywalking!

the bean in millenium park

chicago theater

dito inilagay ni sentinel prime yung pillars sa transformers: dark of the moon

st. patrick's day "dye-ing" the river green

willis tower

sky deck in willis tower

panggulong picture: stolen shot of a sweet couple.

millenium park at night

ayan, wala ng ninja mask. lols!

Advertisements

Posted on April 3, 2012, in i'm green-minded, lakwatsa. Bookmark the permalink. 22 Comments.

  1. wow tumitrivia .hehehe

    wat the “F” daapt tinanggal mo n ung couple nakakainggit lang. hahaha

    parang exciting pero nakakatakot ung PUB CRAWL. who0o0o..

    sana sinubukan mo pare
    :p

    • gusto mo pa ng dagdag? eto: Irish influence pa rin ang “Celtics” na word. tinatawag din kasing Celts o Celtics ang mga taga-Ireland kasama ng ibang nasa North-West Europe. 😀

      di naman kasi ako umiinom kaya no thank you na lang sa pub crawl. hehe…

  2. naks naman panay ang gala.

    by the way, katakot sa willis tower masusuka ang malulain. hohoho

    • sumasama lang ako sa mga lakad ng officemates kong Pinoy. gustong gusto ko pag nasa mataas akong lugar. hindi rin ako malululain. yung kasama ko, nanigas nung nasa skydeck na. haha!

  3. theignoredgenius

    Katakot naman sa Willis Tower, nangangatog na tuhod ko sa description mo sa taas. takot ako sa ganon,hehehehe.

  4. wow, nice! gustong-gusto ko yung photos, maganda. yung pangalawa nakita ko siya sa movie na source code ba yun? cool!

  5. Huy astig yung pub crawl. Gawain ko yan…mag-pub-hopping at mag-crawl…ten years ago.

  6. Hindi ako magugulat kung magkaroon na rin ng St Patrick’s Day sa Pilipinas, Thanksgiving nga ginagaya na rin eh LOL

  7. pang-ilan ba sa dami ng mga immigrants ang mga irish? putangina, hinding-hindi mo talaga mapapasama sa willis tower na ‘yan. picture mo pa lang, sumusundot na agad ang acrophobia ko eh. lol! ‘yung the bean, sa source code ko ata napanood ‘yun. ang astig nga niyan! sana magkaraan din ng pub crawl dito.

    seryoso, di ka umiinom? *cue miriam defensor-santiago’s infamous wha! here*

    • hindi na maituturing na immigrants ang mga irish dahil americans na sila. bale 19th centure pa nung nag-umpisa silang magmigrate dito. bale kinikilala na lang nila ang irish heritage nila sa pagdiriwang ng st. patrick’s day.

      kunyari lang ung nagyayaya ako ng inuman noon. napeke ko ba kayo? hanggang iced tea lang ako. lols! la akong kuwenta sa inuman. haha!

  8. p.s. nag-login ule as JK Stephens dahil humihingi na naman ng credentials shit ang crib mo pre. kaya siguro naka-Glen Tabajeros din si glen. hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: