Mama para, diyan lang sa tabi…

Occurred: April 2012
Written: April 10, 2012

Medyo naging busy ako these past few days. Dangan kasi ay lumipat na ako ng apartment. Andito na ako ngayon sa downtown Minneapolis mismo. Nasa siyudad na ako at wala sa probinsiya. Hehe! Yun nga lang, obligado na akong magbus papasok at pauwi.

  • Una: hindi ako marunong magmaneho. Actually, nag-aral na ako dati pa kaso medyo takot ako sa sarili ko. Tingin ko kasi may pagka daredevil ako. Baka mamaya, maisipan kong gawing bump car ang sasakyan. Mahirap na.
  • Pangalawa: wala akong sasakyan. Pwede naman akong bumili ng sasakyan dito kaso ayaw ko. Baka mahirapan akong ibenta yun kung uuwi na ako. Isa pa, baka masanay ako at maging susyal na ako pagbalik ko sa Pinas. Mas gusto ko pa ring sumakay sa jeep, bus at tren natin. Sarap kaya pag may student discount.
  • Pangatlo: Ayaw ko rin kasing makadagdag ng carbon footprintย kung may sasakyan ko. Bawas pollution din.
  • Panghuli at higit na importante ay ayaw kong mayat maya akong paparahin ng pulis kung may sasakyan ako. Nakinikinita ko na na baka madalas akong hanapan ng lisensya dahil baka mapagkamalan akong bata.

Mabalik tayo. Okay naman ang sumakay ng bus dito. May oras (either plus or minus 5 minutes maximum mula sa schedule) ang dating ng mga bus kaya madaling maplano ang alis. Every 15 or 20 minutes naman ang interval ng byahe nila. Sa bus stops lang din sila humihinto. Nung sinabi ko sa mga kasamahan kong kano at anap dito na forty minutes ang byahe ko, nagulat sila. Antagal naman daw nun. Palibhasa halos lahat kasi dito ay may sasakyan. Di nila alam na tuwang tuwa pa nga ako dahil di hamak na mas mabilis to kesa sa byahe ko sa Manila na isa’t kalahating oras. One way pa lang yun.

Kokonti lang ang laman ng bus. Hindi ko pa siya nakitang napuno ni minsan. Dahil nga rin may oras ang byahe ng bus kaya halos pare-parehong pasahero ang nakakasabay ko. Meron na nga kaming kanya kanyang designated seat kaya napapansin ko kung sino sa kanila ang wala.

  • May kasabay ako dito na mehikana (o latina) na janitress ng office namin. Narinig ko minsan na Spanish ang salita niya.
  • Meron ding mukhang nurse na laging bumababa sa clinic o hospital.
  • May egoy na bumababa malapit sa appliance store. May hiphop bandana at sumbrero pero nakaslacks at leather shoes. Ayus!
  • May mehikana na bumababa sa apartment complex. Tingin ko bedkeeper siya dun.
  • May dalawang babaeng officemates (black and white puti at itim). Dinig ko ang boses nila pag nagkuwentuhan. Laging nagrereklamo yung itim. Nagbabalak daw magresign. Kung hindi ko na siya makikita sa darating na mga araw, mukhang nagresign na nga siya nun.
  • Meron din akong kasabay na may sakit. Di ko alam kung anong sakit niya pero lagi siyang nanginginig (seizures). Sinusuntok pa niya madalas ang dibdib, tiyan at hita niya. Kung minsan, nagsasalita din siya ng pabigla bigla.
  • May medyo masungit na babae na laging nakaupo sa harap ng may sakit. Siya ang madalas na sumasaway sa kanya. Sumisigaw siya madalas ng “Will you stop it!?”. Buti sumusunod naman ang kawawang lalake.

Dis-abled friendly ang mga bus at tren nila dito. Kahit mga naka-wheelchair ay nakakasakay. Ang gandang tingnan habang bumababa yung ramp na dadaanan ng wheelchair. Pag nakasakay na, tutulungan pa ng driver na ikabit ang mga seatbelt para hindi makagalaw ang wheelchair habang tumatakbo ang bus. Tutulungan din niya uli ang pasahero pag pababa na. Madalas ding tumutulong ang ibang pasahero. Gustuhin ko mang makatulong, di ko magawa dahil di ko pa alam kung paano ayusin/ikabit ung mga seatbelt. Pinagmamasdan ko nga sila kung paano nila gawin para next time, makatulong din ako. ๐Ÿ˜€

Pamasahe sa bus ay $2.25 malayo man o malapit. Ang ginawa ko, bumili ako ng $85 go to pass/card na kung saan, unlimited rides na un for 31 days. Pwede kong sakyan lahat ng bus at train nila. Makakatipid na rin ako dito saka magagamit ko pa ang pass sa gala dahil malapit lang nga ako sa city area.

apartment to office bus route

Hindi ko maiwasang mainggit dahil maayos ang public transport nila dito. Sa atin, pag nakawheel chair ka, ni hindi ka makakatawid ng EDSA. Sa mga ganitong pagkakataon ako nalulungkot. Sa office, makikipagdebate ako sa mga kano at anap kung gaano kaganda ang bansa natin. Pero pag sa public transport (at corruption), wala na. Tatahimik na lang ako.

Advertisements

Posted on April 16, 2012, in commute stories, fyi, i'm green-minded, lakwatsa, thoughts to ponder, trabaho. Bookmark the permalink. 19 Comments.

  1. theignoredgenius

    Iba talaga dyan. may disiplina, di tulad dito sa tin sa Pinas, unahan ang mga bus. unahan din ma-deads. killer buses na napakarami. hehehe. enjoy sa bagong apartment pre ๐Ÿ˜€

  2. ayos ang obserbasyon mo sa mga co passengers ah .hehe.

    kahanga hanga ang disiplina sa ibang bansa..

    ayun , talunin mo sa dora the explorer sa pag laboy jan sa siyudad .hahah

    ๐Ÿ™‚

  3. may classmates ka na sa bus! ahahahaha! pero tama ka.. nakakahiya man, pero sablay ang public transport natin sa pinas…

    • oo nga eh. sabagay konti lang kasi sa kanila ang sumasakay ng bus. nasa 20:1 people to bus ang ratio. sa atin, 100:1 ata. haha!

      okay din ba ang public transport jan pre? alam ko sa tokyo, di rin maganda dahil sa traffic. siksikan din sa mga tren di ba?

      • pag pumapasok ako sa trabaho, tren ang gamit ko.. efficient naman siya at nasa oras.. yun nga lang ay siksikan.. naranasan ko na yung halos makipagpalitan ako ng mukha sa katabi ko.. saka ang kalaban ko dito ay yung mga hindi naliligong hapon sa umaga.. amoy tulo laway ang iba o di kaya ay amoy higaan pa… may time table sila na nasususnod, at kung sakaling may trouble ang train, bibigyan ka nila ng papel para libre ka sa ibang linya.. at automatic na hindi ka pagagalitan kung late ka kung delay ang tren.. yung bus naman masikip kapag rush hour.. hindi pa ako nakakita ng heavy traffic dito,. siguro sa mga lugar na inaayos.. overall, ok ang public transport dito.. talo nga lang ang ilong mo..

        • ah okay naman pala jan. okay lang sa akin na makipagsiksikan basta walang mabaho. naalala ko nung nasa singapore ako. nakakahilo ang amoy ng mga anap sa bus at tren. kaasar!

  4. Pwede naman akong bumili ng sasakyan dito kaso ayaw ko.

    eto talaga ‘yung sentence na tumatak sakin nung mabasa ko ang blog post na ‘to. pambihira; kelangan mo talagang magpainom ‘pag nagbalik-loob ka na ule rito sa pinas, pre. ako kaya, kelan makakabili ng sariling tsekot? gusto ko suv para pwedeng isakay si dude at ang mga pyutyur tsikiting. hehe.

    so sila pala ‘yun. badtrip naman si ateng masungit na imbes na maging concerned sa kalagayan ni tatang na nagsi-seizures eh sinasaway pa talaga niya. sus!

    • haha! hindi ko talaga nakikita ang sarili kong bumili ng sasakyan. as much as possible, gusto ko pa ring magcommute. luho lang yan eh. lalo na sa pinas. laging traffic kaya talo sa gas. gaya nga ng sabi mo, pwede siguro kung may pamilya na pero mas uunahin ko pa rin ang mas importanteng bagay kesa jan. haha!

      walang problema pre. ako mismo ang magyayaya sa inyo pag nakabalik na ako jan. sagot ko kayo kaso hanggang ice tea lang ako ha. lols!

  5. oo nga nakakainggit! kaso ako araw-araw nagba-bus. gusto ko mang isipin na dapat sanay na ako, dami pa ring sakripisyo. ayoko naman sanayin ko sa pagsakay ng fx tas feeling ko mahal lang pero di naman sulit. hay!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: