May metro aides namang magwawalis ng katawan…

Occurred: MMDA days
Written: April 12, 2012

Nagbabasa ako neto kanina nang bigla akong may naalala nung nasa MMDA pa ako. Alam nyo bang bukod sa traffic management ay may department din ang MMDA na ang trabaho ay ang greening at beautification ng Metro Manila?

Urban Renewal, Zoning and Land Use Planning and Shelter Services. Ang haba ng pangalan. Under sa kanila yung mga nakikita nating nagwawalis sa sidewalk, yung mga nanghuhuli ng littering violation, etc. Kasama din ang division na siyang nagtatanim ng mga puno, halaman at bulaklak sa gitna ng EDSA. Kung mapapansin niyo, magaganda at mayayabong ang mga halaman lalo na sa bandang North Ave hanggang Cubao. Sagana ang mga yan sa dilig at alaga. Lahat ng halaman, puno at bulaklak na itatanim ay dumaan sa masusing pagpaplano. Anong halaman ang maganda sa mata? Anong halaman ang mabubuhay sa konting dilig na tubig? Etc… Noong andun pa ako, mga UP Diliman graduates pa ang mga nagdedesign ng arrangement ng mga halaman doon. Nakalimutan ko ang course nila pero parang cross between Architecture and Interior Design.

Naging kaibigan ko ang isa sa mga boss doon. Minsan may naisip akong kalokohan ideya.

Apollo: Bakit hindi na lang po tayo magtanim ng mga fruit bearing trees sa EDSA. Tanim tayo ng mangga, lanzones, langka, etc.
Boss: Huh? Bakit naman?
Apollo: Marami po syang benefits: Una: makakatulong sya sa financial problem natin, pwede nating ibenta ang mga bunga. Dagdag din sa budget yun. Pangalawa: kung hindi pwedeng ibenta, idonate natin. Solved ang hunger problem ng Metro Manila. Pangatlo: malaking bagay din sila syempre sa anti-pollution drive natin. Sa laki ng mga punong itatanim natin, kayang kaya nilang i-absorb ang usok ng mga sasakyan doon.
Boss: Eto ngayon ang sasabihin ko sau, delikado yan. Madaming tao ang tatawid ngayon sa gitna ng EDSA para mamitas ng mga bunga.
Apollo: *Di ko mapigilang mapangiti dahil nadala ko ang usapan sa tunay kong pakay.* Exactly! Di ba, over populated na tayo? At least sigurado tayong mga matitigas ang ulo ang mababawas sa populasyon natin.

Natawa ang boss ko. Akala nya, nagpapatawa ako. Ewan ko ba. Kung minsan sa pagiging desperado (quixotic) kong umangat ang estado ng Pinas, kung anu ano ang naiisip ko. So kung may makita kayong mga puno ng mangga sa EDSA, alam niyo na kung kanino galing ang ideyang yun.

Advertisements

Posted on April 19, 2012, in fyi, i'm green-minded, kalokohan, politics, spur of the moment, thoughts to ponder, trabaho. Bookmark the permalink. 15 Comments.

  1. theignoredgenius

    tapos magkakaroon ng sign na kulay pink, nakasulat “bawal mamitas, may namatay na dito”. hehehehe

  2. genius .. isa kang henyo pre .hahahaha

  3. theignoredgenius

    lols. salamat brod 😀

  4. mas maraming benefits yung proposal mo, ituloy na yan! hehehe
    Iyon nga lang marami tiyak ang mamatay, dadalas na naman ang traffic. imbes na pagwawalis ang gawin ay pagbubuhos ng talsik ng dugo ang mangyayari.

    naku ayoko na makakita ng nakabulagta sa daan, uso pa naman yan dati sa killer highway namin. hehehe. ay teka hindi kaya may nakatanim doon na puno ng mangga kaya ganun. hohohoho

  5. eh kung ganyan din naman, paki tanim nalang din ng palay…ahhahaa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: