Mama para, diyan lang sa tabi… updates

Occurred: Apr 24, 2012
Written: Apr 27, 2012

May bago akong mga kuwento sa bus experiences ko dito:

  • Naalala nyo yung itim na laging nagrereklamo sa trabaho niya? Hindi ko na siya nakikita sa bus. Malamang nagresign na nga siya.
  • Mas lalo akong nainis sa babaeng puti na masungit. Nanginig na naman yung lalakeng may sakit. Gaya ng lagi niyang ginagawa, sinaway nya uli. Hindi pa sya nakuntento, ginaya nya yung panginginig ng lalake at tumawa – sa harap mismo ng lalake! Kala mo naman kung maganda ang ale. Samantalang hindi siya nagpapalit ng jacket at pants nya. Sa araw araw na nakakasabay ko siya, yun at yun ang lagi niyang suot – Columbia jacket na green at maong na nakatupi hanggang binti. Parehas lang din ang Cub paper bag na lagi niyang dala. Nanggigil akong ipamukha sa ale kaso naalala kong dayo lang ako dito.
  • Medyo mas marami na ngayon ang sumasakay sa bus sa umaga. Pwedeng dahil sa pagtaas ng presyo ng gas dito. Medyo nagtitipid ang ilan kaya public transport ang gamit nila sa pagpasok.
  • Kilig news naman. Remember yung itim na laging naka-formal pero may hiphop bandana at sumbrero? Apparently, may napupusuan siyang itim na pasahero din. Okay naman ang babaeng nagugustuhan niya. Sopistikada manamit. Mukhang sa opisina nagtatrabaho. Nung pababa na ang lalaki, dumaan siya sa tapat ng babae at may iniabot na paper bag. Sabi niya, “You might have dropped this bag”. Agad akong nakaamoy ng kakaiba. Sa harap nakaupo ang babae kaya paano nya “malalaglag” ang bag na yun sa likod? Sa harap lang kasi ang entrance ng bus. Pagkasabi nun, agad na siyang bumaba at cool na naglakad papuntang trabaho. Pinagmamasdan ko lang ang babae mula sa aking upuan. Natatawa ako kasi medyo patay malisya lang ang babae pero halata ang pagkakilig niya. Lols! Kunyari patuloy lang siya sa pagbabasa ng librong hawak niya. Nung medyo di na nakapagpigil, binuksan nya ang bag. Madaming cards, dalawa o tatlo ata. Yung isang card na binuksan niya, may princess na salita sa labas. Naalala ko tuloy nung high school ako. ahihihi! Hindi ako tsismoso, matanglawin lang talaga ako. Yung mga katabi niya ang tsismoso kasi nagreact sila at nagtanong kung anu ano pa ang laman ng bag. Maraming chocolates. Nagreact pa si babae na hindi daw siya mahilig sa chocolates. Gusto ko sanang matawa at sabihing “ikaw na already!” kaso baka ilaglag nila ako sa bus.
    Nagpalipas muna ako ng ilang araw para malaman ang susunod na kabanata pero nabigo ako. Nakakasabay ko pa rin ang lalake sa pagpasok pero parang “nag-iba” na ang oras ng pasok ng babae. Alin sa dalawa: nag-iba nga ang oras ng pasok niya o iniiwasan nya ang lalake. Mukhang basted ang gigolong manok natin. Hehe…
  • update uli – nung pauwi ako kanina (apr 27), may tumabi sa aking puti. Normal looking guy siya. Mukhang pamilyadong lalake at typical husband ang dating. Kaya nagulat ako nung nakita ko ang tinitingnan niya sa cellphone niya. Di ko alam ang website pero parang pangbading. Man hunt ang nakalagay tapos mga lalakeng nakahubad ang andun. Kaya pala patago ang pagkalikot niya sa cellphone nya. fuck! Biglang sumakit ang ulo ko. Kung minsan, may masamang epekto din ang pagiging observant at may malinaw na mata. You never know what you gonna get.
Advertisements

Posted on April 28, 2012, in commute stories, funny experiences, good news. Bookmark the permalink. 16 Comments.

  1. theignoredgenius

    astig, may love story pa. hahahaha. e ikaw pre, ala ka ba napupusuan sa mga bus mates mo. 😛

  2. haha .. magaya nga ang style nung negro . pero note lang tapos may nude este number ko .

    oo wala talga akong originality.

    dapat sa bahay gingwa ang panonood ng porn hindi sa public area. lol

    nga pla pre na hack ang site ko. (badtrip)

    balik loob muna ako sa wordpress. 😦

  3. parang si chocolates lang ni forrest gump? pwedeng humingi ng link ng mga lumang blog post ng mga kwento mo para makapagbasa naman ako ng back story nila. naku-curious ako dun sa babaeng matapobreng nanggagaya sa maysakit. o_O

  4. p.s. anong kaguluhan ‘to? ba’t meron nang “your comment is awaiting moderation”? sinasala na ang two-cents’ shit? o hindeeee! o_O

  5. Ay bet ko si kuya gigolo. Sana ako din, may magbigay ng kahit isang styro ng sashimi.

  6. hindi ko pa masakyan ang update ng iba rito pero parang nakakatuwa ang kuwento ng babae na may manliligaw. ligawan sa bus ang drama. parang love bus ng Pinas. hohohoh!

    btw, fyi error pa ang hoshilandia.com ko (kung napapadalawa ka kalang naman hehehe). just in case puwede mong bisitahin ang hoshi sr ko http://www.kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com.

  7. talagang inuna ko munang basahin yung part 1..ako na ang tsismosa! ahahaha sa lugar ng mga supot na sausage o saan man sa EU..mumurahin ka ng makakakita sayo pag tinawanan mo yang mga ganyan o ginaya!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: