The Night I Almost Died 2

Occurred: College Days
Written: Mar 21, 2012

Nakuwento ko noon nung muntik na akong masalvage sa Recto. Bago pa nangyari yun, may isa pa akong kuwentong kapupulutan nyo ng aral masasabi kong dahilan kung bakit napakasarap mabuhay. Ikaw ba naman ang magkaroon ng ibang klaseng mga kaibigan. 😀

Noong college ako, may isa akong classmate na may asawa at anak. Let’s call her Shiela. In fact, yan ang totoo nyang pangalan. Chinese sya at galing sa kilalang angkan sa Isabela. May dalawa siyang anak. Modelo pa sa ilang tv commercials ang panganay nyang babae. Mana sa kanya kasi maganda at maputi si Shiela. Medyo chubby pero yung seksing chubby. Kahit may asawa na, madami ang manliligaw sa kanya. Nasa kanya na halos lahat. May pera, may sasakyan, may magaganda at malulusog na anak, etc. H-A-L-OS dahil sa isang bagay: binubugbog siya ng asawa niya. Madalas siyang pumasok noon na may mga pasa sa katawan. Naaawa nga kami pero ano naman ang magagawa namin? Estudyante pa kami di ba? Ay oo nga pala, early 20’s lang siya noon. Maaga kasi siyang nag-asawa.

Sabado ng gabi noon at nasa school kami ng biglang siyang nagyaya mag-inuman sa kanila. Wala daw kasi ang hinayupak niyang asawa kaya sila lang ng mga anak at mga katulong ang nasa bahay. Since hindi naman ako marunong uminom ay niyaya ko ang aking mga high school barkada. Sila rin ang dalawang nakasama ko sa Recto incident. Syempre, nagpaalam muna ako kay Shiela at pumayag naman siya. Hindi rin nagpatalo ang iba naming barkada, nagyaya din ng iba pa para mas masaya daw. Okay lang din naman kay Shiela. Mabait kasi siya at hindi marunong tumanggi.

Malaki ang bahay at talagang masasabing may kaya sila. Pagdating doon, nag-umpisa na ang inuman. Nagulat ako dahil parang andami naming andoon at hindi ko na kilala yung iba! Ako pa ang nahiya kasi maingay na kami at iniisip kong hindi makakatulog ang mga anak niya.

Ganito ang scenario noon:

  • May nag-iinuman na mga kalalakihan sa sala. Mga schoolmates din namin pero di ko kilala ang mga pangalan.
  • May naglalaro ng baraha habang umiinom. Di ko na tanda ang laro pero guguhitan ng lipstick ang mukha pag natalo. Nanonood lang ako sa kanila kasi hindi naman ako umiinom. Halos lahat ng barkada ko ay andito sa grupong ito.
  • Meron ding kumakain sa may kusina.
  • May nanonood ng tv.
  • May nagkukuwentuhan at nagyoyosi sa labas. Nagyoyosi? Walang nagyoyosi sa amin kaya duda ako sino sila at kung sino ang nagyaya sa kanila.

Umabot kaming mga bisita sa halos bente at medyo maingay na kami. At biglang nangyari ang hindi inaasahan – dumating ang asawa ni Shiela. Gulat na gulat ang asawa niya sa nakita. Natural lang din na mag-init ang ulo niya. Si Shiela naman ay biglang tumapang nung panahong iyon. Dahil siguro sa napasubo na siya o pwede ring dahil andun kaming mga kaibigan niya. Syempre kaming mga bisita, nahihiya. Lalo ako. Ayun na nga, nagsagutan silang mag-asawa sa may pintuan habang kami ay dahan dahang nag-ayos at umupo sa sofa sa kanilang sala.

*Drama starts here*
Asawa: Ano to!? Bakit andaming tao dito!?
Shiela: Niyaya ko mga kaibigan ko sa school. Nagkakatuwaan lang kami.
Asawa: Nagkakatuwaan!? Nag-iinuman ba kayo?
Shiela: Konti lang naman ang iniinom namin.
Asawa: E ang ingay ingay nyo! Hindi ba kayo nahihiya sa kapitbahay. Asan ang mga bata?
Shiela: Nasa taas kasama ng mga yaya. Tulog na sila.
Asawa: Tulog!? Makakatulog ba sila sa ingay nyo? Hindi ka na nahihiya sa pinaggagawa mo?
Shiela: Wala kaming ginagawang masama!
*Drama ends here*

*…aaand action starts here!*
Puro mura at sigaw na ang maririnig dito kaya ikukuwento ko na lang. Biglang binatukan nung lalake si Shiela! Anlakas dahil muntik na siyang sumubsob. May sumigaw sa mga kaibigan kong babae. Napa-putang-ina naman ako ng malutong. Syempre bulong lang yan. Hindi pa nakuntento ang asawa. Sinundan pa niya ng sipa, sapak at sabunot. Bilib ako kay Shiela, buong tapang nyang sinalubong ang mga bigay ng asawa niya. Lahat kami ay shocked sa nangyayari sa aming harapan. Hindi kami makagalaw o makaisip kung anong gagawin habang ginugulpi ng lalaki ang kawawang asawa niya. Pwera sa isang magiting at matapang na lalaki. Itago na lang natin siya sa pangalang Mario.

A little background: Si Mario ay isa rin sa aming barkada. Halos lahat ng babae sa grupo ay niligawan niya. At binasted siya. Siya ay taga-Bulacan na sumisimbulo ng isang binatang Pilipino na handang sumaklolo sa babaing nangangailangan ng tulong. Na agad niyang pinagsisihan ng bongga bongga bago matapos ang gabing iyon.

Biglang tumayo si Mario at umeksena sa bugbugan ng mag-asawa. Gustuhin ko mang hilahin siya paupo, di ko magawa dahil malayo siya sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko.

abangan ang susunod na kabanata…

Advertisements

Posted on May 7, 2012, in funny experiences, kalokohan, lakwatsa, school stories, sexy stories. Bookmark the permalink. 24 Comments.

  1. ang aksyon nito a. puweden sundan yung kina tulfo at raymart & claudine. hehehe

  2. Manul-nulat ng Bayan

    agree….pwede talagang sundan…..pero nakaaawa naman si Mon…hehehe…parang si Mario naman yung kaibigan ni Cllaudine…nakiamut lang sa gulo….

  3. .kaabang abang ang susunod na kabanata…

    talga yang c mario oo .. wahahha

  4. theignoredgenius

    nakakain siguro ng mushroom si mario kaya matapang. o kaya nakakuha ng star. game na sa part 2. hehehehe. may cctv ba sa bahay. 😛

  5. theignoredgenius

    isumbong natin kay tulfo yang nananakit ng babae. ano pangalan pala? hehehe.

  6. mukhang ang nangyari kay Mario eh parang nangyari kay Mon,hihihihi

  7. Para akong nanonood ng isang teleserye. Masarap sa paningin, malinamnam, may patutunguhan. Babasahin ko naman ang kasunod. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: