The Night I Almost Died 2 continues…

Occurred: College days
Written: May 7-10, 2012

Eto po ang part 1

Eto na ang pagpapatuloy na aking kuwento. Pasensya po at laging busy sa trabaho. So ayun na nga, biglang umeksena si Mario sa away ng mag-asawa…

Mario: Pare tama na yan. Pag-usapan…. *Hindi na niya natapos ang sasabihin niya*
Asawa: Aba, putang-inang ito! Makikialam ka!? Makikialam kaa!!?? *sabay abot ng clutch bag niya* Yung bag nyang yun, iniipit niya lang sa kili kili niya the whole time. Naisip ko nga nung una, may importante sigurong laman yun kaya hindi niya mabitawan kahit habang ginugulpi niya si Sheila. Na-shocked na naman kami nung makita namin ang kinuha niya sa clutch bag — .45 caliber pistol. Sabay kasa ng baril ng dimonyong asawa.

Ganito ulit ang scenario:

  • Sigawan na ang mga babae pati kaming mga lalake. Nawala ang pagkamacho namin. Lols!
  • Si Mario, nanigas sa kanyang pagkakatayo. Hindi siya makagalaw.
  • Ako naman, ang bilis ng lipat ng tingin ko: kay Mario, sa putang-inang asawa, sa baril at kay Shiela. Repeat hanggang…

Hindi ko maalala kung sino ang sumigaw pero narinig ko ang salitang, “Aaaaaaaayyyyyyyy Marioooo! Tumakbo ka naaaaaaaaa!!!”. Takbo agad siya sa pintuan. Dito sa puntong ako medyo natawa (you may find me weird but I always find something funny at all times, including this one) kasi hinanap pa talaga ni Mario ang kanyang sapatos – kahit na kinasahan na siya ng baril. Eto pa: nakalabas na siya ng bahay pero nakita pa namin siyang pasilip silip pa rin sa may pintuan. Akala niya ata, bulletproof ang pintuan. Lalo tuloy nanggigil ang lintek na asawa na burdahan siya ng bala. Tapos may sumigaw ulit sa kanya: “Anong ginagawa mo diyan!!?? Taaakbo naaa!” Ayun, tumakbo siya ng nakayapak.

Talagang babarilin na siya nung tarantadong asawa nung biglang hinablot ni Shiela ang baril. Parang eksena lang sa pelikula na nag-aagawan ng baril ang mag-asawa. Hindi pala siya enjoy panoorin sa totoong buhay. Pramis! Uulitin ko: nakakasa na ang baril.

Andun silang mag-asawa sa gitna ng sala habang paikot ikot na nag-aagawan/naghihilahan ng baril habang kami ay nakaupong palibot sa kanila. Parang spin-the-bottle lang. Yun nga lang, ang mataya: patay. Tandang tanda ko ang pangyayaring iyon. Sigawan. Nakatitig ako sa baril tapos pag natapat sa akin, iiiwas ko ang katawan ko to the left, to the left or to the right, to the right. Ang problema ganun din ang ginagawa ng mga katabi ko kaya nag-uuntugan kami. Ansaya lang di ba? Nasa kanan ko ang dalawa kong high school barkada. Saan ko na naman daw sila dinala? Ibang adventures na naman daw ang kinasangkutan namin. Uulitin ko, mas nauna ito bago pa yung Recto incident. Ang sinisisi ko naman, si Mario. Kung hindi sana siya nakialam, e di wala sanang baril na lumabas. Bugbugan na lang sana ang nangyari. Dahil mas malakas ang asawa, naagaw niya ang baril. Mabuti na lang at agad niyang itinago sa clutch bag niya. Sinapak na lang niya ulit si Sheila. Lols!

Natigil lang ang lambingan nilang mag-asawa nung biglang may humintong police mobile sa tapat ng bahay. Apat na pulis ang dumating para mag-imbestiga. Kasama nila si Mario na dumating. Ganito ang nangyari: tumakbo lang ng tumakbo si Mario sa labas. Mula sa subdivision malapit sa Roosevelt Avenue ay nakarating siya sa Pantranco sa Quezon Ave corner Roces Ave. Doon niya nakita ang police station at nagsumbong. May tanong ako, ano ang iisipin niyo pag may nakita kayong lalaking nakayapak at puno ng lipstick ang mukha habang tumatakbo ng walang patutunguhan ng bandang ala-una ng madaling-araw? Eto ang naiisip ko: isang bading na hinahabol ng mga gumugulpi sa kanya. Nakayapak dahil iniwan na niya ang High heels para makatakbo ng mabilis. Puro lipstick ang mukha dahil sa mga sapak. Pwede di ba? Sa kabila nun, bilib pa rin ako sa kanya kasi may presence of mind siyang sa presinto humingi ng tulong.

Inimbitahan nila sa presinto ang asawa ni Shiela. Doon lang kami nakahinga ng maluwag. Saka naman umiyak ng bonggang bongga si Shiela. May nagpayo na ireport daw namin sa baranggay ang nangyari. So punta kami sa baranggay hall. Yung ibang mga kasama namin, nagsiuwian na at ang barkada na lang namin ang naiwan. Sarado naman ang baranggay pagdating namin. Bumanat uli si Mario, sinabi niya na magdasal daw kami as in noon at doon na mismo. Habang nasa kalsada kami ng madaling-araw. Gusto ko mang matawa sa choice of place and time niya pero nakiayon na lang ako sa kanila. Dasal yan eh saka pasasalamat na rin at buhay pa rin kami. So nag-ayos kami ng pabilog tapos nanguna si Mario sa pagdadasal namin. May isa kaming kaibigang babae na nasa payphone ng baranggay kaya hindi niya narinig yung aya ni Mario. Eto ngayon ang punchline. Habang taimtim kaming nagdadasal, maririnig sa background ang malutong na mura ng kaibigan namin dahil kinain daw ng payphone ang limang piso niya. Bwahahaha!

Kami: *Insert taimtim na dasal here*
Background: Putang-inang payphone to! Kinain ang limang piso ko! Kailangan kong tawagan ang kapatid ko. Sasabihin ko sa kanya na muntik na tayong mabaril. blah-blah-blah! Putang-ina! *Sabay pukpok ng paulit ulit yung payphone* Tumigil lang siya nung sa tingin niya, hindi na niya mababawi ang limang piso at saktong tapos na rin kaming magdasal. Ibang klase talaga mga kaibigan ko noh?

Monday ng umaga sa school nung nabalitaan naming bati na naman daw si Sheila at asawa niya na ikinagalit ng madami sa amin. Drawing lang pala yung mga banta nila na maghihiwalay na sila. Hehe… Doon na rin siya mag-umpisang umiwas sa amin hanggang sa bigla na lang siyang hindi pumasok at hindi na nagparamdam. Siguro nahiya na siya.

Hanggang ngayon, madalas pa rin naming pag-usapan ang nangyaring yun. As usual, nagtatawanan na lang kami lalo na pag iisiping pwedeng may namatay sa amin noon. As usual, si Mario pa rin ang sinisisi namin. Lols! Minsan daw, namimiss daw nila si Sheila. Ako din, miss ko sya minsan. Napapangiti na lang ako pag naalala ko yung mga panliligaw paglalambing niya sa akin noon. Mabuti na lang at hanggang umaatikabong halikan lang ang nagawa niya sa aking murang murang katawan at kaisipan. Kung nagkataon pala, baka ako sana ang nabaril noon. Tsk!

Advertisements

Posted on May 11, 2012, in funny experiences, kalokohan, lakwatsa, school stories, sexy stories. Bookmark the permalink. 36 Comments.

  1. theignoredgenius

    potek, kulang yung kwento mo. nasan yung umaatikabong halikan? hahahaha.

    pero kung ako yung andun sa sitwasyon ni mario, kinasuhan ko siguro ng attempted homicide yung asawa nung sheila na yun. tapos ang dami pang witness, tapos siya. tapos pag nakipagareglo, gatasan nyo ng limpak limpak na salapi. siraulong lalake yun.

    dami talagang babaeng tanga sa pag ibig no?

  2. kya mahirap makiaalam sa away ng mag-asawa ..

    magpapatayan na tapos maya maya bati na naman… wahhahah

    sigurado ka bang lips lang ang natikman niya sa iyo pare? lol

    pang pelikula talaga ang ganitong eksena . pramis.. hahahaha

    • ay oo naman. binatang pilipino kaya ako noon. muntik ko nga siyang sinampal. lols!

      • mapagsamantala sila sa kahinaan nating mga lalaki.

        😄

        sana sinampal mo kaliwat kanang pisngi :p

        • ay oo naman pre. naisip ko nga noon na ako ang dehado kaya umiwas ako. biro mo ako ang binata. madaming mawawala sa akin di ba?

          biro lang yung sampal pero hindi ako marunong manakit ng babae. mas tatanggapin ko pang maging buttered, este battered boypren ako. lols!

  3. Nakow. Babalikan ko yung simula.

  4. tama na wag muna ‘kong mag-comment dun sa part 1. bwahahaha! dami kong tawa dito. ‘yung totoo? natawa talaga ‘ko kasi may diagram pa ‘yung barilan portion sa bahay nina shiela. astig ka pre, ayos na ayos mag-drowing. hehe. hindi kaya patay na si shiela ngayon kasi binaril na siya ng psychotic na asawa niya? hypothetical question lang naman. at lintek lang, may nakaraan pa pala kayo ni shiela. hahaha!

    • yun nga rin naiisip namin minsan, na baka pinatay na siya ng asawa niya. hindi namin alam eh. may isa kaming kaibigan na pinuntahan pa siya sa bahay nila para kamustahin siya pero wala na rin sila dun.

      ganyan lang talaga ang kaya kong gawin na drawing. hindi ko masasabing may nakaraan kami pre, ikuwento ko minsan ang nangyari. haha!

  5. apollo, eextra lang ako sa kwento mo, itatanong ko lang if natanggap mo ba yung email ko? sinend ko sa email na ginagamit mo para magcomment dito sa WP. let me know! salamat! 🙂

    • isang email lang po nareceived ko from you. nagreply ako twice pero hindi ko pa natatanggap ang reply mo..

      • your email went straight to my spam folder! damn. i have bdo but my man has bpi. i’d email you the details. many, many thanks! btw, yung birhen ng manaoag dinala dito sa simbahan namin kahapon, isang linggo siya dito. ipagdarasal kita. 🙂

  6. Lagot, nabasa na ng asawa ni Shiela to. hehehe

  7. LOLs, malapit lang sa pinagto-Toastmaster-an ko yung police station a.
    At aabangan ko yang umaatikabong ano na yan. Assignment!

  8. superb story sa blog. hindi ko binitiwan kahit mahaba. nagmumura sa aksyon. hehehe

    wala akong ganyang story nung high school puro anime lang ang alam ko,

  9. tama c hoshi. kht mahaba, hndi ako nagbackread heheh!

    hello muna pala. since its my first time on ur comment box 🙂

    • kilala po kita. matagal kasi akong lurker ng blogs niyo bago ko naisipang magkalat ng kasalbahean. hihi! salamat po sa pagbisita. 🙂

      • ay gnun.. katuwa naman at naalala mo p ako. ahihi. tagl ko kc nagphnga.. ah cguro dti mabait ka este tahimik k lng. hehe. np. ul c me agen evry now en den 😀

  10. Naku nakakatakot talaga ang makita mo sa harap ng pagmumukha mo na iwinawasiwas ang kalibre ng 45. Nagbigay ala-ala sa akin ng minsang sinamahan ko ang aking ka-boardmate ng college na manligaw, madaling araw nun pauwi na kami sa may legarda sa ilalim ng tulay. Hindi namin inaakala na ang dalawa na kasabay naming pasahero ay isang holdaper, huhu, tapos sa harapan namin may isang kawawang magtataho. Laking pasasalamat namin na mayron ding isang pulis na nakasakay bilang pasahero. Ayun, sa pag deklara ng holdup with knife & ice pick, naglabas ng baril ang pulis. Sa mga oras na iyon, sigh, inaantay ko na lang ang pagkalabit ng gatilyo ng 45 caliber. Takot, kaba at pagsisi ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Naalala ko ang aking magulang, na walang kaalam alam sa nangyayari sa akin. Nag flashback talaga lahat, sa isang iglap naalala ko ang lahat lahat mula pagkabata hanggang sa oras ng holdapan. Laking pasasalamat at nasawata ng magiting na mamang pulis ang dalawang holdaper. Pamula noon iniiwasan ko nang lumabas ng aabutin hanggang madaling araw. Iyong mga pangyayaring iyon ay nagsilbing aral sa akin.

    at dahil dyan ako’y muling nagpapasalamat sa Amang Lumikha, salamat.

  11. HAHAHA! ALMOST DIED na lang lagi. Ba’t hindi pa matuluyan! Lol! Isa ka ngang masamang damo. Akalain mo ‘yon?! Hakhak!
    Hello hello kumusta kuya apollo?

  12. This is the problem with battered wives, they tend to forgive because they’re martyrs.

    Dependent sila masyado sa mga husbands nila. At hindi naman natin pwedeng kasuhan ang offender dahil ide-deny naman ng babae ang accusation. Mas maganda kung may video, (siguro)?

  13. wahahaha….shet, i laaav yuuuu mariooooooooo!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: