Bus Time Stories

Occurred: May 23, 2012
Written: May 23, 2012

Bus time papuntang office. Malapit na akong bumaba nung napansin kong wala ang cellphone sa bulsa ko. Mukhang nahulog dahil mababaw lang ang bulsa ng pantalon ko. Nung una, medyo nagpanic ako dahil malapit na akong bumaba.

Titingnan ko pa ba sa una kong inupuan? Baka naupuan ng pinaupo kong matandang babae. Tatayo ba ako at sisilip sa ilalim ng upuan para hanapin ang cellphone ko? Hindi pwede. May isang seksing babae na nakapalda ang nakaupo sa tapat ng upuan. Baka isipin na sinisilipan ko siya. Mabugbog pa me.

Mga ilang segundo lang ang nakalipas at bigla kong napagtanto. Okay lang pala mawala ang phone ko na yun. Mura lang kasi ang bili ko: $20. Pre-paid pa. So ano nga naman ang mawawala? Mas okay pang bumaba na ako kaysa lumagpas at maglakad pabalik sa opisina.

Pababa na ako nung bigla akong tinawag ng katabi kong babae. Senyor pa ang tawag sa akin. Mukha siguro akong kagalang galang dahil nakalong sleeves at slacks ako (with matching white basketball shoes nga lang kasi basketball day ang Miyerkules. Iniiwan ko ang leather shoes ko sa office). O di kaya’y mukha akong Spanish-speaking Latino. So ayun nga, pagtawag sa akin, inabot niya yung cellphone ko. Nalaglag pala sa huling inupuan ko. Nagpasalamat ako sa babae at dali dali na akong bumaba ng bus.

Ilang beses pang nahulog ang cellphone sa bulsa ko. Buti na lang at nahahanap ko rin. Pero kung sakaling mawala, okay lang dahil bibili lang uli ako ng bago at ganung cellphone uli. Okay pala ang pakiramdam na ganun. Yung hindi ka manghihinayang kasi mura lang ang bili mo. Buti na lang hindi ako nahilig sa mga mamahalin at usong mga cellphone. Manghihinayang lang ako ng bonggang bongga pag nawala ito.

Occurred: June 11, 2012
Written: June 11, 2012

Nasa bus ako kanina nung marinig kong pinag-uusapan nung mga itim sa likuran ang laban ni Manny Pacquiao. Pati sila hindi makapaniwala sa naging resulta ng laban. Nakakatuwang malaman na kahit kababayan at kakulay nila si Bradley, sinasabi nilang si Manny talaga ang nanalo.

Pahabol pa: Mukhang iniiwasan nga talaga ni prinsesa ang kanyang manliligaw sa bus. Bihira na siya sumakay sa 724am at 513pm na byahe ng bus. Sayang boto pa naman ako sa love story nila kung sakali.

Advertisements

Posted on June 12, 2012, in commute stories, current events, good news, sports, spur of the moment. Bookmark the permalink. 29 Comments.

  1. Reblogged this on Kayedee's journal and commented:
    net10 b yang fone u? kc un ang pnakamurang prepaid e ahaha. yyman k nyan ang kuripot mo pla :-p

  2. panalo naman tlga si pacquiao.

    boxing is money :p

    ambait nung ngsoli ng phone mo..

  3. astig ng phone na yan pre. bilhan mo nga ko nyan, libre ah. hehehehe

    • di ba, marami ding phone na ganito sa pinas. ipapaopen line mo pa ito pagdating jan…

      • theignoredgenius

        uu pre, marami na rin dito yung mura lang. kaso walang libre, hahaha. joke lang. 😀

        oo nga, mahal pa siguro pag nagpaopen line kesa sa price ng phone. hehehe

  4. muntik na din madukutan si my man a few months ago kaya after that pinagamit ko din siya ng phone na hindi nakakahinayang ipadukot. tama ang desisyon mo na pareho lang ang bilin para hindi heartbreaking. yung kay pacquiao naman, ewan ko ba. last time parang talo siya pero nanalo siya ngayon naman parang panalo siya pero talo. ang gulo.

    • oo nga. nakakatakot jan sa Pinas kasi madaming salbahe.

      ang nakakalungkot neto, kahit lumabas sa imbestigasyon na nagkamali ang mga hurado sa scoring ng laban ni pacquiao, hindi na mababago ang resulta. talo na talaga siya. mapaparusahan lang ng suspension ang mga bobong hurado.

  5. senyor, penge po ng selepono. ‘yung xperia sola. loljoke.

    nung isang araw, nagpunta kami sa mall ni dude. nagkataong may display booth na pinut-up ang sony. nakita niya kung gano kaganda ‘yung mga xperia nxt cellphones na naka-display. ngayon, gusto na niyang bumili ng xperia U. o_O

    • andaming mga magagandang mga cellphones ngayon noh? smartphone na nga ang tawag kasi di hamak na mas marami na ang pwedeng magawa sa kanila. di ba may experia ka pre? yun ba yung parang psp na rin? naiwan ko kasi sa pinas ang psp ko kaya namimiss ko sya minsan. haha!

  6. tumpak ka dyan. iba yung nabili mo ng mahal para medyo paranoid ka pag nawala. ako sa 2 cp ko na nawala, isa lang ang pinanghihinayangan ko, hindi na ko na-back up yung laman ng sim card. sayang yung mga numero ng mga kakilala.

    yung una kong cp nawala, isinauli rin ng asawa ng taxi driver na nasakyan namin sa Manila.

  7. katrinadanieles

    ayt, ang sarp nga ng ganyang pakiramdam. ^^ “ok lang mawala ka, di ka naman importante”- parang pang telenobela, linya mo lang pala pasa sa cp mo. hahah

    go large pacman!!!^^

  8. at least naisoli sa iyo… at kahit mura lang, hassle pa rin mawalan kasi papakilala ka uli sa contacts mo at makakatanggap ka ng maraming hu u.

    • hindi yan applicable sa akin kasi konti lang ang contacts ko dito sa US. kasama ko din madalas ang mga nasa contacts ko.

      kamusta pre? busy? tagal na akong (kasama ng madami mo pang fans) naghihintay ng post mo. 😀

  9. Napadaan po. Mabuti naman at naisoli pa sa’yo yung phone. Ako ilang beses na ding nawalan, isa lang ang napabalik kasi kakilala ko ang kumuha :)) Hassle lang sa ganyan yung sa contacts. Kung pwede nga lang sabihan yung magnanakaw na kunin mo na phone ko, balik mo lang yung sim card eh. haha

  10. Mayaman ang blogger na ito.

    Makasakay sana kita one time, at ihulog mo ang cellphone mo, just in case. Haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: