Lake Calhoun

Occurred: June 22, 2012
Written: June 24, 2012

Summer na ngayon sa Minnesota kung kaya parang mga dagang bukid sa anihan na nagsisilabasan ang mga tao dito. Sinasamantala nila ang paglabas ng haring araw para makapag-jogging, magbike, magboating at magtampisaw sa mga lawa. Mas madalas kasi na malamig sa Minnesnowta kung kaya fiesta ang tag-init dito. In fairness, talaga nga namang mainit pag summer. Parang Pinas lang kaya medyo sanay na ako.

Nasabi ko noon na mahigit sampung libo ang mga lawa sa Minnesota. Pag summer, asahan na ang paglabas ng mga bangka at yate ng mga tao dito. Pag winter kasi, nakatago ang mga tao (at bangka) dahil sa nagyeyelo ang buong lawa. Impak, pwede kang magpatakbo ng sasakyan sa tigas ng yelo. Medyo mahirap nga lang daw magmaniobra kasi madulas.

Mabalik tayo. Isa ang Lake Calhoun sa mga sikat na pasyalan dito dahil malapit lang ito sa downtown Minneapolis. Dito dumadaan ang bus na sinasakyan ko kaya madalas kong nakikita na dumami ang mga tao dito mula nung buwan ng Mayo. Naisip ko tuloy minsan na dumaan pagkagaling sa office para makapasyal at magpicture picture.

Mga pwedeng gawin sa Lake Calhoun:

  • magjogging
  • walking
  • swimming
  • kayaking
  • canoeing
  • boating
  • windsurfing
  • kumain

Medyo sinipag ako netong Biyernes kaya natuloy din ako sa wakas sa aking planong makapasyal dito. Enjoy po kayo sa mga pictures na kinuha ko. Ala-tsamba lang ako sa paggamit ng camera kaya pagpasensyahan nyo na. Humihingi din ako ng dispensa sa mga kababaihan kung puro mga seksing babae ang nakunan ko. Hindi ko kasi kayang magpicture ng mga pogi at machong nakahubad na mga lalake kasi nagpupunas ako ng laway ko. Ahaaay! Lols!

 

 

 

 

 

Advertisements

Posted on June 25, 2012, in kalokohan, lakwatsa. Bookmark the permalink. 27 Comments.

  1. Ang ganda!

    1. Ang ganda talaga ng lugar,sa iyong mga larawan ay para na rin akong naglakbay diyan…
    2. Ang ganda ng mga chikkababes! hahahah… sana ganyan din ako kaganda! ^_^
    3. Ang gwapo nung mama…. hmmm… di ako mahilig sa gwapo… maraming kaagaw hahahaha

  2. theworshipwarriorbride

    ganda! ^_^ gusto ko yung pic no. 11 ^_^

    • naisip kong kunan from afar. mukhang malungkot. siguro, hinihintay nya ang kanyang iniirog. hehe!

      ewan ko, gusto kong subject sa pagpicture ung human emotions. kaya laging panakaw ang pagkuha ko. walang pretensions. personal fave ko dito ung kuha ko kay lolo. 🙂

  3. nice photos brader

  4. theignoredgenius

    yung mga nakatago nilang shorts at iba pang summer outfit, nailabas din sa wakas! parang sa Pinas, kabaligtaran naman. Pag ber months na, japorms na sa mga jackets and sweaters. hehehe

    • oo pre. kabaligtaran talaga. ung kateam kong kano last friday sinabi niya na gusto niya ring lumabas para magamit na niya ang shorts niya. haha!

  5. at talagang napatingin ako sa babaeng naka bikini.. ehehehehe.. parang masarap jan ah…

  6. wow..ang gaganda ng ‘view’ 🙂

  7. katrinadanieles

    isa kang magnanakaw, magnanakaw ng mga pictures. puro candid pala talaga trip mo ser. 🙂 nag-enjoy ako sa picture #25. hahaha. teka, bakit may takip??? hahah. 🙂

    • mas maganda pag panakaw na kuha, walang pretensiyon. walang pagkukunwari. makikita ang tunay na mukha (at sana pati emosyon).

      napabilang pa tuloy ako. haha! ngye! kaya ka nag-enjoy dahil may takip yun. i’m pretty sure, pag walang takip, masusuka ka. lols!

  8. GONDO NAMAN DYAN!! witweew!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: