Can we all get along?

Occurred: June 23-24, 2012
Written: July 2, 2012

Isa ang Minnesota ang LGBT-friendliest (lesbian, gay, bisexual, and transgender) city dito sa Midwest. Kaya naman inaabangan ng marami ang taunang Pride Day nila. May officemate ako na miyembro ng LGBT at nagpasama siya sa akin para makijoin sa pride celebration. Bilang isang kaibigan, gow lang ako bilang suporta.

Noong una, medyo awkward kasi naman, gay ang kasama ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita sa akin. Madudungisan ang aking dangal. Lols! And then, naalala ko na wala na pala akong dangal wala naman palang nakakilala sa akin dito kaya keri na.

Imperness, masaya ang pride day celebration nila. Isa sa naging issue ay ang same sex marriage. Ilang taon na kasing legal ang same sex marriage dito tapos biglang may nakahaing bill sa state na ipagbawal ito. Kaya kinakampanya nila ang “Vote No” sa nasabing ammendment.

Sa Loring Park ginanap ang Pride Day. Nasabi ko bang ilang tumbling lang ang apartment namin sa park? Kaya enjoy na enjoy ang kasama ko. Syempre, kasama rin kami para naman makapanood. Highlight ng pagdiriwang ang concert ni Kelly Rowland at parade. Ang haba ng parade, ilang milya lang ang parada pero 190 ang participants! Wala pang isandaan ang napapanood namin pero tatlong oras na kaming nasa kalsada. Sumuko kami sa gutom kaya nagpasya na kaming kumain.

Enjoy ang mga pictures na nakuha ko. Masyadong marami at mahirap mamili kaya nilagay ko na lang lahat. Humihingi uli ako ng pasensya dahil matagal bago siya maload, mahigit dalawandaan kasi ang mga larawan. Makikita nyo rin ang mangilan ngilang mga sexy dito. Pambawi lang ng pagod at gutom. At oo nga pala, may pic din ako jan na walang maskara. 😀

This slideshow requires JavaScript.

Inaamin ko, mas madalas na homophobic ako kaysa sa hindi. Ito ay sa kadahilanang hindi naman kasi karespe-respeto ang madami sa kanila. Gaya ng madalas kong sinasabi, sa atin nag-uumpisa ang respeto. Treat yourself the way you want others to treat you. Ayan, english tuloy. Tissue please. Lols!

Panghuli nais kong gayahin ang makabagbag-damdaming panaghoy ni Rodney King (bagamat ibang tema ang dahilan ng kanyang panaghoy ay masasabi kong applicable pa rin siya dito). “Can we all get along?” RIP Rodney.

Advertisements

Posted on July 3, 2012, in current events, funny experiences, fyi, lakwatsa, thoughts to ponder, world issues. Bookmark the permalink. 23 Comments.

  1. may mga kaibigan akong bakla at malapit nang maging bakla. okey naman sila kasama kasi nga, hindi naman sila tulad nung ibang baklang mukang laging mandadakma ng etits. sa tingin ko, hangga’t hindi nawawala sa grupo nila ‘yung mga ganung tipong homosexuals, hindi talaga maiiwasang ma-stereotype sila in a bad light.

    ikaw ba ‘yung mamang may hawak ng plakard? hehe.

    • tama. nadadamay ang karamihan dahil sa mga ganyan. kainis divah! haller!? lols!

      ako yung nasa pinakahuling larawan. yung poging may hawak na camera. yung siga-sigaan na nasa gitna ng kalsada. hahaha!

  2. Bakit may 404 image?
    Nandun ka siguro kaya inalis mo. Ahahaha…

  3. hello apollo!

    Idealistic point of view…

    …male for female, female for male…its only Adam and Eve…

    Realistic point of view…

    …its hard to contain in a box who you really are and what you really want… you will try to behave the way society wants you to, but inside you are bleeding like hell because, ITS NOT YOU…

    Its a choice then….

    Fight for your PERSON or be miserable for a LIFETIME of pretense…

    I love my gay and lesbian friends… as long as they are not abusing themselves and giving me headaches when they acquire STDs and AIDS (thankfully wala naman sa kanila pa ang ganyan), I am fine being around them… They cook good meals and I get free make over …hihihi!

  4. My sister is a lesbian. I’m sure she’ll like this place.
    Trending topic (personally): Tanong ng tanong ang madla kung pumapatol daw ba ako? Nakakawindang na ang palagiang tanong nila. Nako-confuse na tuloy ako. T-T

    Lastly, lito na ko as far as my stand on homosexuality is concerned. I’m a newbie to the Christian community and you know what they say about it…. 😦 It’s a very sensitive topic for me I always refuse to talk about it pag may mga Bible study kami.

    😦

  5. “Noong una, medyo awkward kasi naman, gay ang kasama ko.” -madungisan talaga!? LOL

  6. mabagal din magload sakin.

    poor ang internet connection ko pre. hehehe

    I have nothing against them.

    tama ka respeto lang 🙂

  7. marami akong kaibigan na bading pre. mula elem and highschool. walang problema sa kin yung pagiging ganon nila. hanggang ngayon mga tropa ko sila. naggagalangan naman kami. 😀

    kaso ilang beses na rin ako biktima ng pambabastos ng ilan sa kalahi nila (sa mrt, sa mga public cr , sa jeep o sa kalsada). meron na talagang nag trespass na ang kamay , meron naman sinutsutan ako at sinenyasan ng kabastusan sabay dirty finger pa sa may malapit sa sa min, yun muntik ko nang upakan talaga. tinakot ko na lang, bwahahahaha! siguro di na mabilang yung ganong instance. iniisip ko nga, kung may bastusing babae, ako siguro yung bastusing lalake. lols.

    pero dapat, kahit ano pang gender kasi, straight man or baluktot eh sana matutong rumespeto para irespeto rin. tama ka pre, ang respeto nagsisimula sa sarili.

    • yan ang eksaktong dahilan kung bakit ako homophobic madalas. nakakalungkot kasi nadadamay ang karamihan sa kanila.

      marami rin akong mga kaibigang LGBT at okay naman basta may respeto.

  8. may mga barkada talaga ako ngayon na bading. ang kagandahan sa kanila hindi sila maingay at mahusay naman manamit. hindi mo nga pagkakamalang bading basta huwag mong palalakarin o pagsasalitain.

    sa akin basta mabait at marunong makisama, go lang ako. kahit nakakaasar na ang daming guwapo pero bading. hehehe

  9. alam ko tong lugar na to. malapit lang ito sa basilica ni saint mary di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: