ayan na, ayan na, ayaaan naa…. aaaaaaaayyyyyyyy!!!

Occurred: July 14, 2012
Written: July 14/16, 2012

Isa sa mga to-do lists ko dito sa US ay ang makasakay sa mga makalaglag-kaluluwang mga roller coaster nila dito. Pagtapos ng halos sampung buwan dito ay nakaranas na rin ako. Netong sabado ay nagpunta kami sa Valleyfair dito sa Minnesota. Malapit lang naman siya. Mga 30 mins-drive. Entrance fee ay $40.

Ganito ang nangyari. May team building yung mga officemates ko sa ibang project. Nung nalaman kong sa Valleyfair sila pupunta, aba kinapalan ko na ang mukha ko. Ako na ang nagyaya sa sarili ko. Ako naman kako ang magbabayad sa sarili ko. At Iiyak talaga ako pag tumanggi silang isama ako. Buti naman at naawa sila sa akin. Hehehe…

Eto ang mga sinakyan ko. Andito ang kanilang mga larawan kasama ang description:

  • High Roller – una kong sinakyan. May routine kasi akong sinusunod pag sumasakay ako sa mga ganito. Pampagana muna kaya yan ang inuna ko. Okay naman. Medyo nagulat lang ako sa umpisa kasi di hamak na mas mataas siya sa mga rides natin sa Pinas. Napakapit ako sa upuan sa unang bagsak, pagtapos nun, taas kamay na.
  • Looping Starship – tapos na sa pampagana. Pwede ng sumabak sa mga makalaglag-kaluluwang rides. Kagaya neto ang Viking (Starcity) at Anchors Away (EK). Ang twist: umiikot ang ship ng 360 degrees! Ansaya! (Ang ginagawa ko sa atin, tumatayo ako para mas challenging. May isang beses pa nga na muntik na akong tumikwas sa Viking.) Dito, hindi ako makatayo dahil may lock pati ang paa. Tapos pag nasa taas (at nakabaliktad na ang ship), bumabagal ang ikot nya. Taas kamay sa buong ride.
  • Corkscrew – may mga loops at sudden turns, mas okay siya kesa sa Space shuttle. Hindi ko maitaas ang kamay ko dahil masikip ang upuan. Nakipagkilala ang katabi kong kanong babae. Blonde at medyo magkalapit ang height namin. Nagsisi ako kung bakit totoong pangalan ang binigay ko. Ilang beses pa tuloy pinaulit ulit. Friendly siya imperness pero dahil isip bata ako at walang oras sa kasalbahean at nakafocus ako sa rides, hindi ko na siya pinansin. Ni hindi ko naalala ang pangalan niya. Sana din tukmol na lang sinabi kong pangalan para natapos agad ang usapan.
  • Xtreme Swing – nag-enjoy ako ng husto dito. Isa siyang malaki at mataas na duyan. Higit 180 degrees ang swing nya. Okay lang pag pataas kasi nakaharap ka sa taas, walang gaanong thrill. Swabe naman pag pababa na. Para ka ng nakadapa o nakayuko pababa kaya para kang nilalaglag. As usual, taas kamay pa rin. Naawa ako sa katabi kong batang babae. Matapang siya nung umpisa pero biglang nashock. Tahimik at tulala siyang bumaba. Tsk.
  • Wild Thing – 200-ft, 60 degree drop. Galing! Kahit anong pilit ko sa sarili ko, napakapit ako sa unang bagsak. Potah! Ang taas! Nung sumunod na, taas kamay na ulit. Ang sarap tumili! Lols! May parte doon na kukunan kami ng litrato. Ansaya ng itsura ko. Haha! Sayang, ang mahal ng picture – $20!
  • Power Tower – 275 feet ang taas nya parekoy! Dalawang klase siya. Una ay sudden up. Keri lang. Sa pangalawang klase ako kinabahan ng bonggang bongga! Unti unti kaming tinaas kaya tamang build up ng anticipation. Nakikita kasi kung gaano ka na kataas. Hinintay ko yung “ppsssshhhh” ng air pressure para signal ng bagsak. Wala. At yun na nga. Walang kaabog abog kaming inilaglag. Mas mabilis pa sa free fall ang pagbagsak. Umangat ako sa upuan! Napasigaw/napatili pa ako sa gulat/takot/sindak. Akala ko, naiwan ang kaluluwa ko sa taas. Buong ride, di ako nakapagtaas ng kamay. Ang higpit kasi ng hawak ko sa hawakan. Pagbaba namin, may isang lalake ang nakayuko at nakasapo sa dibdib ang kamay. Mukha atang inatake. Haha!
  • Steel Venom – parang star flyer sa atin. Ang twist: 90 degrees (vertical) ang taas at bagsak.Habang.Umiikot. Kagaya ng extreme swing, nakadapa o nakahiga kang itataas o ibabagsak. May isa pang twist: sa huling bagsak na padapa bigla siyang hihinto. Literal na malalaglag ka at sasaluhin ka ng safety harang. Dahil nakataas kamay ako feeling ko, parang free-fall skydive ang bagsak. Feeling lang. Lols!

Hindi ko na nasakyan ang iba pang rides dahil anticlimactic na siya. Naglaro din kami ng perya-like games doon. Nanalo ako ng dalawang official NBA team flags sa 3-pt shoot out. Hihi! Marami pang pwedeng gawin dun kagaya ng magswimming. Oo. May mga pools at water rides din sila. Nasabi ko bang sobrang init dito pag summer? Kaya nagkalat ang mga bra, este, mga naka-bra pala. Marami ding mga snowpy characters dito dahil nga taga-Minnesota ang creator.

Sabi ng mga kasama ko, kitang kita daw sa itsura ko ang pagkahilig ko sa mga rides. Puntahan ko daw ang six flags at mas mag-eenjoy daw ako. Isa lang naman ang sagot ko: bring it on! 😀

Bawal magdala ng camera pag sasakay sa rides kaya di ako nakakuha ng pics/video. Sayang…

Advertisements

Posted on July 17, 2012, in funny experiences, kalokohan, lakwatsa. Bookmark the permalink. 32 Comments.

  1. Na miss ko tuloy ang Minnesota, pati ang Mall of America na may themed park sa Loob. Pa bakasyon naman dyan tabi tayo. LOLz

  2. naku! sa kwento pa lang nalula na ko kaya hinding-hindi ako mapapasakay sa mga ganyan.

    Baka pagbaba ko lantang gulat at inatake pa sa puso. hahaha!

  3. andami mong nasakyang rides .. baka ako isa pa lang hilo na .

    ikaw na pare 🙂

  4. astig pre. sarap naman nito. malululain ako pero mahilig rin ako sa rides. hehehehe. sayang naman yung kumausap sa yo na girl, di mo finollow up. hehehehe

    • naalala ko tuloy si paeng na takot umakyat sa overpass. hahaha!

      i’m so suplado like that kaya pre. lols!

      • onga pre, pero nga pala napasakay namin ng jungle log jam yun dati. malaking achievement na niya yun sa buhay. hahaha

        yang pagiging suplado daw pre ang nakakadagdag ng pagiging habulin eh. buti na lang ako friendly. kaya ko ngang makipaglaro ng basketball sa kanila eh (yung totoong basketball ha, alam mo naman yun di ba?) hahaha

        • hahaha! di ba dun galing yung “rogiieee!”? bigla ko tuloy naalala, nagalit daw ang ex-gf mo (ex kasi misis na ngayon) dahil narinig nya ung biro ko. sensya na pre. haha!

          friendly din ako. kasama mo akong nakipaglaro sa kanila noon eh. naalala ko, tinuruan ko pa ung isang tibo na mag-bank shot. higher percentage shot kako un kesa sa ring ideretso.

          • bwahahaha! oo pre, nag-away pa tuloy kami sa trinoma after nun. kaw may sala. wahahaha. pero ayus naman, ayun ex ko na siya dahil dun. hahahaha.

            oo nga pala, tayo yung nakipaglaro sa kanila. mapagbigay naman kasi tayo sa kanila. friendly talaga tayo pre, kahit san e puede tayo makisama sa kanila. lalo na sa basketbol . 😀

  5. homaygash, di ko carry bells mga ganitong klase ng rides

  6. Kongratyuleytyons!

    Parang ang ganda yata ng rides dun. Nasakyan ko na most thrilling (so far) ay octopus. Sa perya pa yun. Pero iba na talaga ang bigtime na katulad mo. Haha. LOLs

  7. ang saya!!! parang gusto ko din ng mga ganyang rides!! patayan!!!

  8. Kahit mahilig ako sa rides, parang natakot ako sa mga sinakyan mo! Yun EK Extreme (free fall), di ko kinaya dati, nakakanginig ng tuhod, e mas pinabongga pa yan!!

  9. ahhhhhhhhh! gusto ko ma try yun!! hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: