Moses

Occurred: MMDA days
Written: July 21, 2012

Sa lunes ay ibibigay uli ni PNoy ang kanyang taunang SONA. As usual, naaalala ko na naman nung panahong nakasama ako sa pag-aayos ng draft speech hanggang sa pagbigay ng isang presidente ng kanyang talumpati sa harap ng buong bansa.

The End. Haha! Hindi tungkol sa SONA ang kuwento ko. Dahil kasi sa SONA kaya ko naalala ang kuwento ko sa baba.

Minsan, tinatanong ako ng mga kasama ko sa trabaho dito kung ano ang lagay ng traffic natin. Nakakahiya mang aminin, sinasabi ko na malala kumpara dito sa US. Pero medyo proud naman ako pag mga anaps ang kausap ko. Di hamak kasi na mas chaotic ang traffic system nila kesa sa atin.

Kung minsan (at kung gusto kong ipagmalaki ang bayan ko), sinasabi ko na mabilis at maayos. Kinukuwento ko na kahit matraffic, inaabot lang ako ng ilang minuto sa byahe. Halimbawa, mula Makati hanggang Manila, hindi ako aabutin ng trenta minuto.

Kung minsan, kinukuwento ko rin sa mga kasama kong Pinoy dito yun. Hindi sila makapaniwala dahil sa EDSA pa ako dumadaan nun.

Less than 30 minutes!? Malamang hindi rin kayo maniniwala. Totoo po iyan. Pag tinatanong nila ako kung paano, binibigyan ko na lang sila ng isang mahinhing ngiti. Hihi. Paano nga ba? Sikreto natin to ha — depende yan sa kung sino ang kasama mo.

Nakuwento ko dati dito na madalas ako dating kasama ng Chairman sa kanyang cabinet meeting with her excellency, madam president of the republic of the Philippines. Ang sarap ng byahe! Bakit? Para kasing Moses ang boss ko. Parang tubig na biglang nahahawi ang mga sasakyan sa EDSA, South Luzon Expressway o kahit ano pa mang kalsada yan. May kasama (convoy) kaming mga bikers ng MMDA. Nauuna sila ng ilang kanto para patigilin ang mga sasakyan kasehodang berde pa ang traffic light. Mula opisina sa Guadalupe hanggang Malacanang? Mula opisina hanggang senado o kongreso? Mula opisina hanggang Bangko Sentral? Walang problema. Less than 30 minutes yan.

Kung minsan, naiisip ko tuloy na mas mapalad pa pala ako kay PNoy noon. Siya kasi natatraffic kasi wala siyang wang-wang. 😀

Dati dahil iba na ngayon. Sa maniwala kayo’t sa hindi, isa ako sa mga natuwa nung ipinatupad ni PNoy ang no wang-wang policy. Anong nagawa ng utos na to? Yumaman ba ang bansang Pinas dahil dito? Syempre hindi. Pero naniniwala akong malaki ang impact nito sa kamalayan ng buong bansa. Ipinakita nito na lahat tayo ay pantay pantay. Ngayon, naiisip ng tao na kasama nilang natatraffic ang presidente. Marami sa mga kababayan natin ang sumunod at kusang nagtanggal ng wang-wang dahil sa ehemplong ipinakita niya. Ang ilang may matitigas ang ulo ay nasampahan ng kaso kagaya neto. Madali na lang silang mahuhuli dahil dahil lahat ng may wang-wang huli di ba?

Sabi nga ni Milo, good things start from small beginnings. Sana nga, unti-unting umayos ang bansa natin. Sana…

Amen.

Advertisements

Posted on July 23, 2012, in commute stories, corruption 101, current events, politics, thoughts to ponder, trabaho. Bookmark the permalink. 16 Comments.

  1. Hmmm. Una sa lahat, naloko mo ako sa title mo. Haha. Unang glimpse ko pa lang, napansin ko kaagad na wow, Moses. Siguradong tungkol sa baha ang pag-uusapan dito. Pero nagkamali ako. Haha.. Something bad with anticipating. Haha

    Pangalawa, naisip ko na what makes this blog very interesting is that you have so many experiences, experiences that common citizens like me do not experience. I give you that. Haha. Very nice, eh?

    Ikatlo, wala na akong masabi. Haha. Good work, really.

    • experiences? wala pa akong experience kaya. lols!

      seriously, salamat ng marami. nagkataon lang siguro na maging makulay ang trabaho at experiences ko sa buhay. 😀

  2. Ang “Moses” pala ay paghawi ng mga sasakyan kung VIP ang daraan… hmmmm kainaman! Akala ko ay may milagro na uling nangyari sa sanlibutan.

    Naranasan ko rin yan, pero during emergency evacuations lamang. Humahawi ang mga nakakaintindi ng wangwang na ang isinisigaw ay emergency. Pero minsan, may mga pasaway talaga, kahit buhay ang iyong hinahabol, ihaharang pa rin nila ang buhay nila…

    Anyway, minsan, ang sarap sumabit sa mga “Makapangyarihan”…nasasama ka sa biyaya, pero ang tanong, hanggang saan at hanggang kailan mo masisikmura ang ibang ginagawa na labag sa iyong prinsipyo? Ang kasagutan ay iba’y iba mula sa iba’t ibang tao…

    Ayan, gumana ang utak ko sa post mo, salamat Apollo!

    • noon kasi, “legal” or pinapayagang gumamit ng wang-wang ang mga cabinet officials ng presidente kaya walang nagrereklamo. kung iisipin natin, ginagamit ng boss ko ang wang-wang sa official functions nya na kasama ako. pero pag hindi ako kasama, hindi ko na alam kung saan pa ginagamit. hindi rin ako syempre makakapagsalita (in behalf) nung iba pang mga opisyal.

  3. wow! sosyal. nyahahaha. 😀 Sana nga… sana nga umayos na. ang hirap ng buhay!

  4. astig, naranasan mo na pala ang magwangwang. kahit MRT naunahan nyo pa ata sa bilis ng byahe. hehehehe

    tungkol naman sa wangwang, ok na ipagbawal ito sa ibang pinuno na di naman ganon kakritikal ang trabaho. meron kasi kahit mga kagawad na lang, o baka tanod e may wangwang na. may mga pulis na nilalagyan ng wangwang kahit mga private cars nila. meron naman na kamag-anak lang ni general ay may wangwang na. pero si pnoy, dapat meron siya. sayang ang oras na ilalagi niya sa traffic. imbes na nagppsp siya sa kotse este naiipit sa traffic e sana nagttrabaho na lang siya. pero may wangwang na ata siya uli ah. dapat talaga meron ang pangulo.

    • oo nga. ang alam ko, tatlong tao lang ang pwedeng magkaroon ng wang-wang: presidente, senate president o speaker, at chief justice bukod syempre sa mga pulis, bumbero at ambulansiya.

  5. not a big fan of our president pero ung anti wang-wang, that impressed me 🙂

  6. Dati pag nakarinig kami ng wang-wang sa school isa lang ibig sabihin nun, may kinasal.

    weird no? pero ganun sa kanila. Pag may emergency, diretso putukan ng baril at kami? may klase pa rin. Ganun lang. Sanayan.

  7. natawa ako kay Milo, dyan kasi ako pinalaki. pero tama ka dyan sa wang-wang policy. hindi man tayo yumaman ay may epekto naman sa disiplina at paniniwala. domino effect naman yan. kung magkakaroon ka ng disiplina sa isang bagay magagawa mo rin sa iba then mababago na rin ibang aspeto sana lang tumuloy-tuloy yun ekonomiya.

  8. so matanong ko lang.. kulay pink ba or blue ang uniform mo dati nung nasa MMDA ka pa?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: