Suplado ba ako? I’m so mabaet kaya!

Occurred: July 18, 2012
Written: July 21, 2012

Netong nakaraang Miyerkules, papunta kami sa kabilang building sa aking sakahan. Kasama ko ang ilang kliyente namin. Bitbit namin ang aming mga laptop. Nasa may elevator na kami nung may sinabi sa akin ang isa sa kanila.

Client 1: Hey do you know the person who just greeted you in the hallway?
Tukmol: Huh? Someone greeted me? I didn’t notice.
Client 2: Yeah. He said good morning to you.
Tukmol: Really? Who was it?
Client 1: <insert name>. Do you know him?
Tukmol: Of course. I mean only the name. I can’t remember if I met him personally. If ever, I can’t also remember his face. Is he really him?
Client 2: Yeah. And you didn’t respond. Hahaha!
Tukmol: So what!? Oh! I’m sorry about that.
Client 1: Hahaha! You should be very afraid now.
Client 2: You might need to pack your things.
Tukmol: …. *but saying to myself: Fuuuuuck!*

Sino siya? Siya lang naman ang president and CEO ng aming kliyente. Ng aming kliyente na isang multi-billion dollar corporation hindi lang dito sa US kundi ng buong mundo. Na siyang pinakamalaking pribadong korporasyon dito.

Alam ko namang joke lang nila sa akin yung pananakot nilang yun. If I can’t take a joke, then fuck me. Nainis lang ako kasi hindi man lang ako nakabalik ng bati sa big boss namin. Mangyari ay malalim kasi ang iniisip ko nung panahong yun. Either sina-simulate ko sa isip ko ang takbo ng design na ginagawa namin para sa go live or iniisip ko kung ano na nga uli ang lasa ng sizzling sisig. Mas malamang yung nauna.

Bigla ko tuloy naisip, maraming beses na rin akong makasalamuha ang malalaking tao gaya ng presidente at bise-presidente ng Pinas, mga senator at congressmen, mga cabinet officials ng presidente, CEO o big bosses ng mga kumpanya, etc. Naisip ko tuloy, ilan kaya sa kanila ang nasupladuhan ko ng hindi sinasadya? Tsk.. Bad tukmol!

Advertisements

Posted on July 25, 2012, in funny experiences, kalokohan, spur of the moment, thoughts to ponder, trabaho. Bookmark the permalink. 31 Comments.

  1. You may be mabaet, but you’re salbahe kaya! Like when you used wangwang just to get off of the very heavy traffic, that’s not mabaet kaya! Hahahahahaha.. LOL. Comedy!

  2. suplado ka pala e. paano pa kaya kung mga abang tao ang bumati sa iyo. heheh joke lang.

    Okay lang yon, at least malaman nila na may isang tukmol na hindi sila sinu-sino, sadyang suplado lang. nyahahaha!

    more power sa iyo dyan taas ng sakahan mo a. naka-building na.

  3. Suplado kala mo katangkaran! Haha. Peace.

  4. Hmmm lagot ka… hehehe! next time get ready na lang to flash a smile. =)

  5. theworshipwarriorbride

    Ikaw na! Ikaw na talaga! hahaha…nalala ko tuloy, meron akong narinig minsan na nag-uusap habang nakapila sa ATM Machine na ililipat ng branch (ewan ko anong trabaho nya) dahil napag-initan ng boss dahil hindi daw nag-greet (e nag-greet naman daw sya)…hehehe…kawawa lang… buti ‘di power tripper boss mo 🙂

    • hindi naman tamang pag-initan ang isang tao dahil sa hindi siya bumati. walang connection yun sa performance ng isang tao. tingin ko, wala namang ganun dito or wala pa akong nakikita so far. 🙂

  6. hindi ka siguro suplado, baka malabo lang ang mata mo at pandinig mo…

  7. pre, baka mabigyan ka pa ng bonus. kasi malamang nakita ka niya na kahit naglalakad sa hallway, nagiisip ka tungkol sa trabaho. hehehe

  8. what a disclaimer in your name.. instead of apollo or salbahe you used to call yourself tukmol hehehe… typical pinoy guy… not the type of tukmol i know if they see thier boss kulang na lng hugasan ang pwet sa pag sunod sa boss… buti n lng salbahe ka… eh mabaet pla…

    • natutuwa lang ako sa name na yan: tukmol. haha!

      dun ako mahina pre – sa pagsipsip. pag nakikita kong medyo maganda na ang pakikitungo sa akin. medyo lumalayo na ako. para fair sa lahat. kaya madalas akong sabihan na suplado daw ako.

  9. Hindi nman. Salbahe lang! ahaha. naintindihan ka nun. don cha worry :p

  10. Minsan if lost ka in your own oblivion, di talaga pansin ang mga nasa paligid. tsk tsk tsk… di suplado, nataon lang na you were present, but it seems that you were absent…

    hello lang 🙂

  11. Manul-nulat ng Bayan

    salbahe ka nga…hehehehe

  12. Hahaha. Anung laban ng CEO sayo, e sa isnab ka e. Hehe. =b

  13. hahaha… ginagawa ko din naman yun, alam mo yun, ung hindi pansinin ang mga big bosses. hindi kasi kami magkalevel, hahaha

    minsan nga umiiwas pa ako pag makakasalubong ko we. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: